Chapter 6

1701 Words
-Bella- Nagawa kong bumalik sa kulungan para imbistigahan ang pagkasawi ng anim na nahuli namin, pumayag naman si Major Alex, na gawin ko yon pero kasama ko ang iba pa naming kasamahan at hinayaan ko na lang ang mga ito sa gagawin nilang imbistigasyoin. At habang abala ang iba sa kanilang mga ginagawa ay nagkaroon naman ako ng pagkakataon para makaalis ng hindi nila napapansin. Mabilis akong nakarating sa condo at doon ko binasa ang lahat ng messages na pinadala sa akin ng janitor gamit ang cellphone na bigay nito. “Ma’am, alam kong mabuti kayong tayo kaya gusto ko kayong tulungan. Pinaslang ang anim na kalalakihan dahil sa utos ng namumuno rin sa kanila, hindi ko kilala kung sino pero kilala ko ang mga galamay nila dito sa loob ng kulungan. Si Colonel Manolo, ang nagbibigay ng utos galing sa kanilang pinuno para paslangin sila. At si Master Sergeant Salem, naman ang gagawa ng pagkitil sa buhay ng mga ito. Tahimik silang gumalaw at hindi rin biro ang nakukuha ng mga itong suporta lalo na kung tungkol sa nagtatagumpay ang mga ito sa lahat na pina-uutos sa kanila.” Basa ko sa mga message nito sa akin naningkit naman ang tingin ko sa kawalan dahil kilala ko ang mga taong tinutukoy nito. “Boss Madam, kami na kukuha sa dalawang yan? Anong gusto mo buhay o patay?” Malokong tanong sa akin ni Bonnie at hawak nito ang paborito nitong katana na iniregalo ko pa dito noong makapasa ito sa isang matinding pagsubok na ako mismo ang nabigay. “Buhay n’yong ihaharap sa akin ang dalawang ito, dahil meron pa akong kailangan malaman sa kanila? At oras na mapatunayan kong tama ang hinala ko mananagot sa akin ang Japanese na yon.” Salita ko sa mga ito at makikita sa akin ang mga galit sa aking mata na bihira ko ring ipakita sa mga tauhan ko. Halos apat na oras din akong nawala kaya naman ang daming miss call sa akin ng mga kasamahan kong police pero hindi ko naman pwdeng sabihin sa kanila ang totoong ginagawa ko dahil personal ito para sa akin lalo pa at may isang tao akong dapat parusahan ngayon. “Saan ka galing? Kanina pa kami tumatawag sayo pero ni isang sagot ay hindi mo ginawa? Ngayon baka gusto mong sabihin sa amin ang ginawa mo sa loob ng apat na oras na nawala ka, Lieutenant De Lana?” Galit na turan sa akin ni Colonel Martin at masama na rin ang naging tingin nito sa akin. Napabuga naman ako ng hangin at saka tumingin rin ako dito. “Pasensya na po Colonel Martin, sumama po kasi ang tiyan ko kaya umuwi muna ako sa condo ko hindi na ako nakapagpaalam dahil po nagmamadali na rin akong makagamit ng banyo. Hindi ko nasagot ang mga tawag n’yo dahil din po naka client ang phone ko. Pasensya na po talaga sa inyong lahat, pangako babawi po ako sa susunod na imbistigasyon.” Hinging paumanhin ko sa mga ito. “Hindi mo kailangan bumawi dahil ok na ang kaso ng amin na napaslang, pinatawag kami ni General kanina at sinabing may natanggap s’yang report at base sa report na natanggap nito at totoong sinadya ang pagpatay sa anim at napangalanan na rin ang mga taong yon, kaya naman hindi mo rin kailangan pang mangamba dahil tapos na kasoing hawak natin.” Paliwanag naman sa akin ni Major Alex at may ngiti sa kanyang labi. Gumanti naman ako ng ngiti dito at nagkunwaring natutuwa sa mga naririnig ko ngayon. “Mabuti naman kung ganon Major Alex, natutuwa akong malaman ang totoo. At list ngayon sarado na rin ang kaso at siguradong mabibigyan naman tayo ng panibagong kaso ni General diba?” Masaya kong tanong sa mga ito at pinakikita ko talagang masaya ako dahil sa nalutas namin ang kasong hawak namin. “Sa tingin ko hindi pa tayo bibigyan ni General ng bagong kaso dahil marami pa itong aasikasuhin para sa susunod nating assignment. Mabuti pa bumalik nalang muna tayo sa iba pa nating mga trabaho at ipapatawag ko na lang ulit kayo oras na komontak ulit si General sa atin.” Dag-dag na paliwanag si Major Alex at sinag-ayunan naman ng lahat. Napangisi naman ako sa aking isipan dahil alam kong magkakaroon pa ako ng pagkakataon para makaalis ng bansa dahil sa kailangang kong simulant na rin ang aking paghihiganti sa isang tao na matagal kong hinanap. Kasalukyan akong nasa kotse ng makita kong tumunog ang phone ko at si Daddy ang caller. “Yes, Daddy, bakit po?” Bungad kong tanong dito. “Sa hideout ka dumarecho.” Simpleng sagot nito na ikinakuno’t ng aking noo. Naguguluhan man ay sinunod ko na lang muna ito dahil mukhang may kailangan itong sabihin sa akin. