KABANATA 7

1039 Words
NOSGEL POINT OF VIEW Sabi nila, don’t kick a man while he’s down. Pero hindi ba mas madali ‘pag nakahiga na siya? Okay, okay. Medyo masama pakinggan. Pero promise, may dahilan ako. Valid. Justified. At kung tatanungin mo ang inner voice ko, matagal na itong naghihintay ng perfect opportunity para maipakita kung gaano katalino, katuso, at kadrama ang utak ko. Nung lumabas ako ng hospital room ni Aethan, high ako sa adrenaline. Kasi girl, totoo nga—wala siyang maalala. Wala. Zero. Blank. Tiningnan niya ako with those confused-but-curious eyes like, “Sino ka?” and for once, hindi siya galit. Hindi siya nambabato ng paperwork. Hindi niya ako tinatawag na incompetent. He even smiled. Smiled! As in genuine, soft, almost angelic—if hindi ko lang alam na dati siyang Satan in Armani. So ayun, habang naglalakad ako pa-exit, sakto namang nag-text si Jilly. Jilly: Update pls or I’ll leak your HS prom pics sa GC Seryoso. Wala pa ring boundaries si bakla. Pero instead na mainis ako, I felt inspired. Alam mo ‘yung bigla kang titigil sa hallway kasi may lightbulb moment? ‘Yung parang may narinig kang ding! sa utak mo? Ganon. Biglang tumakbo ang utak ko. WHAT IF. What if… sabihin ko sa lahat na kami ni Aethan? Na ako ang girlfriend niya? Sino makakapag-disprove? Wala. Amnesiac siya. Hindi niya ako ma-re-refute. At lahat ng staff, takot sa kanya. So if he doesn’t deny it, they’ll believe it. Plus, bonus revenge ‘to. Kasi hello, ilang beses ba akong halos umiyak sa CR dahil sa kaniya? At ngayon… ako ang may hawak ng script. Ako ang bida. Siya ang clueless leading man. Pagbalik ko sa opisina, dala ko na ang bagong energy. I walked in with purpose, tapos dumiretso agad ako kay Jilly. “Girl,” bulong ko habang sinisigurado kong walang eavesdropper. “Listen carefully. Gagawin kong kami ni Aethan.” Halos malaglag ang kape niya. “WHAT?” “Fake dating. But for revenge. He has amnesia, remember? So he can’t confirm or deny it.” Nanlaki mata niya. “Girl, ‘yan na ang most dangerous plan you’ve ever had. Pero also... the most genius.” “I know,” sabi ko habang umiinom ng tubig na parang wine sa goblet. “At dapat natural lang ang flow. Dapat malaman ng buong floor... subtly.” Subtly, huh. Pagdating ng lunch break, sinimulan ko na. Di ako kumain sa pantry like usual. Instead, nagdala ako ng meal prep container at kinain ito sa desk ni Aethan. Oo. Sa executive desk niya. Sinadya ko ring ipost sa IG story ang “Lunch with babe 💕 #MonteclaroMoments” with only a blurry wine glass and edge ng kamay niya sa hospital gown. Strategic. Pa-misteryo. Pag tinanong ako, sasabihin ko lang, “We want privacy, please respect our healing journey.” Makalipas ang ilang oras, bumungad na sa akin ang mga tingin ng mga coworkers. ‘Yung mga tanong na hindi nila masabi pero kitang-kita sa mata nila. And I just smiled sweetly. Minsan, magfeflex ako ng fictional kwento like: “Actually, two months na kami. Lowkey lang talaga si Aethan. Ayaw niya ng limelight. You know how he is.” “He’s so soft sa akin, promise. Akala niyo lang grumpy siya pero deep down, he’s a cuddly puppy.” At ang ultimate quote na pinakanakaka-shook sa buong 18th floor: “He calls me Gel-Gel.” Boom. Tumigil ang mundo. Si Jilly halos mabilaukan sa kendi. “Girl,” bulong niya. “Ang tapang mo. Pero ang hot din ng script mo. Like... gusto ko tuloy i-ship kayo. Kahit fake lang.” “I know,” sagot ko habang nagta-type ng memo, pero secretly sinusulat ko na ang next phase ng plan ko. Plan B: Let management know. Aaminin ko, medyo kabado ako rito. Kasi hello, HR? PR? Legal team? Alam ko, kung may masagap silang issue, boom! Baka i-demote ako from assistant to janitress real quick. Pero sa hindi ko maintindihang twist ng fate, nagpa-meeting ang interim operations manager that afternoon para lang i-brief kami tungkol sa current condition ni Aethan. “Per doctor’s advice, Mr. Monteclaro needs rest and minimal stress,” sabi ni Sir Paolo, kalmado pero clearly stressed din. “Let’s be sensitive with what we post online and what we say to the media.” Then, parang may divine signal from the heavens, tinuro niya ako. “Nosgel, we were told na ikaw ang huling visitor ni Mr. Monteclaro today. Is that correct?” Nagkunwari akong modest. “Ah, opo. I just... wanted to check up on him. As his... girlfriend.” Tumahimik ang buong conference room. Literal. Dead air. May kumalansing pang kutsara mula sa may pantry sa gilid. Tiningnan nila ako like I just said I’m dating the Pope. Pero I stood my ground. Chin up. Chinita smile. Puso racing pero aura calm. “Oh,” sagot ni Sir Paolo after two full seconds. “Well... good. That could help him emotionally stabilize.” WHAT. HUH. WAIT—WHAT. Totoo ba ‘to? Hindi ba nila iko-confirm? Wala bang lie detector? Wala bang CCTV verification? “Uhm... thank you po,” sagot ko, halo-halong kaba at tagumpay sa dibdib. Paglabas ng meeting, halos mapatalon ako. Si Jilly sumalubong agad. “GIRL! Confirmed na! OMG!” “Confirmed saan?” “Sa group chat! Sa Team Monteclaro sss group! ‘Girlfriend of CEO confirmed to be employee from admin department. No further comment from company at this time.’ WAG MO SABIHING HINDI IKAW ‘YON!” Tumango ako, slowly. Dramatically. “Yep. Ako ‘yon.” Ngayon, nagtataka ka siguro anong plano ko next? Edi i-commit ko ang sarili ko sa role. Ako si Nosgel. Girlfriend ni Aethan Monteclaro. Mabait. Maalaga. Mysterious. With just a hint of sass. At kapag bumalik na ang memory niya? Well, bahala na si Batman. Kung away ang gusto niya, ready ako. Kung demand letter ang gusto niya, may printer kami. Pero kung sakaling... Kung sakaling magustuhan niya ‘to? Baka hindi na ito fake. Baka hindi na ako kailangan magpanggap. At baka just maybe si Mr. Amnesia mismo ang ma-fall sa sariling fake girlfriend niya. Oh diba? Plot twist pa more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD