NOSGEL POINT OF VIEW
Pagkatapos ng hellish meeting, kinain ako ng stress buong araw. Parang kahit ‘yung air sa opisina may lasa ng takot. Hindi ako nakapag-lunch—again—dahil si Ma’am Cynthia biglang may urgent email request, tapos si Sir Devil Boss gusto biglang ma-reformat ang buong Q4 report, tapos si printer ayaw makisama. Ako ‘yung printer. Ako ‘yung report. Ako ‘yung nasusunog sa impiyerno ng corporate life.
By 7:48 PM, ako pa rin ‘yung nasa desk. Gabi na. Patay na ang araw pero buhay pa ang trauma. Ang building ay tahimik na maliban sa tunog ng electric fan na parang nagchi-cheer: “Go, go, kaya mo pa… charot!”
Nagsend na ako ng final draft kay Aethan. Hindi na ako hiningan ng feedback. Hindi ko alam kung good sign ba ‘yon o sign na mas may masamang balak na siyang pagdaanan ko bukas. Baka ipa-demonyo niya ako sa HR.
Sa sobrang pagod, na-drag ko sarili ko hanggang pantry kung saan nakita ko si Jilly—my one and only partner in suffering—na nagbubukas ng instant noodles.
“Tangina, girl,” bungad ko.
“Ay, welcome back sa mga buhay na patay,” sagot niya habang naglalagay ng hot water sa cup noodles. “Anong balita sa underworld?”
“Wala. May bagong boss si Satanas.”
Umupo ako sa harap niya. Napansin niya ‘yung eyebags ko na parang may sariling zip code.
“Girl, you look like sh*t,” sabi niya with concern, pero hindi ko na kinaya tumawa.
“Tingin mo ba may time pa akong ma-conscious sa itsura ko kung gusto ko na lang magsimula ng fire drill para lang makauwi?”
Binuksan ko ‘yung sarili kong cup noodles. Hindi ako kumakain ng ganito dati, pero apparently, ‘pag corporate slave ka na, ito na ang gourmet meal mo.
Habang hinihintay maluto, napatingin ako sa pader. Walang dahilan. Blank stare lang. Kasi kapag napagod ka nang sobra, pati dingding interesting na.
“Alam mo, Jills,” sabay kuha ng disposable fork, “kung may truck na biglang rumagasa kay Aethan habang tumatawid siya sa BGC…”
Nagkatinginan kami.
“…magpa-party ako.”
Si Jilly, biglang sumabog sa tawa. As in full-on hagikgik. ‘Yung tawa niya may kasamang ungol na parang naipit.
“T*ngina ka! Huwag kang magsalita ng ganyan!”
“Eh totoo naman, oh!” balik ko. “Ikaw ba, hindi? ‘Pag nalaman mong may sumalpok sa kanya tapos minor injuries lang, hindi ka ba magpapa-pizza?”
“Teka lang, ‘wag minor. Gawin na nating major konting konti lang. ‘Yung may kaunting memory loss. Gano’n.”
“YES! ‘Yung tipong…” tumingin ako sa imaginary camera, “he forgets he’s the devil.”
Tumawa siya ulit, tapos sabay sabing, “Alam mo, mapupunta talaga tayo sa impiyerno.”
“Eh andito na nga tayo, ‘di ba?” turo ko sa paligid. “Monteclaro Group is just purgatory with aircon.”
Inubos ko ‘yung noodles ko habang nagra-rant.
“Kanina, girl, tinawag niya akong walang vision. Walang vision, Jilly! Kasi daw ang report ko kulang ng passion. Anong gusto niya, may halong tula?”
“Gusto niya siguro, may spoken word ka habang nagpapakita ng sales graph. Like, ‘In the Q3 of my soul… revenue falls, but my heart still wants to grow.’”
“Shut up!” hagikgik ko. “O ‘di kaya gusto niyang sumayaw ako habang nagsa-summary.”
“Twerk para sa trabaho,” sabi niya habang ngumunguya.
Tumahimik kami saglit. Tapos bigla niya akong tiningnan.
“Pero seryoso, kaya mo pa ba?”
Napahinto ako. Tinanggal ko ‘yung salamin ko, pinikit ang mata sandali, tapos huminga ng malalim.
“Hindi ko alam. Parang... araw-araw may bagong level ng pagod. Para kang nauubos pero hindi mo pwedeng ipakita kasi ‘pag pumalya ka, may nakaabang na sisihin ka.”
“Gusto mo ba talaga ‘to?” tanong niya. “Ang trabahong ‘to? Ang boss na ‘yan?”
“Alam mo, ironic, no?” sagot ko. “Nung college tayo, pangarap ko to. Corporate ladder. Big company. Power dressing. Tapos ngayon? Gusto ko na lang magtinda ng fishball sa tapat ng MRT.”
“May benefits ba ‘yung fishball business?”
“Meron—freedom. Peace. Walang boss na feeling Diyos Ama.”
“May office crush ka ba at least? Pampagaan ng araw?”
Napaisip ako.
Si Aethan? Crush? G*go.
“Walang crush, pero may common enemy. Malakas din ‘yon sa morale.”
Si Jilly umarte ng dramatic. “Here lies Nosgel Sedruol, 25 years old. Died of exhaustion. Revived by revenge.”
Tumango ako. “Kung hindi ako pwedeng mabuhay para sa pangarap ko, mabubuhay ako para sa paghihiganti.”
Nag-toast kami ng empty noodle cups.
“To corporate spite.”
“To burning bridges—with style.”
Tumayo ako para itapon ang basura, tapos sumandal muna sa pader. Pumikit sandali. Hindi para umiyak—wala na akong energy para doon. Just… silence.
“Nakakainis, ‘no?” bulong ko. “Na kahit gano’ ka ka-efficient, may isang taong sisira sa confidence mo in two words or less.”
“Tama ka. Pero may good news.”
“Ano?”
“Wala na tayong lunch, pero at least, may instant noodles tayo. At may isa tayong panalangin.”
“Ano ‘yon?”
“Na sana… matapakan siya ng delivery truck.”
Tumawa ulit kami.
Minsan, hindi mo talaga kailangan ng motivational speech. Kailangan mo lang ng best friend, ng mainit na noodles, at ng iisang taong pareho ninyong gusto batuhin ng stapler.
Habang naglalakad kami pabalik sa desks namin, sinabi ni Jilly:
“Kung mababaliw ka, huwag kang mag-isa. Sama mo ako.”
Ngumiti ako.
“Deal.”
At kahit alam kong bukas pagpasok ko, andun pa rin siya—si CEO Supreme Asshole—handa na namang gumiba ng moral compass, at least tonight… may kaunting peace.
Kasi may instant noodles. May Jilly.
At may planong balang araw… makabawi.