THIRD POV Literal na napanganga si Briella nang makita ang dalawang bucket ng beer na dala ng waiter ng resort. Kasalukuyang silang nakaupo sa may dalampasigan nang lumapit sa kanila ang waiter. "Enjoy po, Sir and Ma'am," nakangiting sabi sa kanila ng waiter. Katatapos lang nilang maglakad lakad sa buong resort. Malapit na ring lumubog ang araw kaya niyaya siya ni Nyx na maupo sa dalampasigan upang manood ng sunset. Walang masyadong tao sa resort kaya halos solo nila ang lugar. Nagbukas ng dalawang beer si Nyx at iniabot sa kaniya ang isa na agad naman niyang tinanggap. Medyo matagal tagal na rin kasi nang huli siyang uminom. At dahil sa nangyari kanina, kailangang kailangan niyang mag-relax. "I saw you talking to the three women at the mall," panimulang sambit ni Nyx. Mapait na napa

