Liza Ilang buwan ang lumipas at halos mabagot na ako dito sa mansyon. May mga pagkakataon pang hindi umuuwe ng ilang araw si Brent at hindi man lang sya tumatawag sa akin. Hindi ko macontact ang kanyang cellphone kaya nakakaramdam ako minsan ng kaba at takot. Ang dami kong iniisip sa tuwing hindi ko sya matawagan at hindi sya nagpaparamdam. Hindi kaya nahuli na sya ng mga pulis? Hindi kaya pinugutan na sya ng ulo ni President Frederick Del Valle? Hindi kaya patay na sya? Laging ganito ang eksena ng utak ko sa tuwing hindi sya uuwi ng ilang araw. Sobrang bigat sa kalooban. Sobrang sakit sa damdamin ang lahat ng mga naiisip ko. Nakaupo ako sa may garden ng mansyon habang iniisip pa rin kung saang lupalop ng mundo naroroon ang boyfriend ko. Lagi na lang bang ganito ang madaram

