Liza Hindi mapakali ang asawa ko habang nakaupo kami sa sofa ng aming sala. Miss na miss ko na nga ang bahay naming ito. Wala pa ring pinagbago mula nung araw na umalis ako. Simple pa rin ito katulad noon. At alam kong puno pa rin ng pagmamahalan ang paligid nito kahit na hindi na kami kumpleto. Tahimik lang din si Papa habang humihigop sya ng mainit na kape. Panay ang masid nya sa asawa ko. Malamang ay nasa utak pa din ni Papa na ang kaharap nya ngayon ay si Buwitre. Kaya mistula bang inaabangan nya ang bawat kilos nito. Maya maya pa ay isa isa nang bumaba ang iba ko pang mga kapatid. Nakahalukipkip si kuya Jordan at panay ang irap sa asawa ko ng bumaba sya. Ganun din ang awra ni Kate sa kanya. Para bang isinumpa na nila ang asawa ko at wala ng lugar ang kapatawaran sa puso nila

