Chapter 1
“One step closer
One step closer”
Pinagmasdan ko ang kagandahan ng plaza ng bagong school ko. Tamang soundtrip lang gamit ang earphones ko tapos lalakarin yung campus na sobrang daming puno kaya napaka-presko ng hangin.
“And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more”
Nang makuntento na ako sa view ay tinuon ko sa aking cellphone ang atensiyon ko. Nagscroll-scroll ako sa tambakan ng mga music ko para pumili ng susunod na kanta nang biglang...
“Puta-”
“s**t!”
May malaking katawan ang nakabangga sa‘kin. Oo, malaki. Ang lakas ba naman ng impact ng pagbagsak ko.
“Are you okay?”
Sinamaan ko ng tingin yung lalakeng nakabangga sa‘kin. Ang tigas naman pala ng mukha nito eh. Pasalamat siya gwapo siya. Kita nang natumba ako eh, malamang hindi ako okay. Pogi nga tanga naman.
“I’m sorry. Let me help you.”
Nag-squat siya para pulutin yung mga librong nahulog. Pagkatapos ay tumayo siya at inilahad ang kamay niya na siyang ikinagulat ko. Luh, pa-epal. Oo na, tanga ka pero slight lang.
Inabot ko naman yun at dali-daling tumayo. Pinagpag ko pa yung palda kong nadikitan na ng mga buhangin. Kung hindi lang kasi tatanga-tanga ‘tong gwapong ‘to edi sana hindi ako nag-guilty tawagin siyang tanga. Ang gwapo ba naman kasi. Oh siya, ako na ang tanga rito. Inaako ko ang kasalanang hindi naman akin para lang sa nilalang na ito.
“I’m really sorry. You and I should go to our classes. We might end up being late.”
Ang haba-haba ng sinabi niya wala naman akong naintindihan, kimi. Naiintindihan ko naman ‘no, hindi ako katulad niyang tanga pero slight lang.
“Geh.” Tipid kong sagot at tinalikuran siya.
Paano naman kasi eh first day ko rito bilang transferee student tapos gano’n pa first encounter ko sa school. Magugustuhan ko pa yun kung nadapa ako pero sinalo niya. Romantic kaya yun.
Katapat ko na ang room na papasukan ko kaso feeling ko hindi ako para rito eh. Napaka-ingay, kulang nalang ata lagyan ng mga karne bawat mesa para maging palengke ‘tong room. Hoy, alam ko ‘yang iniisip mo. Hindi ako maingay ‘no, sa isip ko lang ‘tong mga pinagsasasabi ko.
Pumasok na ako sa palengkeng room at umupo sa pinakadulo dahil dito lang naman yung may free na upuan. Bahala na, mas maganda naman kapag nandito sa likod, less distorbo.
Tumahimik ang lahat nang pumasok na ang first teacher namin. Sa laki ng tiyan niya nauuna pa ito kaysa sa paa niya kapag naglalakad, parang mga chismosa na nagtitipon tipon sa labas ng bahay niyo.
“I’m Marites Dalisay, I will be your teacher for Reading and Writing. We‘ll just be having an introduction of ourselves for today. Starting from you,” Itinuro niya ang lalakeng nasa front row at nasa left side mula sa vision ko.
Tila naging isang linya ang mga kilay ko nang mapagtanto kong siya ang nakabangga sa‘kin sa hallway. Ang lupit naman talaga ng tadhana oh. Bakit naging classmate ko pa ‘yan?
“Good day, everyone. I’m Yael Amadeus Advincula. 17 years old.” Yun lang at umupo agad siya.
Hmm, mas matanda pala siya sa‘kin ng 1 year, akala ko ako yung mas matanda. Pero in all fairness ah, dagdag pogi points yung pangalan niya.
“Do you have any hobby and dreams?” Tanong ni Ma'am Marites.
“Ah yes, my hobby are watching videos and playing volleyball. My dream is just simple, make my family proud.”
Wooooow amazing! Pogi mo talaga, hays.
Nabagot na ako kakarinig ng mga pangalan nila kaya napapapikit na ako sa antok. Tinampal-tampal ko nalang sarili ko para manatiling gising.
“Next.“ Sabi ni Ma'am Dalisay.
Tumayo na ako nang matapos na yung fourth row, ako lang naman yung nandito sa fifth row eh.
“Good morning po. I’m Amaya Reyes and I'm 16 years old. I love reading fictional books and singing. I just want to be a flight attendant someday if given a chance.”
Tumingin muna ako kay Yael bago naupo. Nahuli ko kasi siyang nakatitig. Ano beh? Tameme ka ngayon ‘no? Natameme ka kasi alam kong sign na ‘to para gumanti ako sa‘yo.
Pero anyways, mukhang magugustuhan ko ‘tong class na ‘to kahit papaano. Reading and Writing yung first sub eh, at least hindi Statistics and Probability.
Kasalukuyan kaming naghihintay sa next teacher namin nang kusa akong mapatingin kay Yael. Nakangisi kasi siya habang nakatingin sa akin.
Ano na naman kaya ang trip ng poging tanga na ‘to.