Isang linggo nga lang ang lumipas matapos sabihin ni Brent na lilipad kami patungo sa Scotland, ay hindi ako makapaniwala na naririto na kami. Nakaapak na ako sa mapuputing snow dito. Pinagmamasdan ko ang kagandahan ng buong paligid. Pangarap ko lang ito dati ngunit ngayon ay ipinaranas sa akin ni Brent ang makapunta sa lugar na ito. Masayang masaya ako habang hawak ko ang snow ball na kasing laki ng palad ko. Pumulupot ng yakap mula sa aking likuran ang boyfriend ko. Inihagis ko paitaas ang snow ball na hawak ko. Ang gandang pagmasdan nito! Kahit napakalamig sa lugar na ito ay ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng kanyang mga yakap. Sabay kaming naglakad sa gitna ng mga niyebe habang magkahawak ang aming mga kamay. Hinatak nya ako patungo sa isang sikat na restaurant sa Ed

