Paggising ko kinaumagahan ay sobrang sakit ng ulo ko. Mabuti na lang at walang pasok ngayon. Ito na ba yung tinatawag nilang hang over? Parang gusto kong isumpa ang alak sa nararamdaman ko ngayon! Mistulang binibiyak ang bungo ko. Parang umiikot pa rin ang paningin ko hanggang ngayon. Minabuti kong tumayo na lang at niligpit ang aking higaan. Alas nueve na pala ng umaga! Late na akong nagising. Kapag wala akong pasok ay alas siete pa lang dapat gising na ako. Umiling iling ako! Hinawakan ko din ang aking ulo na sobrang kumikirot! Hindi ko na uulitin 'yon! Masakit na sa ulo, tinatanghali pa ako ng gising. Pagbaba ko ng sala... "Oh Liza! Tinanghali ka ng gising dahil sa pag-iinom mo!!!" Galit na bulyaw ni Mama Naku! Galit ang nanay ko! Hindi ko inaasahan na magagalit sya s

