-Bella-
“Nakilala mo na kaming lahat baka naman gusto mong magsalita at ipakilala ang sarili mo sa amin?” Nakangising sambit sa akin ni Ray. Napahinga pa ako bago nagsalita.
“Ako si Lieutenant Camillia Arabella De Lana, pero Bella na lang ang itawag n’yo sa akin. Sa totoo lang ngayon ko palang magagamit ang mga skills na natutunan ko sa training pero h’wag kayong mag-alala at hindi ko ipapahiya ang unang grupong nakasama ko. Hindi ko man masasabi na magaling ako pero sana ay hayaan n’yo akong makipaglaban na ayon sa gusto ko, wala kong planong maging traydor sa samahan n’yo kaya naman makakaasa kayong magiging matagumpay ano man ang magiging mission na kasama n’yo ako.” Mahabang paliwanag ko sa mga ito at nakita ko ang pagkatulala ng mga ito.
“Kung ganon ipakita mo ang kakayahan mo, tara na marami pa tayong dapat tapusin.” May diin na sagot ni Colonel Martin at tumingin ito sa akin ng makahulugan. Napailing na lang ako dahil mukhang sinusubukan ako ng lalaking yon, pero hindi na lang muna ako nagpahalata na naiinis ako dito kahit papaano at mas mataas pa rin sa akin ito at kailangan ko lang patunayan na mali ang tingin nito sa akin. Umalis kami at apat na kotse at dalawang motor ang nasa aming harapan. Na explain narin sa akin ang plano kay kaming dalawa ni Ray ang magpapanggap na magkasintahan hanggang sa makapasok na rin kami sa loob ng party, habang ang iba at may kanya-kanyang ganap sa loob at labas rin ng party.
Sa motor sumakay sina Colonel Martin at Major Alex, sila ang mauuna sa loob ng sa ganoon maayos na nila ang magiging pagdating namin. Sa kotse ay dalawa lang kami Ray at dahil magkasintahan ang ganap namin ay nagiging sweet na rin kami nito, hanggang sa makapasok kami sa loob ng event. Nagmasid ako sa buong paligid dahil hinahanap ko ang limang tauhan ko ang mga sarili kong tauhan, alam kong nakikita na rin naman ako ng mga ito at sadyang magagaling lang magtago ang mga ito sa paligid. Niyaya naman ako ni Ray sa isang mesa nakalaan sa aming dalawa, at ilang sandali pa ang lumipas ay nakita ko na rin sina Berna at Luiz na kapwa nakasuot ng gown na katulad sa akin. Lumalabas talagang magiging bakla ni Luiz sa mga ganitong event dahil hinayaan ko siyang mgsuot ng mga ito basta kaya pa rin n’yang makipaglaban kapag kailangan.
“Ayos ka lang Bella?” Mahinang tanong sa akin ni Ray at inabot sa akin ang isang ladies drinks.
“Oo, ayos lang medyo kinakabahan lang ako.” Alibay ko dito at saka muling tumingin sa paligid. Minabuti ko na lang na magkunwari na kinakabahan ako kaysa isipin nitong may hinahanapa kong tao, hindi naman ito kumibo at alam kong binabantayan nito ang kilos ko. Hanggang sa magsimula na rin ang bidding at maraming kilalang tao ang naririto, naguguluhan pa ako dahil mukhang hindi naman magaganda ang painting na kanilang ibinebenta at mukhang hindi naman mamahalin. Hinayaan kong kumilos ang iba ko pang mga kasamahan hanggang sa inilabas na rin ang painting na kanina pa naman namin hinihintay. Isa itong obra ng mag-ina na parang puno ng problema at paghihirap, makikita rin sa painting na hindi gaanon kaganda ang pagkakaguhit kaya naman alam kong hindi tunay ang painting na ito.
“Ten Million Pesos” Sagot ng isang babaeng mukhang koreano. Napatingin naman ako kay Bern at sinabing labanan ang bid ng babae.
“Twenty Million Pesos” Malanding sagot naman ni Luiz at sabay kindat pa sa akin. Napasimangot naman ako dahil mukhang hindi naman ito nagpopokus at puro kalandian lang ang inuuna.
“Fifty Million Pesos” Malambing nasa sagot naman ni Ray na ikinagulat ko dahil nakikita kong gusto rin nito makuha ang painting, nagtataka akong tumingin dito subalit hinawakan lang ang kamay ko nito at saka ngumiti, at muling nagsalita si Luiz na ikinasinghap ng lahat.
“One Hundred Million Dollar” Mataray na salita ni Luiz at saka tumingin sa lalaking katabi ko na parang nang-aakit. Tinignan ko ang tauhan ko hanggnag sa bigla na lang namatay ang ilaw at putok na rin ng baril ang pumalit. Alam kong nasa tabi lang ako Ray subalit mukhang mas maliwanag ang mata ko dito, lalo na sa dilim kaya naman malaya kong nagagawa ang makipagsabayan sa mga kalaban, binarily ko sa ulo ang lalaking babaril sana kay Major Alex. Mabilis akong nagtago dahil alam kong may balang parating sa akin, pinindot ko naman ang earpiece na nasa aking tenga ng sa ganon at makausap ko si Berna at kung ano ang kanilang location.
“Ayos lang kami Boss Madam, sa likod kami pupunta dahil mukhang naroroon ang magiging daan nila para tumakas.” Sagot nito sa akin.
“Sige antayin n’yo ako at ako ang papatay sa mga yan.” Inis kong sambit dito at muli ko pinatay ang earpiece. Nagmasid pa rin ako sapaligid dahil kailangan kong makita kung paano ako makakasunod kila Berna na hindi ako mapapansin ng mga kasamahan kong police, hanggang sa isang saradong pinto ang pinuksan ko at lumabas ako mula roon. Subalit isang kalaban ang hindi ko inaasahan don at mabilis ako nitong binaril na mabuti na lang ay mabilis ko ring nailagan, sumilip ako at nakita ko itong papalapit sa pintuan kaya naman hindi pa man nito nabubuksan at sinipa ko ng mabilis ang pinto ng sa ganoon ay ikatumba nito sa sahig. At dahil doon ay malaya akong nakalabas ng event na yon at hinanap ang fire exit para ng sa ganoon ay mabilis akong makarating sa likod ng hotel kung saan maaaring tama si Berna na doon pupunta ang mga ito para tumakas.
Nakita kong nakikipaglaban na ang mga tauhan ko at halos anim na lalaki ang pinatutulungan ng mga tauhan ko kaya naman nakisali na rina ko ng sa ganoon ay matapos na ito at ng mahuli na ang mga magnanakaw na ito. Malaking million ang mawawala sa mga taong madadaya ng mga ito dahil ang totoo ay hindi naman talaga mataas ang kalidad ng painting kundi ginaya lang ang mga ito sa orehinal na gawa.
“Boss Madam, mukhang matapang ang isang ito at ayaw umamin kung sino ang koneksyon nila para makapagpasok ng mga nakaw na painting sa bansa.?” Gigil na sambit sa akin ni Melly habang pinagsusuntok ang isang lalaking halos wala na rin buhay.
“Itali n’yo ang mga iyan at ipasok n’yo sa band. Ok na rin na nahuli na natin sila pero gusto kong umpisan na rin n’yo ang pag-iimbistiga sa mga painting na nasa event at ibalita n’yo sa akin kung totoong ninakaw ito o isa lamang fake ang mga ito, na tulad na naging kaso na hinawakan natin noon? Tumango lang ang mga ito at saka umalis ng mabilis, kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan ko si Major Alex para sabihing nahuli ko na ang mga taong may kinalaman sa naganap na bidding.
“Ikaw lang mag-isa ang nakipaglaban sa anim na n’yan Bella? Wow! Ang galing mo palang talaga? Ngayon ko natunayan na talagang magagaling kayo?” Hindi makpanilawang tanong sa akin ni Ray habang ang tingin ay nasa loob ng sasakyan at tinitignan ang anim na Chinese na nakatali at walang malay, subalit buhay pa man ang mga ito.
“Ah, ganon po talaga siguro kapag first time masyadong excited.” Nakangiti ko naman turan dito.
“Ayos lang yan at list nagawa mong maayos ang trabaho mo, mabuti pa Lieutenant Javier dalhin n’yo na ang mga yan sa presinto ng sa ganoon ay maiaayos ang pagsamba ng demanda sa mga yan. Mabuti pa umuwi na lang muna kayo ng sa ganon ay makapagpahinga na rin muna ang lahat, basta lagi n’yong abangan ang tawag ni General at mukhang may susunod pa dito.” Bilin ni Major Alex, sumaludo naman kami lahat dito at saka na rin ako aalis ng pigilan ako ni Lieutenant Ray sa braso.
“Saan ka pupunta?” Tanong nito na ikinalingon din sa amin ng lahat.
“Uuwi, sabi ni Major Alex pwdeng magpahinga diba?” Takang sagot ko naman dito.
“Ihahatid na kita saka nasa headquarter ang mga damit mo diba?” Sagot nito at saka pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse, napakamo’t pa ako ng ulo at lihim na tumingin sa mga tauhan kong nagtatago sa isang kotse na nakaparada rin don. Planong kong hindi muna sumabay sa kanila dahil meron pa akong dapat gawin ngayon, subalit mukhang hindi na rin ako makakatakas pa sa mata ni Lieutenant Ray kaya naman gamit ang mata ay kinausap ko sila Berna na h’wag gagawa ng ingat na pwedng mapansin ng mga kasamahan kong police. Nang makomperma ko na ang lahat at mabilis naman akong ngumiti kay Lieutenant Ray ng sa ganoon ay makaalis na rin kami.
Hinatid ako nito sa loob ng headquarter at hinantay din ako nitong matapos at nag offer pa rin ito na ihatid ako sa lugar kung saan daw ako nakatira pero tumanggi na ako at sinabing meron pa akong kailangan gawin, at isa pa makikipagkita ako ngayon sa mga kaibigan kong balik-bayan. Ayaw pa sana nitong pumayag subalit alam rin naman nitong hindi n’ya pwdeng ipilit ang kanyang nais dahil sa wala itong karapatan sa mga bagay na gusto kong gawin.
“Grabe ang bantay ng Lieutenant na yon sayo Boss” Nakakalokong bungad sa akin ni Alice ng makasakay na ako ng kotse at ito ang driver, binaliwala ko lang ito at hindi pinansin hanggang sa nagpatuloy na lang itong magmaneho.