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa hideout nito at inabutan ko doon ang halos lahat na pinsan at kapatid ko na mas ikinagulo ng aking pag-iisip. “Daddy,” May pagtataka kong tawag dito. Nakatayo ito at umiinom ng kape ng nilingon ako nito. Lumapit ako dito at nagmano at humalik sa kanyang pisngi. Nagtataka naman akong tumingin dito pero wala namang imosyon ang aking ama. “Maupo ka muna at meron tayong dapat na pag-usapan, Bella” Salita nito at umupo sa kanyang swivel chair na ikinawalang bahala ko na lang din ayoko na lang din mag-isip pa ng kung ano-ano dahil sumasakit na rin talaga ang aking ulo sa daming problema na gusto ko na rin matapos. “Uncle Zen Levy, ano po ang gagawin natin kay Mr. Atorie Konochie? Isa s’yang Japanese na gustong pasukin ang mundo ng underground at sa pagkakaalam ako ay marami na rin itong nakukuhang supporta sa mga dati na rin nating kaalyado?” Seryosong tanong ni Winter John sa aking ama na isa rin sa mga pinsan ko. “Napag-alaman din namin na narito na ito sa bansa para naman magpatayo ng mga building, hotel at restaurant. May resort na rin ito na malapit na rin matapos sa Cebu at Tagaytay kaya sa tingin ko ay kailangan na itong makilala ng ating pamilya ng sa ganoon malaman natin kung magiging kaaway nga ba ito o hindi?” Paniniguradong tanong naman ni Whanalyn sa aking ama. Samantalang tahimik naman ako dahil sa hindi ako alam kung ano ang aking sasabihin sa mga ito. Ngun’t ang pananahimik ko at hindi naging ligtsa sa aking ama. “Bella, ano sa tingin mo ang dapat gawin ng mga pinsan mo? Sa tingin mo ba kailangan na nating makilala si Mr. Atorie Konochie, na maaaring maging bagong kaaway ng ating pamilya?” Tanong ni Daddy at lumingon sa akin ang lahat. “Sino ba itong Mr. Atorie Konochie, na tinutukoy n’yong lahat? Parang ngayon ko lang narinig ang pangalan nito?” Sagot ko naman sa mga ito na ikinasinghap ni Xylyn at Whanalyn sa akin. “Ano, you mean hindi mo kilala si Mr. Atorie Konochie? Seryoso ka, Bella?” Gulat na tanong sa akin ni Whanalyn at tumingin sa akin ng makahulugan. “Oo nga,,, eh! ngayon ko lang narinig ang pangalan n’yan? Kaya ko nga tinatanong kung sino s’ya at anong klaseng tao ba yan?” Inis kong turan dito dahil naiinis ako sa naging reaksyon nito sa akin. “Mukhang humihina na rin ang pakiramdam mo Bella? At hindi mo na nakikita ang paparating na matinding laban na magkakaroon ka?” Makahulugang sambit naman sa akin ni Laiyan, na ikinano’t ko ng noo. “Tama na yan, sa tingin ko hindi nga kilala ni Bella si Mr. Atorie Konochie dahil kung kilala na n’ya ito malamang ay nasa kamay na rin niya ang matandang yon at pinarurusahan sa kanyang private place.” Nakangisi sabat naman ni Zandra. “Anak, hindi mo pa ba napapanood ang usb na binigay ko sayo?” Singit naman na tanong sa akin ni Daddy na ikinailing ko na lang muna dito. Nakita kong tumango naman ito sa akin kaya naman napasandal na lang ako sa aking kinauupuan dahil sa alam kong meron akong hindi nagawa na isang bagay. “Sa tingin ko Uncle Zen, kailangan muna mapanood ni Bella ang sinasabi n’yong usb bago niya maintindihan ang lahat, ng sa ganoon alam rin n’ya kung ano talagang ang pinag-uusapan natin ngayon.” Kalmadong sagot naman ni Lydon habang nasa may harap ito ng computer at mukhang may inaayos na isang apps roon. “Pasensya na kayo naging busy lang talaga ako ngayon dahil sa trabaho ko bilang alagad ng batas, pero hayaan n’yo gagawin ko pa rin ano man ang tungkulin ko sa angkan natin.” Nahihiya kong sagot sa mga ito. Nakita kong nagtanguan ang mga ito kaya kahit papaano ay napanatag ang loob ko. Hanggang sa ako na lang ang naiwan sa office ni Daddy at halos lahat na rin ay umuwi. Hawak ko ang usb na binigay ni Daddy at gusto ko na sana itong mapanood ng bigla naman sumagi sa isipan ko ang pangalang Mr. Atorie Konochie? Kinuha ko ang cellphone ko at nagsearch ko ng tungkol dito, nguni’t puro business lang nito ang makikita at ang mukha nitong mukhang manyak dahil na rin sa kung paano ito ngumisi sa isang dalagang katabi nito sa isang picture. Pinag-aralan ko ang mga negosyo nito at may hospital pala ito sa Japan, ngun’t laking gulat ko ng mabasa ang hospital na pag-aaari nito. Dahil ang hospital na yon ay doon nagtrabaho ang kaibigan kong si Erica, napapaiisp tuloy ako kung magkakaroon ito ng kinalaman sa pagkawala rin ng aking kaibigan. Nagbasa pa ako ng mga tungkol dito at nagkaroon din pala ito ng kaso na rape lalo na sa mga nurse na nagugustuhan nito, napakuyom pa ang aking kamao dahil sa huling larawan na aking nakita. Kasama lang naman nito sa picture ang ex-boyfriend ni Erica na si Hajime Harake, at ito palang binata ay step son ni Mr. Atorie Konochie. Mas tumindi ang galit ko dahil mukhang alam ko na rin ngayon kung sino nga ba ang pumaslang kay Erica, at ngayong alam ko na kailangan ko na rin kumilos ng sa ganoon ay makamit na rin ni Erica ang hustisya na matagal na rin nitong inaasam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD