Huminto sa harapan namin si Kath na nakakurbang paitaas pa din ang kilay nya sa amin. Animo'y susugod sya sa gera at kailangan nyang makipaglaban. "Yes sir? Is there a problem? Ako ang nagbigay ng mga folders na yan kay Liza." Matapang na saad ni Kath Magkasalubong ang kilay ni Brent nang harapin nya si Kath. "Did you inform her that this report is needed on thursday? Bakit nya minamadali ang mga ito?" Banggit ni Brent Hawak nya ang isang folder at ipinapakita nya ito kay Kath. Kinuha ni Kath ang folder at pinasadahan nya ng tingin ang mga ito. Patagilid syang ngumiti at saka nya hinarap ang nagagalit naming boss. Damang dama ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi ako sanay sa mga ganitong eksena. "Yes Sir! I told her that this reports will be needed on Thursday. S

