Chapter 6

782 Words
Pagpasok ko ng bahay ay tumambad sa‘kin si Lola na malapad ang ngiti at si Mama na nakataas ang kanang kilay. “Sino ‘yon?” So tono ng boses ni Mama parang kakain ng buhay. “Si Yael po, kaklase ko.” Sabi ko at lumapit sa kanila para magmano. “Nanliligaw ba sa‘yo ‘yon?” Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Mama. Seryoso pa rin siya at hindi pa rin kumakalma yung kanang kilay niya. Kailan kaya bababa ‘yan? “Hindi, Ma. Ano ka ba? Kaklase ko lang ‘yon tapos crush ko hihi.” Bago pa ako makurot ni Mama ay dali-dali akong umakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa siyang sumisigaw. Nasanay na ako ro’n. Medyo strikta kasi si Mama kaya si Lola lang yung pinagk-kwentuhan ko tungkol sa mga nagiging crush ko. Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong nagbihis at padabog na humiga sa kama. Second day ko palang bilang isang senior high student pagod na ako. Paano pa kaya kapag midterms na? Baka magkandarapa ako sa bundok-bundok na activities, reports, projects, at long quizzes. Pero okay lang ‘yan, may Yael naman ako na magiging inspirasyon ko. Nag-ring ang phone ko kaya tinanggal ko ito mula sa pagkaka-charge. Nakita ko sa screen na si Papa ang tumatawag. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ngunit sa huli ay sinagot ko rin. “Hello? Pa?” Naghintay ako ng ilang segundo pero walang nagsalita. Narinig ko lang na bumuntong hininga siya. “Kamusta kayo ng Mama mo, anak?” Sa tono ng boses niya alam kong lasing siya. Wala namang araw na hindi umiinom si Papa eh. “Okay lang kami, Pa.” Kahit hindi. “Huwag na po kayong mag-alala.” Hindi ko pa rin alam ang rason kung bakit sila nag-away kaya magagawa ko pang kausapin siya. “Ibababa ko na, Pa. May gagawin pa po ako.” Hindi ko na siya hinayaang magsalita at pinatay ko na yung tawag. Babalik na sana ako sa kama para humiga nang maalala kong magchachat nga pala sa‘kin si Yael. Binuksan ko ang data saka pumunta sa Messenger. Nakita ko ang message request niya kaya agad kong pinindot ‘yon. Yael Advincula I just got home. Agad akong nagreply. Aya Buti naman, kain ka na. Habang hinihintay yung reply niya ay lumipat muna ako sa f*******: para tignan yung profile niya. Yael Advincula From Tacloban City Followed by 2,029 people ngl.link/amadeus30024 Pinigilan kong tumili. Pati ba naman f*******: account niya ang pogi. Pinindot ko ang respond para ma-confirm ang friend request niya. Pagbalik ko sa convo namin ay may reply na pala siya tapos tatlo pa. I'll eat later. Ikaw, kain ka na. You're still not following me back on i********:. Nang mabasa ‘yon ay agad akong pumunta sa i********: at tinignan ang notification ko. Nakita ko naman agad ang account niya. @yael.aa followed you. Pinindot ko ‘yon saka tumambad sa screen ang account niya. @yael.aa 0 post | 1,559 followers | 74 following Yael Amadeus Just want to sleep. Wala siyang post ni isa pero ang dami niyang followers. Artista ba siya? Napanguso ako at bumalik nalang sa convo namin para magreply. Aya Tapos na boss. May naalala ako kaya agad ko siyang tinanong. Aya Galing ka pala sa Tacloban, nagwa-waray ka ba? Yael Advincula Of course. Aya Sige nga, magwaray ka nga. Yael Advincula Kahusay nim. Aya Ha? Magaling yung husay sa tagalog ‘di ba? Ilang minuto na akong naghihintay sa reply niya pero wala pa rin kaya napagdesisyunan kong bumaba na para kumain. Naabutan ko si Lola na nagluluto ng ulam at si Mama naman ay nasa labas raw nagpapahangin. Kinuha ko na ang mga plato saka ko inilagay sa mesa. Huminga pa ako ng malalim para amuyin yung mabangong niluluto ni Lola. “La, ano po yung niluluto niyo?” Sumilip ako at nakita kong adobong manok pala iyon. “Adobong manok na nilagyan ko ng pinya, iyong tidbits na tig bente.” Sabi niya habang patuloy na hinahalo ang adobo. “Saktong-sakto, nagutom ako sa byahe namin ng crush ko.” Napangiti ako. Naaamoy ko pa rin kasi siya sa damit ko. “Nga pala, hindi mo man lang siya pinakilala sa amin ng Mama mo.” Nakanguso niyang saad. “Naku, La. Alam mo naman kung paano magreact si Mama, akala niya ata mag-aasawa na ako.” Umiling-iling ako. “Pagpasensyahan mo na ‘yang Mama mo, hija. Iniingatan kalang n‘yan at baka sa susunod eh matulad ka sa kaniya. Intindihin mo nalang ang Mama mo.” Malumanay siyang ngumiti sa akin. “Opo.” Yumuko ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD