KABANATA 5

1055 Words
NOSGEL POINT OF VIEW Pagkapasok ko ng office kinabukasan, ramdam ko agad ang weird na tension sa hangin. Tahimik ang usually maingay na lobby. Wala ‘yung usual receptionist na hyper at nangingialam sa love life ng lahat. May mga empleyado sa tabi na nagbubulungan, pero hindi ‘yung chismis type—’yung parang may nangyaring... masama. Pumasok ako sa elevator, may tatlong tao sa loob pero lahat tulala. Walang “Good morning,” walang “Traffic ba sa EDSA?”—wala. Lahat kami parang nagluluksa. Pagdating sa 18th floor, halos sabay kaming bumaba. Doon ko lang naramdaman ang mas matinding kabog ng dibdib ko. Kasi paglapag ko sa corridor, nakita ko si Benjo—‘yung ever-loyal assistant ni Aethan—nakaupo sa hallway, mukha siyang… bangkay na buhay. Naglakad ako papunta sa desk ko pero bigla akong nilapitan ni Jilly, hawak-hawak ang cellphone niya, nanginginig ang boses. “Girl,” bulong niya. “May nangyaring aksidente kagabi.” “Ha? Saan?” tanong ko, inabot ko ‘yung cup ko para sana mag-kape pero tinanggal niya sa kamay ko. “Si Aethan... si Sir Monteclaro. Nasagasaan.” Napahinto ako. *What.* “Wait—what?!” Tumango si Jilly, ‘yung mukha niya hindi malaman kung natatakot, naguguluhan, o nawi-weirdohan lang. “Gabing-gabi raw kagabi. Sa tapat ng kondo niya. May sasakyang biglang bumangga sa kotse niya. Front impact. Dinala siya sa ospital. May... trauma. Pero buhay siya. Conscious.” Nanigas ako. Tumingin ako sa kanya, sabay sabay kaming napaupo sa gilid ng pantry table. Tahimik. Matagal. Tapos... sabay naming na-realize. “Put—” sabay naming sabi, halos bulong pero may laman. “Girl,” sabi ko, nanginginig ang boses ko. “Girl, kahapon lang. Diba? Sabi ko—sinabi ko—if he got hit by a truck, I’d throw a party. NAALALA MO?!” “Oo! T*ngina! Ako pa nga ‘yung nagsabing sana minor memory loss lang tapos magbago siya!” Nagkatinginan kami, parehong natulala, sabay sabay naglakad papasok sa small file room para makaiwas sa mga tao. Pagkapasok namin, nagsalita ako ulit. “Wait, wait—baka... coincidence lang. I mean... common ‘yon ‘di ba? Na may masagasaan? Baka hindi tayo dahilan.” “Teka lang. Pero paano kung tayo nga?” sagot niya, nakahawak sa dibdib. “Parang... parang na-manifest natin, girl!” “Huwag kang ganyan!” binulungan ko siya. “Hindi ako prepared for spiritual consequences!” Tahimik ulit. Tapos napaisip ako. *Kahapon lang ‘yon. Nagsabi ako ng masama, tapos today... BOOM. Karma express delivery. Ano ‘to, one-day shipping?* Napatingin ako sa kisame, parang umaasang may tutubong sign. Pero ang nakuha ko lang ay ilaw na patay-sindi. *Baka guni-guni ko na rin ‘to.* “Pero okay na raw siya, ‘di ba?” tanong ko, bagama’t hindi ako sigurado kung gusto ko talagang marinig ang sagot. “Okay in a sense na buhay siya. Pero may... konting memory loss daw. Hindi pa full details. May PR blackout pa. Pero confirmed. Hindi niya maalala ‘yung last few months.” “Holy sh—" napaluhod ako sa tabi ng filing cabinet. “T*ngina, ako ‘yung dahilan. Ako ‘yung karma. Ako ang orasyon!” “Hoy, hindi mo naman talaga ginusto!” pilit ni Jilly, pero kita ko sa mukha niya na gulong-gulo rin siya. “Sinabi ko, girl. Out loud. Sa harap mo. With emotional conviction.” Niyuko ko ulo ko sa desk ng file room. Hindi na ako sure kung iiyak ako, tatawa, o magpapatawag ng exorcist. Kasi sino ba namang nag-e-expect na isang sarcastic na banat lang sa pantry ang magiging reality? “Okay, okay, okay... think,” sabi ko. “Kung ganito ang sitwasyon, anong protocol?” “Wala tayong protocol sa ganitong klase ng sitwasyon!” balik niya. “Sabagay,” sagot ko. “Wala sa employee manual ‘to.” Tahimik ulit. Tapos bumulong ako, halos hindi ko marinig sarili ko. “Hindi ko naman talaga ginusto. Joke lang ‘yon. Hindi ko akalaing... mangyayari. Parang... tinapon ko lang sa hangin, tapos binalik sa akin ng multiverse.” “Girl, hindi mo kasalanan ‘to,” sabi niya ulit, pero ramdam ko na pareho lang kaming hindi 100% naniniwala doon. “Hindi mo hawak ang kapalaran ni Sir Devil. Baka... baka destiny ‘to.” “Destiny na mabangga siya?” “Baka kailangan niyang mabangga para matutong maging tao.” Natigilan ako. “Wait,” sabi ko. “So kung may memory loss siya... baka...” Napatingin ulit kami sa isa’t isa. Pareho naming naisip ‘yon. “Baka... puwede nating... gamitin ‘to.” “Ano ka, baliw?” “HINDI—wait lang. I’m just saying. Baka pwede nating... you know... ayusin ‘yung relasyon namin. As in... linisin slate. Or i-manipulate siya para... less hell ‘yung work life natin.” Tumaas ang kilay niya. “Are you seriously suggesting that we gaslight an amnesiac CEO?” “Hindi gaslighting. More like... guided perception.” “Parang brainwash pero cute?” “Tama! Parang... personality reboot with benefits.” Umikot siya, naglakad ng pabalik-balik. “Okay, okay. Let’s say pumayag ako. Anong gagawin natin?” “Simple lang,” sabi ko, lumapit ako sa kanya. “Hindi niya tayo maalala, ‘di ba? E ‘di... what if I tell him... na... kami?” “NA KAYO?! As in kayo ni Satan—este, ni Sir Monteclaro?!” “Fake lang, Jilly! Para... bumait siya. Para sumunod siya. Para magbayad siya emotionally sa lahat ng sinapit ko.” Biglang tahimik ang paligid. Pati ‘yung ilaw sa file room, parang nag-freeze sa shock. “Girl,” bulong niya, “kapag um-oo ako rito... may posibilidad na mapunta tayo sa telenovela.” “Exactly,” sagot ko. “At feeling ko... panahon na para ako naman ang bida.” Nagulat kami nang bumukas ang pinto. Si Benjo ‘yon, pawis na pawis pero mukhang may update. “Guys,” bulong niya. “Si Sir Monteclaro... nagising na. Conscious. Pero... hindi niya kami kilala. Wala siyang maalala sa office. Tinawag niya akong ‘Kuya Ben.’” Nagkatinginan kami ni Jilly. And just like that... Nagstart na ang greatest plot twist ng buhay ko. Ngayon lang ako natakot at natuwa ng sabay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD