NOSGEL POINT OF VIEW Akala ko ready na ako sa lahat. Akala ko after ng impromptu gospel rooftop concert, cinnamon-infused kindness, at lunch dates na nauuwi sa sermon, wala nang ikakagulat pa ang existence ni Aethan Virell Monteclaro. Pero hindi pala. Kasi isang umaga, pagpasok ko sa office, may bagong headline sa group chat naming employees. "BREAKING: CEO NAGBIGAY NG SUIT SA MAHIHIRAP. YES. YUNG BRIONI." Sumunod na message, may kasamang picture. Si Aethan. Nakangiti. Hawak ang kamay ng matandang lalaki na naka-wheelchair. At sa tabi nila, isang luxury suit na alam kong worth ten times my monthly salary. “P*TANGINA,” bulong ko. “Yun yung ginamit niyang suit nung World Trade Gala!” “Confirmed,” sagot agad ni Jilly na obviously nagchi-check din ng chat habang nagkakape. “Yung Brioni ‘y

