Liza Ako ang naging abala sa paghahanda sa bahay para sa pagdating ni Ate Charmaine. Naglagay ako ng isang malaking tarpaulin sa may sala na may nakasulat kung gaano kawelcome sa amin si Ate. Tinulungan ko rin si mama sa pagluluto ng mga pagkain para sa kanya. Lahat ng mga paborito nya ang inihanda namin. Tinanong ko kay Kuya lahat ng paboritong pagkain ni ate Charmaine. "Naku! Buti na lang at nandyan ka palagi Liza. Handang tumulong sa akin." Wika ni Mama Hinahalo ko ang niluluto kong menudo nang magsalita si Mama. "Ayos lang naman Mama, saka gusto ko rin itong gawin para kay Ate Charmaine. Naaawa ako sa kanya kasi base sa kwento ni Kuya itinakwil na sya ng pamilya nya. Kaya nga nandito tayo para sa kanya di ba." Nakangiting wika ko kay Mama "Ang bait bait talaga ng anak ko! M

