Liza Ilang buwan lang ang lumipas ay nagpasya ang kapatid kong si Kate na magtungo sa Luxembourg upang mamuhay bilang isang Prinsesa at doon na tapusin ang kanyang pag-aaral. Nakakalungkot lang isipin dahil isa isa na yata silang umaalis ng bahay. Mawawala na ang dating ingay at kasiyahan na bumabalot sa loob ng bahay namin dahil ang dalawa sa pinakamakulit kong kapatid ay wala na sa puder namin. Lahat kami ay nakapalibot kay Kate isang hapon para mag-paalam at matinding kalungkutan ang nararamdaman ko. “Bye Kapatid, mamimiss namin ang kaartehan mong taglay!” sabi ni Kuya Jordan “Wala na akong baby bunso!” sabi ko naman “Sobrang mamimiss ko ang pambubully sayo kuting!” si Migz Lahat kami ay yumakap sa kanya. Lahat kami ay pinabaunan sya ng isang mainit at mahigpit na yakap

