-Bella-
“Hi! Dad, good morning po!” Bati ko sa aking ama na ngayon ay nakatutok naman sa kanyang laptop. Pasado alas-otso palang ay nasa office na ito at inaayos ang lahat ng kanyang kailangang tapusin dahil magbabakasyon sila ng aking ina sa Italy at sa tingin ko ay buwan sila mawawala sa bansa.
“Good morning, Bella.” Ang aga mo naman atang makipagkita sa akin anak, may problema ba?” Mabilis naman nitong tanong sa akin ng hindi man lang ako tinitignan. Napanguso naman ako at saka lumapit dito ng may kasamang paglalambing sa aking pagkilos.
“Daddy naman mukhang ang tingin mo sa akin laging problema ang dala sa buhay mo?” Pinalungkot ko naman ang aking salita at nakita kong napahinga na lang ito at saka ako tinignan ng makahulugan. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa nabasa agad ni Daddy ang sadya ko sa kanya, masasabi kong kahit na may edad ito ay magaling pa rin itong kumilatis ng tao.
“Ok, sige nga Bella, kaylan ka ba ng punta dito sa office ko ng ganitong kaaga na walang kailangan o problema ha, kaylan anak?” Paninigurado pa nitong sagot sa akin at saka tumayo para matempla ng kape nito, hindi kasi ako mahilig sa kape kaya naman alam kong hindi iyon para sa akin.
“Daddy, nakakasakit ka na ha!” Pagtatampo ko pang sagot dito at naupo na lang muna ako sa swivel chair nito habang nakatingin sa laptop nitong puro report lang man ang laman.
“Mabuti pa sabihin muna ang kailangan mo at marami pa akong dapat ayusin, alam mong aalis kami ng Mommy mo next week at ayokong naaabala ang baksyon naming dalawa ng mga bagay na wala naman kuwenta, kaya naman magsabi ka na ng makaalis ka na rin, Bella?” Seryosong sambit nito at naupo sa isang upuan na parang hari at tumingin sa akin ng malalim. Bagsak balikat naman akong tumayo at tumabi sa isang upuan na malapit lang dito at saka muling nasalita.
“Gaano mo kakilala si Mr. Harmet?” Darechong tanong ko dito na hindi man lang nagbago ang tingin nito sa akin. Iba talaga si Daddy kayang itago sa mga mata nito ang kasagutan na nais ko. Binababa nito ang baso ng kape at sa tumayo para bumalik sa kanyang mesa at may kinuha don na isang usb at binigay sa akin, napatingin naman ako dito.
“Hindi ko s’ya gaanong kilala at wala akong balak na kilalanin pa s’ya, pero dahil alam kong pinanganak kang makulit kaya naman pinatrabaho ko na siya at anyan lahat ng information na kakailangan mo, at kung ako sayo h’wag mong pagsabayin ang pagiging mafia queen at alagad ng batas dahil tiyak na may mga taong hindi mo inaasahan na makikilala sa dulo.” Sambit nito habang ang mata ay nakatuon naman sa laptop at nagsisimulang magtrabaho. Tinignan ko ang hawak kong usb at saka ito itinago sa jacket ko, aalis na sana ako ng muli akong lumingon sa aking ama. May edad na ito at alam kong dapat na puro kaligayahan na lang ang ibinibigay namin ditong magkakapatid pero hindi nito magawa dahil na rin sa pagmamahal nito sa aming lahat.
Nakaramdam ako ng pagbigat ng aking dib-dib ng makitang kahit na anong gawin ko ay alam kong nasa tabi ko lang ito kahit pa alam nitong maaaring manganib ang aking buhay, kay Daddy ko nakikita ang isang pagmamahal na gusto ko ring maranasaan sa lalaking mamahalin ko balang araw. Mabilis ang lakad ko na lumapit dito at niyakap ko ito na ikinagulat naman nito sa akin.
“I love you Daddy, I promise that I will always take care of myself.” Naluluha kong sambit at hinalikan ko ito sa kanyang pisngi, pagkatapos noon ay lumabas na ako ng office nito at inayos ang aura ko at ibinalik ko sa pagiging walang pakialam ang tingin ko sa lahat. Alam kong naluluha ngayon si Daddy dahil sa lahat ng anak n’ya ako lang naman ang madalas nagsasabi sa kanya ng “I love you” kaya naman masaya akong aalis ngayon dahil nagawa kong muling mayakap ang aking ama na matagal ko na ring hindi naggawa.
Dumarecho na muna ako ng headquarter dahil kailangan ko makausap si Major Alex tungkol sa mga nahuli namin kagabi. Subalit hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng office nito ng marinig ko mula sa loob na nagagalit ito dahil may pumaslang daw sa mga nahuli na ngayon ay nakakulong na rin, mabilis akong umalis at nagtungo sa kulungan. At nakita kong isa-isang inilalabas ang mga bangkay na may takip ng kumot at may mga dugo, nasa ganoon akong ayos ng kalabitin ako ni Lieutenant Miller na kakatapos lang din makipag-usap sa mga police na naroroon.
“Lieutenant Bella” Tawag nito sa akin at niyaya akong pumasok sa loob ng sa ganoon ay makapag-usap kaming dalawa.
“Lieutenant Miller, anong nangyari dito at bakit lahat sila ay pinaslang?” Takang tanong ko dito.
