THIRD POV "Ella, hindi ka pa ba matutulog?" Napatingin si Ella kay Jenny na naghahanda na sa pagtulog. Palabas na sana siya ng maid's quarter habang si Jenny naman ay kapapasok lang doon at kasalukuyang inaayos ang higaan. "May iuutos pa yata si Senyorito kasi pinapatawag pa niya ako." Nakatanggap kasi siya ng text mula kay Nyx at pinapapunta siya nito sa kwarto. Alas otso na ng gabi pero dahil personal maid siya ng binata, hindi siya pwedeng humindi. "Ganoon ba? Mag-ingat ka lang dahil baka makita ka ng don ha? Ang alam ko ay nasa study pa si Don Mallari," paalala naman ni Jenny. "Salamat, Ate Jenny. Pupuntahan ko muna si Senyorito." Tumango naman si Jenny kaya lumabas na ng maid's quarter si Ella. Patay na ang mga ilaw sa mansion at tanging mga maliliit na ilaw sa mga pader ang na

