Liza Nangulap ang mga mata ni Alex pagkatapos kong ibulgar sa kanya ang lahat. Hindi ko rin kaya ang nakikita kong paghihirap nya ngayon. Nasaktan ko ang puso ng kaibigan ko. O mas magandang sabihing nasaktan ko ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Marahan nyang kinabig ang braso ko at inalalayan nya akong makapasok sa loob ng bahay. Ingat na ingat ang bawat hakbang namin habnag patungo kami sa loob ng kanilang bahay. Hindi na sya umimik pa sa akin. Naging tahimik na lamang sya pagkatapos ng mga ibinunyag ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang matinding pinagdaanan ng kanyang puso ngayon. Sinalubong kami ni Lola Pilar. "Mabuti at narito ka na Liza. Nakahanda na ang hapunan. Alam kong gutom na kayo." Bungad ni lola Pilar Pagpasok namin sa bahay ay dumerecho kami sa hap

