Chapter 7

407 Words
Pupungas-pungas kong kinuha ang phone ko mula sa side table na nasa gilid ko. Tinignan ko ang oras at napabalikwas ako ng bangon. Putragis, alas siyete trenta na! Nakalimutan ko palang i-set yung alarm. Nahawaan na ata ako ng katangahan ng crush ko. Aish! bawal pa naman akong ma-late ngayon. Pasahan namin ng essay na compare and contrast. Ang tanga ko! Halos takbuhin ko ang CR sa labas ng kwarto ko at agad na naligo. Wala na akong time para kumain kaya nang matapos na nga akong maligo after 100 years ay agad akong nag-pants at sinuot yung white t-shirt ko, saka ko sinuot ang sapatos ko. Friday naman ngayon kaya puwedeng hindi mag-uniform. “Ma, La, alis na‘ko.” Sabi ko sa kanila nang makababa na ako. “Hindi ka ba muna kakain, Aya?” Tanong ni Mama. “Hindi na po! Late na‘ko!” Sigaw ko dahil nakalabas na ako ng bahay. Lakad takbo ako papuntang eskinita para makasakay ng jeep papuntang school. At laking pasasalamat ko nang may nakaparadang jeep na nag-aabang ng sasakay. Minsan kasi walang nag-aabang kaya yung mga sumasakay ang nag-aabang. Nang makasakay na ako ay hinugot ko ang phone ko mula sa bag ko. Chineck ko ang messenger ko kung may mga chats ba at mayroon nga. Gandang bungad sa umaga talaga kapag crush mo yung nagchat. Yael Advincula Good morning Asan ka na? Ma-lalate ka ba? Aya Haler, Yael Good morning Aabot pa siguro ako on time Nasa jeep na ako Yael Advincula Nagpuyat ka ba? Aya Huy, hindi ah Nakalimutan ko lang i-set yung alarm Yael Advincula Hmm... you sure? Aya Oo nga kasi HAHAHAHAHA Yael Advincula Okay, I'll just wait here Wala pa naman si ma'am, don't worry Nang mabasa ko yon ay nakahinga ako nang maluwag. Nag-reply lang ako ng ‘okay’ saka ako umidlip. Pagmulat ng mga mata ko ay saktong malapit na kami sa school kaya hindi na ako umidlip ulit at naghintay nalang. “Para po! Eto, bayad.” Sabay abot ko ng bayad sa kuyang driver. Lakad takbo na naman ako papuntang room at laking pasasalamat ko nang madatnan ko ang room na maingay dahil wala pa si ma'am. Humihingal akong naupo sa upuan ko at napatingin kay Yael saka ko siya tinaasan ng kilay. “Oh ano?” Mataray kong saad. “Sa susunod... kukunin na kita sa bahay niyo at sabay na tayong pupunta rito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD