“Our main focus for this month is writing an essay.” Nag-announce na ng activity si Ma'am Marites. “Your assignment for tomorrow will be written by Miss Reyes. May meeting ang mga teachers, so the class will end immediately.”
Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang apilyido ko. Kapag minamalas ka nga naman, ako pa talaga napili para magsulat sa blackboard na hindi black kundi green. Ewan ko ba sinong nagpauso ng mga pangalang hindi connected.
Wala naman na akong magagawa kaya tumayo na ako at bored na naglakad papunta sa unahan. Tinignan ko ang papel sa mesa at agad akong nanlumo nang makitang medyo madami ito.
Kinuha ko ‘yon saka ko inumpisahang magsulat. Kung nagtataka kayo kung nasaan si Yael, aba‘y ewan ko. Late siya, siguro puyat ‘yon.
Nakakalahati na ako sa sinusulat ko nang may biglang tumikhim sa left side ko which is sa pintuan. At hindi nga ako nagkamali. Nakasandal si Yael sa pader habang nakangisi.
“I never thought you‘re gonna be a Class Secretary.” Komento niya.
“Bakit? Secretary lang ba ang dapat magsulat sa blackboard?” Inirapan ko siya.
Late na nga, nagawa pang magbiro. Kakaiba rin ‘tong utol niyo eh. Akala ko pa naman dadating siya ritong humahangos at naliligo sa pawis.
Nagulat ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko kaya nagkamali yung sulat ko.
“Bitawan mo na ‘yan. Ako na magsusulat.”
Hindi niya na ako kailangang utusan dahil kusa kong nabitawan yung chalk. Nagulat ako sa offer niya pero mas nagulat ako kasi first time ko siyang narinig na mag-tagalog. At hindi ko ma-itatanggi, napakagandang pakinggan at napaka-manly.
“Are you okay? You're sweating.” Pinahid niya ang noo ko gamit ang likod ng palad niya. Pukinangshet ‘to! Hindi niya ba alam na nababaliw na ako rito dahil sa kilig?!
Nasira ang moment namin dahil may biglang tumikhim na kaklase namin na nasa front row lang. Ano ba yan, makaupo na nga lang, may panira rito eh.
“S-sige, Yael. Upo na‘ko ah? Salamat.” Pagkatapos sabihin ‘yon ay dali-dali akong nagtungo sa upuan kong nasa fifth row pa.
Nang makaupo ako ay nakita kong dala pa rin ni Yael yung bag niya. Hindi na yata nag-abala pang ilagay ‘yon sa upuan niya.
Kinuha ko na ang notebook ko saka ko sinimulan isulat ang assignment. Medyo madami kasi kaya matatagalan ako nito. Ibibigay ko nalang din ‘to kay Yael mamaya para makapagcopy siya. Paniguradong buburahin kasi yung nasa blackboard kapag nagstart na yung next class.
Nang matapos na si Yael ay nagtaka ako nung maglakad siya patungo sa‘kin at umupo sa katabing upuan ko. Ano na namang trip nito?
Hindi ako umimik sa halip ay tinaasan ko lang siya ng kilay.
“I want to sit here.” Seryoso niyang saad.
“Bakit? Na-realize mo na ba na bff na tayo?” Pang-uusisa ko.
“I don't know, silly.”
Ha? Mukha ba akong maanghang?
“I’m hot and I know right.” Inirapan ko siya.
Nakatunganga lang siya sa‘kin. Hindi ata kami nagkakaintindihan.
“I brought my motorcycle here. I'll drive you home later.” Pag-iiba niya ng usapan.
Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa kaniya. Seryoso ba siya?
“Naku, huwag na. Hindi na kami sa bahay tumitira ngayon. Kakalipat lang namin kagabi sa bahay ng Lola ko. Medyo malayo ‘yon kaya huwag ka nang mag-abalang ihatid ako.” Tanggi ko.
“Lipat? Ba‘t naman kayo lumipat?”
Hindi agad ako nakasagot kasi pinoproseso ko pa sa utak ko na nagtatagalog na siya.
“Ah hahaha, nag-away kasi si Mama ta’s Papa.” Sinasabi ko sa inyo, ang awkward ng tawa ko.
“Oh, is that so.” Aniya. “I'll still drive you to your Grandma’s house.”
Napayuko nalang ako, sign na suko na ako. Namimilit eh, edi payagan.
Pagkatapos ng klase ay sumama na nga ako kay Yael palabas ng school kung saan nakapark ang motor niya. Gara naman nito, noon araw-araw nananakit paa ko kakalakad tapos ngayon may taga hatid na sa‘kin. Huy! ang haba ng hair.
Nakasunod lang ako sa kaniya at nang makita ko na nga yung motor ay umangat ang dalawang kilay ko. May dalawang helmet na nakasabit sa manobela ng motor. Pinaghandaan niya talaga hihi.
Kinuha niya ang isa saka inabot sa‘kin.
“Here, wear it. Bagay ‘yan sa‘yo, pink.”
Pinigilan kong mapangiti. Nahalata niya kayang pink yung favorite color ko?
Pinanood ko kung paano niya suotin yung black na helmet niya. Hinawi niya muna yung buhok niyang napunta sa noo niya. Napalunok ako. Ang pogi.
Pagkatapos niya ay sinuot ko na rin ang akin saka niya pinaandar ang makina ng motor. Tinanguan niya ako, senyales na pinapaangkas na ako. Nahirapan pa ako kasi medyo mataas tapos maikli pa yung shorts na nasa ilalim ng palda ko.
“You can grip my shirt if you want.”
Kumurap-kurap yung mata ko. Humawak ako sa dulo ng damit niya saka ako napangiti. Sana dumikit yung amoy niya sa‘kin hihi.
Nang makaalis na kami ay saka ko lang na-appreciate ang view ng daan papunta sa bahay ni Lola. Dumadaan kasi muna sa tabi ng dagat at iilang mga bundok bago makapunta ro’n. Tsaka iba rin yung feeling kapag single na motor ang sinasakyan mo, malaya mong nalalanghap ang preskong hangin na mula sa dagat.
Ang swerte ko naman, nakamotor na nga ako tapos maganda pa yung view, crush ko pa naghatid. Dream come true.
Ilang minuto pa at naihatid niya na nga ako pauwi. Inikot niya pa ang paningin niya, sinusuri ang bahay ni Lola. Kahit medyo luma na ito ay maganda pa rin naman.
“Your grandma’s house is old yet stunning.” Sabi niya, hindi linulubayan ng tingin ang bahay.
“Luma na talaga ‘yan. Magaling kasi mag-alaga ang Lola ko kaya stay pretty yung bahay niya.”
Tumango-tango siya saka binaling ang atensiyon sa‘kin.
“I can't find you're account on f*******: and i********:. Do you have one?”
Natawa ako. Hindi niya talaga mahahanap ‘yon. Naka-one name ba naman tapos nickname ko pa yung gamit.
“Akin na phone mo, ako na mag-a-add.” Ani ko.
Inabot niya naman yung phone niya. Inopen ko yung f*******: niya saka ko tinype ang ‘Aya’ para i-search. Pagkatapos ay pumunta naman ako sa i********: saka ko finollow yung ‘@amayaaaur’. Nakangiti ko itong inabot sa kaniya.
“Okay then I'll go ahead. Chat nalang kita kapag nakauwi na‘ko.” Sabi niya saka siya sumakay sa motor niya at umalis.
Naiwan akong tulala at ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko, namumula na ata ako. I-chachat niya ako? Tapos chat-chat kami araw-araw? Halaaaa, another level.