KABANATA 6

990 Words
NOSGEL POINT OF VIEW Kinabukasan, hindi na ako pumasok ng maaga. Kalahating oras akong nakatitig lang sa cellphone ko habang sunod-sunod ang pag-pop ng notifications mula sa news apps, Twitter, t****k, at group chats. Ang headline? “Aethan Monteclaro, CEO ng Monteclaro Group, may temporary amnesia matapos ang aksidente!” At ‘yung ibang headlines, parang straight out of a drama series: “The Devil CEO, Forgetting He’s a Devil?” o kaya “Will Amnesia Turn the Ruthless Monteclaro Heir Into a New Man?” Napanganga lang ako habang hawak-hawak ang cup noodles ko. Kahapon lang, kami ni Jilly ang nakiki-chismis ng very confidential info sa file room. Ngayon? Nasa balita na. Nasa buong bansa na. As in pati lola ko, tinext ako kaninang 6 a.m. na, “Anak, ‘di ba d’yan ka nagtatrabaho sa Monteclaro? Kumain ka ha. Huwag kang magpagaslight sa mga may amnesia.” Yes, Ma. Thanks po. Pagdating ko sa office bandang 10 a.m.—late ako kasi sobrang overwhelmed ang utak ko—hindi ako binati ng receptionist, hindi ako tinanong kung late na naman ako. Lahat sila, busy sa kakatingin ng livestream news update. Naka-flash sa LED TV sa lobby: Live update: Aethan Monteclaro, lumabas na ng critical condition. Doctors confirm: Temporary amnesia. Recovery ongoing. Pag-akyat ko sa 18th floor, naramdaman ko agad ang shift. Parang nagbago ang buong atmosphere. Dati, may tension, yes—pero ngayon? May halong excitement, takot, tsismis, at konting... pag-asa? Lahat ng tao, nakaabang. Pagdating ko sa desk ko, sinalubong agad ako ni Jilly. Literal siyang hinila ako papuntang pantry. “Girl. Alam mo na ba?” “Tungkol sa—yes, obviously,” sagot ko. “I mean, buong bansa alam na. Baka nga pati Mars informed na.” “Hindi. Hindi lang ‘yon,” bulong niya habang inabot niya sa akin ang phone niya. “Look.” Pinakita niya sa akin ang isang news article na may malaking picture ni Aethan sa hospital bed—yes, medyo mahimbing ang itsura niya, pero hindi pa rin nawawala ang itsura ng superiority kahit half-conscious. Naka-pose ‘yung isang PR nurse na parang leading lady. Tapos ‘yung caption? “Monteclaro Heir Finally Smiles: A New Leaf?” “Wow,” bulong ko. “Ang bilis naman ng redemption arc niya. One day lang ‘tong amnesia niya ah.” “Girl. Wait for it.” Nag-scroll siya pababa, tapos pinakita sa akin ‘yung quote mula sa PR team. “Mr. Monteclaro is currently unable to recall recent months, including work-related matters and key people in his office. We ask for patience and compassion as he recovers.” Boom. Tumigil ang mundo ko ng dalawang segundo. Tumingin ako kay Jilly. “Recent months? Key people? IKAW ‘YON!” bulong niya. “Hindi ka niya matatandaan!” Hindi ako nakagalaw. Parang ‘yung utak ko gusto nang mag-quit. “Girl, do you realize what this means?” tanong niya. “Na puwede ko siyang sabihang kami dati at wala siyang ebidensya para tanggihan ‘yon?” sagot ko, kalahating seryoso, kalahating natatakot sa sarili ko. “Exactly,” sagot niya. “Pero wait. Joke lang ba talaga ‘yang plan mo kahapon or seryoso ka na ngayon?” Tahimik ako. Kahapon, joke lang talaga. Venting. Wishful thinking. Pero ngayon? LITERAL NA WALANG NAKAKAALALA NG TOTOONG SI AETHAN. Walang makakapag-fact check kung anong klaseng empleyado ako, kung ilang beses na akong napagalitan, kung paano ko siya tinititigan ng may halong “sana madulas ka sa basang sahig.” Ngayon... tabula rasa. Blank slate. Fresh start. Tumayo ako bigla, dala ang kape ko. “Girl. I need to go.” “Saan?” “Sa ospital.” “Hah?! Bakit?!” “Hindi ko alam. Pero kailangan kong makita siya. Ma-verify. At... baka...” “Don’t say it.” “Baka... i-rebrand ko ang sarili ko bilang... supportive, gentle, loving... former girlfriend.” “T*ngina,” bulong niya, pero hindi siya tumutol. “Gusto ko ‘yan. Sundan mo puso mo. Pero magdala ka rin ng mints. Baka mangamoy instant noodles ka sa hospital room niya.” Nasa grab car ako pa-hospital thirty minutes later. Pinagpapawisan ang kamay, nilalamig ang batok, pero ramdam kong kailangan ko ‘tong gawin. Kailangan ko siyang makita. Hindi dahil may evil plan ako—okay, konti lang—but mostly para matiyak na totoo nga. Pagdating ko sa hospital, halos hindi ako makalapit sa entrance kasi may mga reporter, media, fans? at mga random tita na akala mo kilala si Aethan personally. Dahil empleyado ako, ginamit ko ang ID ko. Thank God may koneksyon pa ang Monteclaro badge. Pag-akyat ko sa 9th floor, doon ko lang nalaman na binigyan siya ng VIP suite na parang presidential room. May dalawang guard sa labas. Buti na lang, kilala ako ni Benjo. “Nandito ka,” sabi niya, medyo namumutla pa rin. “Pasok ka. Gising na siya. Medyo groggy pa, pero... conscious.” Dahan-dahan akong pumasok. Tahimik. Walang drama music, pero parang slow-mo ang paligid ko. Tapos nakita ko siya. Nakahiga si Aethan sa white bed, naka-hospital gown, at may benda sa noo. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Galit ba? Guilt? Takot? O ‘yung kakaibang excitement na parang... bagong kwento ‘to. Tumingin siya sa akin. “Hi,” sabi ko, lakas-loob kahit nanginginig ang tuhod ko. Nagkunot noo siya. “Do I know you?” BOOM. Totoo nga. Ngumiti ako. Pati ako nagulat sa sarili ko. “I’m Nosgel. Your... uh... Girlfriend...” “Huh?” Kumindat ako. “Long story. Pero don’t worry. I’m here to help you remember.” Napatingin siya sa akin, parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Pero dahil wala siyang choice... Ngumiti siya. At sa unang pagkakataon, nakita ko si Aethan Monteclaro... na ngumiti sa akin, hindi dahil may mali ako, kundi dahil gusto niya akong makilala. Baka nga may bago nang simula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD