-Bella-
“Melly, ipatawag mo si Joker at may gusto akong malaman sa kanya?” Utos ko sa aking tauhan ng makapasok na agad ako ng hide out na ako at mga tauhan ko lang din ang nakakaalam. Naupo muna ako sa swivel chair ko dahil nakakaramdam ako ng pagod, nagmumumuni pa ako sa aking isipan ng biglang tumunog ang cellphone ko at hudyat na may tumatawag. Hindi ko sana ito sasagutin pero naisip kong baka isa ito sa mga kasamahan kong police at may kailangan lang ito sa akin ngayon.
“How’s this?” Walang buhay kong tanong sa kabilang linya.
“Ouch, hindi mo agad ako kilala samantalang ako ang kasama mo kanina lang? Nakakadisappoint ka naman Lieutenant Bella.” Nahihiyang sagot nito sa akin, napapikit na lang ako dahil talagang magaling mang-asar itong si Lieutenant Ray at nagtataka pa ako kung paano nito nakuha ang phone number ko dahil sa pagkakaalam ko wala kong pinagbibigyan ng kahit na sino ng number ko dahil ayokong may unknown number ang tumatawag sa akin.
“Pasensya kana Lieutenant Ray, may kailangan ka po ba sa akin?” Tanong ko na lang dito at hindi ko na lang din pinansin kung ano ang gusto nitong gawin.
“Wala naman, sinabihan lang kami ni General na may meeting tayo bukas ng hating gabi sa headquarter para sa susunod na mission natin, Lieutenant.” Sambit lang nito na ikinatango ko na lang at sinabing darating ako bukas. Nagpaalam na rin ako dito dahil nakita kong dumating na rin ang taong kanina ko pa rin hinihintay. Sumang-ayon naman ito sa akin at saka na rin naputol ang aming usapan, tumingin naman ako sa tauhan kong kapapasok lang sa aking office at kasama ang lalaking dati ko ring kaaway subalit alam kong kakampi ko na rin ngayon.
“Boss Madam, andito na po si Joker kaso mukhang lasing pa po s’ya. Binitbit na rin namin at dito na lang namin pabababain ang tama.” Naiinis na turan sa akin ni Bonnie at tumingin sa lalaking tulog at mukhang lasing na lasing talaga, tumayo naman ako at kumuha ng isang battle water sa ref at walang salitang ibinuhos ko sa mukha ni Joker na labis naman nitong ikinagulat, nagmura pa sana ito subalit ng makita ako nito at para naman itong pinitpit na luya dahil sa tingin ko ditong hindi matatawaran.
“Bos----boss Ma----madam” utal nitong tawag sa akin at saka pinunasana ng mukha nitong may tubig. Tinignan ko si Bonnie para sabihing iwan kami nito dahil sa gusto ko itong makausap ng sarilinan. Yumuko sa harapan ko ang aking tauhan at saka na rin ito umalis.
“Joker, may ipapakita akong mga picture sayo at gusto ko sabihin mo sa akin ang totoo kung ayaw mong ipalapa kita sa lion na nasa kulungan sa ibaba.” Sambit ko na may halong pananakot. Kailangan kong gawin na takutin ito ng sa ganoon ay makuha ko ang nais kong makuha, dahil mahirap din paaminin ang isang ito.
“Boss Madam, alam n’yong patas na ako ngayon at hindi na po talaga ako gumagawa ng mali. Mula mo ng makilala ko kayo at iligtas sa isang kamatayan ay tumigil na rin ako sa mga bagay na alam kong makakalaban kayo Madam.” Paliwanag nito sa natatakot na boses. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa at nakikita ko sa mata nitong hindi naman ito nagsasabi ng totoo kaya naman mabilis kong binunot ang baril ko at basta ko na lang ito pinaputok sa kanyang benti na alam kong hindi naman nito ikakamatay. Malakas ang pagdaing nito dahil hindi rin nito inaasahan ang aking pagbaril.
“Alam mong ayokong sinungaling na tao Joker. Kaya mabuti pa sagutin mo na lang ang mga itatanong ko sayo dahil sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas ng buhay dito oras na malaman kong nagsisinungaling ka pa rin, nagkakaintindihan ba tayo, hmmm?” Salita ko dito habang inaayos ang mga picture ng mga painting na ibinenta kagabi sa isang auction.
“Nakita o alam mo ba kung kaninong painting galing ang mga yan, Joker?” Alam kong alam n’ya ang ibig kong sabihin dahil sa ganitong larangan ko ito nakilala. Si Joker ay kanang kamay ng isang black America na nagbebenta ng mga painting dito sa matatas na halaga at mga mayayamang chino naman ang kanilang mga kleyente dito sa bansa, at dahil lumalabag ang mga ito ay nagawa ko silang paalisin sa bansa dahil sa nalaman kong mga nakaw ang binebenta nitong mga painting at hindi ko rin akalain na hindi pala ito tumitigil hanggang ngayon. Pero malas nila dahil ako pa rin ang makakalaban nila, kaya ngayon hindi ako papayag na maulit pa yon dahil sa mas maraming tao ang kanilang maloloko kung hindi ko pa rin mahuhuli ang ugat ng mga ito.