“Nakita na lang ang kanilang mga katawan na wala ng buhay sa loob ng kanilang selda, mukhang kagabi pa rin sila pinaslang habang natutulog ang anim. Wala pang lead ko sino ang may gawa nito kaya rin ako andito para ireport kay General kung ano talaga ng totoong nangyari.” Paliwanag nito na hindi ko mapaniwalaan, alam kong may mali pero sa ngayon ay nalilito ako. Napakuyom ang aking kamao dahil hindi ko magawang kumilos na naaayon sa nais ko, napaiwas na lang ako ng tingin hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang janitor na mukhang natatakot habang naglilinis. Pinagmasdan ko ang kilos nito at parang may kinatatakutan talaga ito na hindi ko naman malaman kung ano, umalis na ito at lihim naman ako napatingin kay Lieutenant Miller na busy sa paggawa ng kanyang report.
“Ah! Lieutenant Miller, ayos lang ba kung magbabanyo lang ako sandali?” Salita ko dito at animoy totoong naiihi na rin ako. Tumango naman ito at tinuro ang daan papuntang banyo, mabuti na lang din at doon dumaan ang janitor na nakita ko kanina, umalis na ako sa harapan nito at tinungo ang daan papuntang banyo. Nagmamasid ako sa paligid ng makita ko ang janitor na pumasok sa isang fire exit kaya naman mabilis akong naglakad papunta doon, dahan-dahan ko pang binuksan ang pinto at nakita ko itong naglalampaso ng mga hagdanan. Nag-iwas ito ng tingin sa akin at tangkang kukunin nito ang timbang dala ng pigilan ko ito.
“H’wag kang matakot hindi kita sasaktan, alam kong may alam ka sa mga nangyaring pagpaslang sa mga bilanggo dito? Nais kong malaman ang totoo, maaari mo ba akong tulungan? Maniwala ka hindi kita sasaktan at maaari mo rin akong hingan ng tulog sa oras na kakailanganin mo?” Pagkukumbinsi ko sa lalaking nakikita ko ang takot sa kanyang mata. Tinignan pa nito ang kamay kong nakahawak sa may pasa nitong braso, may sugat ang labi nito at mukhang nakakaranas ito ng pang-aabuso sa mga police na naririto. Subalit hindi ito sumagot at isang cellphone lang ang ibinigay nito sa akin at umalis sa aking harapan, hahabulin ko na lang sana ito ng marinig ko naman ang boses ni Lieutenant Miller na hinahanap ako. Binulsa ko ang cellphone na binigay at saka ako lumabas ng fire exit.
“Lieutenant Bella, anong ginagawa mo yan? Akala ko ba magbabanyo ka?” Tanong nito na may pagtataka sa kinikilos ko.
“Ah, wala naman may kinausap lang ako sa phone. Ah! Aalis na ba tayo, baka lang kasi kailangan na kayo ni Major sa office niya at nangmaireport na rin natin ang mga nangyari.” Pag-iiba ko ng usapan ng sa ganoon ay hindi na rin nito malaman na nagsisinungaling ako.
“Actually, kaya nga kita hinahanp dahil gusto kong sabihin sayo kailangan na tayong makausap ni General kaya naman kailangan na nating umalis.” Sagot naman nito at saka na rin kami nagsimulang maglakad papaalis sa lugar na yon, lihim naman akong lumingon sa fire exit at mukhang may mali talagang nangyayari dito. Alam kong sinadya ang lahat ng ito ng isang taong hindi ko pa rin kilala. Nakipagkita kaming lahat kay General at maging ito ay hindi inaasahan ang mga nangyari kaya naman nakatanggap kami ng sermon dito, ibang klase pala magalit ang General na ito dahil talagang walang makapigil sa nagiging galit nito ngayon.
“Major Amarin, bibigyan kita ng bente kuwatro oras para hanapin kung sino ang pumaslang sa mga maaaring maging suspect natin para malaman natin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito? At ayusin n’yo ang trabaho n’yo dahil oras na pumalpak kayo hindi ko na alam kung saan mapupunta ang grupo na matagal nating binuo at inilagaan.” Galit nitong turan, nakatingin lang ako sa kanilang lahat at nakikinig ako sa mga lumalabas sa bibig ng aming General.
“Yes, General” Simpleng sagot ni Major Alex at saka na rin kami umalis ng wala kaming narinig na kahit ano sa aming General. Tahimik kaming lahat habang naririto sa office ni Major Alex, tinignan ko ito at alam kong mahihirapan itong gawin ang inutos ng aming General. Samantalang kanina ko pa nararamdaman ang pagvibrate ng cellphone na binigay sa akin ng janitor kanina.
“Major Alex, ayos lang ba kung aalis lang ako sandali sa tingin ko kasi may mga bagay tayong hindi pa nakikita kung saan kinulong ang mga nahuli natin kagabi? Baka pwde ako ang magimbistiga at babalitaan ko kayo oras na may malaman ko.” Kinakabahan ko pang salita, pinakita kong medyo natatakot pa ako ng sa ganoon ay makita nilang kinakaya ko ring lutasin ang takot na meron ako ngayon. Nagkatinginan pa silang lahat pero hindi naman ako nagpatinag na gawin ang gusto ko dahil alam kong magiging malaking tulong ito sa kung paano namin ito malulutas.