Chapter 1:THE FIRST TIME SHALANI WAS BULLIED!
Simula
Una sa lahat,may ipapakilala ako sa inyo. Siya si Shalani Sebastian. May Isa syang kapatid na si Kallix. Minsan lang sila magkasundo.Nakatira sila dati sa Batangas at ngayon ay lumipat na sila ng manila.May kapitbahay pala sila dun si gennie Garcia.May dalawa rin siyang anak, si Cassie, at jack, At ito na ang kwento ni shalani.
SHALANI'S POV.
Nasa kwarto pala ako. Tiningnan ko yung relo. Hala, oras na pala. Mal-late na ako. Kaya bumaba agad ako. Pagdating ko sa baba, hindi na maipinta ang mukha ni Nanay. Siguro dahil tagal akong bumaba. May ipakilala ako sa inyo ang nanay ko.siya pala si Irene, ang pinakamamahal kong nanay sa mundo.
"Anak, bakit ngayon ka lang bumaba? Mahuhuli kanasa klase" saad ni Nanay.
"Patawad, Nanay.Di kasi ako nakatulog nang maaga" sagot ko sa kanya.
"Magdadahilan ka pa. Maligo ka na, bilis" dagdag pa niya.
FAST FORWARD
Tapos na ako maligo. Tapos na rin akong kumain. Nagpaalam na ako kay Nanay. Paglabas ko sa bahay, ayan na naman, may nakita na naman akong mukha na hindi maipinta.
Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa ako dito. Pag mahuli ako sa klase, lagot ka sa akin," sabi ni Kuya Kallix.
"Hay, Kuya naman. Promise, 'di na 'to mauulit," sagot ko sa kanya.
"Umangkas ka na," dagdag pa niya.
Mabilis lang kami nakarating sa school. 'Di naman to masyadong malayo sa amin. Kung maglalakad ka, aabutin ka lang naman ng 2 hours. Kaya 'di masyadong malayo. Pumasok na si Kuya sa room nila. Maraming nagtanong sa kanya kung kapatid ba niya ako. By the way, 'di ko pa nasabi sa inyo, transferee pala ako dito. Kaya marami pang 'di nakakakilala sa akin. Pumasok na ako sa room ko. Hinayaan ko lang si Kuya na tanungin siya ng mga classmates niya. Pagpasok ko sa classroom, agad akong bumati sa teacher at kaklase ko. Nagpakilala na rin ako sa kanila. Maraming nagbulungan, pero 'di ko na pinansin. Ako kasi yung tipo na babae na ayaw ng gulo. Tapos na akong nagpakilala sa kanila kaya umupo na din ako. May tumabi naman sa akin, isang cute at halatang mabait na babae. Tinanong niya ako kung gusto ko ba daw maging friend niya. Sinagot ko naman siya ng "oo" kasi wala pa din akong ibang friend bukod kay Cassie na nasa ibang section.
FAST FORWARD
"Shalani, let's go to the canteen, my treat"sabi nya
'Omg, hindi lang siya cute at mabait, mayaman din pala'
"Tara, cutie. Nagugutom na din ako eh," sagot ko sa kanya.
Tapos na kami mag-snack. Bumalik na kami sa classroom. At nabigla nalang ako nung nakita ko ang larawan ko sa blackboard.May nakasulat dun na "HINDI KA NABABAGAY DITO DAHIL MAHIRAP KA LANG." Nasaktan ako dun. Wala akong magawa kundi tumakbo, gaya ng sabi ko, ayaw ko nang gulo. Kaya umiwas ako sa kakatakbo ko. Nakabangga ako ng isang matangkad at poging lalaki.
"Patawad po, nagmamadali kasi ako," paghingi ko ng tawad sa kanya. Nabigla nalang ako nung tumingin siya sa mga mata ko.
"Sunshine? Ikaw nga, Sunshine. Dito ka na pala nag-aral. Kaklase mo ba si Cassie?" sunod-sunod na tanong sa'kin ni Kuya Jack
"Omg, 'di ako makapaniwala na si Kuya Jack pala ang nabangga ko. Nakakahiya ako. Kung nagtataka kayo, bakit Sunshine ang tawag niya sa akin, ako rin nagtataka. Iwan ko kay Kuya. Sinagot ko ang mga tanong niya at patuloy na tumakbo papuntang library."
"Sunshine, wait!" sigaw niya.
STILL SHALANI'S POV.
FAST FORWARD
"Kuya Jack, anong ginagawa mo dito?"
'Nababaliw na ata ako. Bakit ko tinanong ang mga bagay na 'yun? 'Di ko naman pagmamay-ari ang library na 'to. Kaya natural lang na pumunta siya dito. Pero bakit? Class hours ngayon.'
Bigla na lang niya akong nilapitan at pinunasan ang mga luha ko. At sinabing, "Wag ka na umiyak, andito lang ako. Ipagtatanggol kita palagi.Hay, naguguluhan ako sa kanya. Akala ko hahalikan niya ako. Medyo assuming talaga ako, hehe.
"Sunshine, pumasok ka na sa room mo. Class hours ngayon," saad niya.
"Pero, Kuya, gusto ko muna dito," sagot ko sa kanya.
Hindi pa rin tumigil ang mga luha ko sa kakaiyak. Kaya pinunasan na naman niya ang mga luha ko at niyakap niya ako. Dahil sa sobrang higpit ng yakap niya, 'di ako makahinga."
To be continued........