“Ano Joker, magsasalita ka ba o gusto mong malumpo ng habang buhay?” Tanong ko dito at pinakita ko pa rito na nilalagyan ko ng bala ang baril kong ginamit ko kanina dito.
“Boss Madam, baka pwdeng gamutin mo muna ako at baka maubosan ako ng dugo dito?” Sagot nito na sobrang natatakot habang hawak nito ang benting may dugo. Tinignan ko lang ito ng walang imosyon kaya naman napabuga na lang ito ng hangin at saka muling tumingin sa akin at sinagot ang lahat ng gusto kong malaman.
“Tama ka kung iisipin mong hindi pa nga sila tumigil sa pagbebenta ng mga fake na painting Boss, pero maniwala ka hindi na ako sumama sa kanila. Pinatawag ako ni Sir Harmet pero hindi ako nagpunta at sinabing kong ayoko na, kaya naman pinabugbog ako nito sa mga tauhan nito, at mabuti na lang at hindi nila ako pinatay kahit kahit papaano ay may-awa pa daw sa akin ni Sir Harmet, tagal din n’ya akong naging tauhan at nangako na lang ako dito na hindi magsasalita sa kung anong transaction meron sila dito sa bansa kapalit ng buhay ko. Kaya naman lumayo ako at hindi ko nagawang sabihin sa inyo ang totoo Boss Madam, intindihin n’yo naman po ako nais ko pang mabuhay at oras na sabihin ko ang nalalaman ko ay buhay ko ang magiging kabayaran sa lahat ng ito.” Naiiyak na nitong paliwanag sa akin na ikinasingkit ko ng tingin dito.
“Kaylan nagsimula ang kanilang transaction dito sa bansa?” Simpleng tanong ko dito na ikinaiwas naman nito ng tingin sa akin, subalit sumagot din naman.
“Apat na taon na rin Boss Madam, at sa pagkakaalam ko may hideout na sila dito kung saan napupunta ang mga ninanakaw nilang painting para naman gayahin at iyon ang ipinakikita sa auction para ibenta at ang mga totoo painting naman ay nasa isang bodega para itago ng matagal muna at saka na lang nila ilalabas kung magiging mas malaking halaga ng mga ito.” Salita nito habang patuloy sa pagdaing sa sakit.
“Saan ang hideout na yan?” Derechong tanong ko dito na ikinalaki naman ng mata nito sa akin, alam kong natatakot na rin ito ngayon pero buo na rin ang loob kong tapusin ano man ang nasimulan ko at sa pagkakataong ito ay titiyakin kong tatapusin ko na ng sa ganoon ay wala na rin maging problema ang mga kapulisang. Hindi naman nila malalaman na ako ang pasimuno nito dahil may mga taong kaya akong pagtakpan sa oras ng pangangailangan.
“Ituturo ko sa inyo pero kailangan n’yo pong ipangako na mabubuhay pa ako pagkatapos ng lahat ng ito?” Pagkikipagdeal nito sa akin na sinang-ayunan ko naman.
“Kung gusto mo pang mabuhay ako ang sundin mo at walang mangyayari sayong masama.” Seryosong sagot ko dito at tumayo na rin ako para tumanaw sa bintana.
“Sa dating hideout nila sa Batangas don kasi malapit ang port at madaling maibaba ang mga kargamento oras na dumating na ito. At kapag natapos na ang paggaya sa mga painting at dadalhin naman ito sa Maynila para isali sa mga auction na pwdeng daluhan ng mga kilalang tao. Ganon lang ang alam ko Boss Madam.” Salita nito na ikinatango ko naman dito.
“Saan dinadala ang mga orihinal na obra?” Tanong ko ulit dito at nakita kong nahihirapan na talaga ito sa kanyang sitwasyon, pero hindi ko pinahalata dito na naaawa ako sa kanyang kaligayan dahil alam kong pwde nitong abusahin ang kabaitan ko.
“Sa totoo lang hindi ko alam kung saan dinadala ang mga original na painting pero baka pwde n’yong puntahan doon sa mismong mansion ng mga Harmet, maging ako ay hindi pa nakakarating don pero kaya kong ibigay sa inyo ang address.” Sagot nito habang nakapikit at tumutulo ang luha. Nalaman ko ang mga gusto kong malaman kaya naman pinapunta ko na rin si Alice ng sa ganoon ay matignan na rin nito si Joker at ang sugat nito. Walang salitang umalis ako ng hideout para naman ayusin ang gamit ko at sa susunod na araw na ako susugod ng sa ganoon ay matapos na rin ito at nag masimulan ko na rin ang totoong problema ko. Dahil habang tumatagal ay mas lalo lang napapalaya ang totoong may mga sala. At saka kailangan kong puntahan si Daddy para itanong ang mga bagay-bagay tungkol sa pangalang Harmet, para kasing pamilyar ito sa akin at alam kong tanging si Daddy lang din ang makakasagot tungkol dito.