**NOSGEL POINT OF VIEW**
Pagkatapos ng misa date na nauwi sa spiritual starvation, kailangan kong mag-regroup. Kailangan ko ng plan B, C, at D. Lahat ng tactics ko kilig, seduction, anniversary ambush fail. Epic fail. Si Aethan hindi lang immune sa charm ko, parang mas lalo pang naging committed sa kanyang life as the next spiritual influencer ng corporate world.
Pero hindi ako susuko. Kasi kung ako si Judas sa mission na ‘to, kailangan kong siguraduhing may plot twist.
“Alam mo,” sabi ni Jilly habang sabay kaming kumakain ng fishball sa labas ng office, “kailangan mo na siyang lasingin.”
Napalingon ako. “Ha?”
“Alam mo ‘yon. Get him drunk. Loosen up the CEO. Hindi na effective ang red dress. Baka mas effective ang red wine.”
“Bes, kahit champagne ang ipainom mo, baka i-bless lang niya ang baso bago inumin.”
“Wala namang mawawala kung subukan mo,” sabi niya habang nagdidikit ng fishball sa suka. “Gospel siya nang gospel, baka pag nalasing, bumalik ‘yung dati niyang sarili. ‘Yung galit, ‘yung sungay, ‘yung pagiging bosszilla. At doon mo siya babanatan ng konting guilt and romance.”
Napaisip ako.
Tama si Jilly. Kung hindi ko siya matibag bilang ordinaryong lalaki, baka matibag ko siya bilang lasing.
At kaya ayun. Nagplano kami.
---
By Friday, napaghandaan ko na. May dinner reservation ako sa isang semi-private restaurant sa rooftop ng building namin—Monteclaro Tower mismo. Para hindi halatang setup, kunwaring company celebration daw. Kasi “one month anniversary” ng recovery ni Aethan. Legit enough.
Pagdating ng 7PM, naka-semi-formal attire siya. Ako rin. This time, hindi ako naka-red. Naka-champagne silk dress ako. Simple pero elegant. Pang-Maria Clara vibes para hindi halatang trap ito ng impyerno.
“Thank you for inviting me,” sabi niya habang umuupo. “It’s good to spend time with you… in a social setting.”
Ngumiti ako. “Siyempre. We should celebrate life, health… and blessings.”
Tumango siya. “Amen.”
Kumunot ang noo ko nang makita kong may dalang maliit na Bible ang waiter.
“Sir, ito po ang pinabigay n’yong devotional notebook. Iniwan n’yo kahapon,” sabi ni kuya waiter.
Ngumiti si Aethan. “Ah, salamat. Akala ko nawala ko na.”
Tumawa ako ng pilit. “Of course, may Devotional Notebook.”
Habang kumakain kami, sinimulan ko nang i-deploy ang wine attack.
“Red or white?” tanong ko habang binubuksan ang menu.
“Water lang sana,” sagot niya.
“Oh c’mon,” sabi ko, “Isang toast lang. It’s a celebration.”
Tumingin siya sa akin ng ilang segundo bago ngumiti.
“One glass,” aniya. “As long as it’s not strong.”
Victory. A toast for that.
Pinili ko ang light red wine. ‘Yung sapat lang para magpabigat ng lid, pero hindi lasang suka.
Pagka-toast namin, sinabayan ko siya sa pag-inom. Matipid siyang uminom. Ako? Matagal ang pagtagay, pero alerto ang isip. Waiting mode.
By the third glass, napansin kong pulang-pula na ang tenga niya. Slight blush. Medyo slow na ang galaw ng kamay niya sa pagtiklop ng napkin.
Time to strike.
“So,” sabi ko habang kunwari chill lang, “do you ever think about… the past? Like... who you were before?”
Nag-isip siya. Tumitig sa glass.
“Sometimes. I try to remember,” sagot niya. “But maybe… it’s better this way. The new me. Simpler. More faithful.”
Nagpipigil ako ng buntong-hininga. “Don’t you miss anything? Like... steak? Or... sin?”
Bigla siyang ngumiti. ‘Yung tipong serene na parang may soundtrack na “How Great is Our God.”
“Sometimes I dream of a world with less distraction. No anger. No greed. Just peace and grace.”
Yup. Drunk na siya.
Pero hindi tulad ng iniisip namin.
Kasi habang ako’y umaasang biglang maglalabas siya ng dark secret o kaya babalik ‘yung pagiging terror boss niya, bigla siyang umubo nang konti, at pagkatapos...
Kumanta.
Not just any song.
“Kami’y narito ngayon, nagtitipon sa ngalan Mo…”
Seryoso. Kinanta niya ‘yung opening hymn ng misa.
“Sir—Aethan—what are you doing?” tanong ko, hawak-hawak ang wine glass ko na parang shield.
Ngumiti siya sa akin na parang ako si Mary Magdalene.
“Singing to the Lord, Nosgel. The wine inspired me.”
Bumaling siya sa waiter.
“Brad, alam mo ba ‘yung ‘One Way Jesus’? Tara, sabayan mo ako.”
Tumawa si kuya waiter awkwardly. “Ah... sorry po sir, hindi ako singer.”
“Ako na lang!” sabat ni Aethan, tapos bumalik sa pagkanta.
“Jesus, You’re the only One that I could live for…”
Napapikit ako. Gusto kong mag-disappear. Pati ‘yung mga nasa kabilang table, napatingin na.
“Oh my God,” bulong ko.
“Tama ka,” sabi ni Aethan, “God talaga. God is good.”
“Pwede bang bumalik ka na lang sa pagiging suplado?” tanong ko, halos maiyak.
“Huwag ganun, Nosgel. Ang galit ay hindi mula sa langit.”
Tumayo ako. Naglakad papunta sa gilid ng rooftop. Sobrang embarrassed. Pero hindi pa ‘to tapos.
Paglingon ko, he was standing on a chair. Nagtaas ng kamay. Nakapikit.
“Panginoon, salamat sa bagong pagkakataon…”
Naglakad pabalik si Benjo, galing sa elevator, mukhang worried.
“Anong nangyayari dito?!”
“Na-laseng sa tatlong baso. At nagsimula nang mag-worship concert.”
“Lord, kunin N’yo na kami,” bulong ni Benjo habang pinupunasan ang mukha.
Kinaumagahan, tinawagan ako ni Aethan. Mahinahon ang boses niya, medyo paos.
“Nosgel… thank you for last night. I feel... spiritually cleansed.”
I clenched my jaw. “Yes, Sir. Very... holy evening.”
At sa wakas, binaba ko ang tawag at napatingin sa langit.
“Lord,” bulong ko, “akala ko strategy ko na ‘to. Pero bakit parang ako ang napapa-convert?”
Next time, I swear, I’ll just bring him to karaoke. Baka sakaling kumanta naman siya ng “Bakit Pa Ba” imbes na “Amazing Grace.”