NOSGEL POINT OF VIEW
Parang may bagyo na sa opisina. Iba 'yung tension sa hangin—parang kahit ang aircon natatakot umihip. Naglabasan ang mga papel, nagkaubusan ng post-its, at ang HR ay biglang nag-email ng “Reminder: Mental Health is Wealth” na alam naman naming lahat ay code para sa “May sasabog, good luck.”
Mga 9:30 AM, pumutok na nga ang balita: All department heads and assistants—conference room. Now.
At syempre, ako ang assistant ni department head na si Ma’am Cynthia, kaya sumama ako. Pagkapasok ko sa conference room, andun na siya. Ang boss ng lahat ng boss. Si CEO Aethan Monteclaro. Nakaupo sa dulo ng mesa, parang hari ng dark kingdom, naka-all black suit na parang every day is a funeral para sa soul ng mga empleyado.
Nagsalita siya. Hindi pa sigaw. Calm. Controlled. Nakakatakot. “I called this meeting because our numbers are trash.”
Okay. Warming up pa lang.
Tumingin siya sa report, pinasa kay Ma’am Cynthia. “We’re overspending on marketing, but your ROI dropped 17%.” Tiningnan niya ‘to na parang kinakausap niya ang calculator. “Why?”
Si Ma’am Cynthia, sa sobrang kaba, nag-start magsalita pero sabay sabit ang powerpoint remote sa table. “W-we believe, sir, that the Q3 approach—”
“Believe?” putol niya. “This is not a church. We don’t ‘believe.’ We prove.”
Boom.
Ilang segundo ng katahimikan. Naririnig ko lang ang nervous cough ni Benjo, ‘yung EA ni CEO na mukhang limang taon na siyang walang tulog. Ako naman, pinipilit kong hindi gumalaw. Kahit eyeball movement ko, minimal. Kasi alam ko—alam naming lahat—na pag galit siya, random siyang pipili ng biktima.
At oo nga. Napatingin siya sa akin.
“Sedruol.”
Punyeta.
“Sir?”
“Summarize the projected figures for Q4.”
Ako, na parang napatapon ang kaluluwa sa sahig, huminga ng mahina—Bawal daw kasi ‘yung malakas. Kinuha ko ang kopya ko at nagsimula.
“Q4 projected figures po show a potential 12% recovery if we shift digital assets to mobile-first campaigns, targeting our top three demographic clusters…”
Pero habang nagsasalita ako, naramdaman kong unti-unti na siyang umiinit. Nagsimula na siyang tumingin sa bawat isa nang parang ready siyang sumabog. Ito na. Mag-aapoy na ang conference room.
“Stop.”
Tumigil ako agad. Oh Diyos ko, hindi ako ready mamatay today.
“Is this what passes for strategy now?” tanong niya habang nilapag ang report. “Do you all wake up, come to work, and decide to be average?”
Ayun na. Game na.
“Benjo. Open the screen. I want the Q3 reports up.”
Pagbukas ng projector, nagsimula na siyang mag-pointer habang nagsisigaw. Hindi normal na galit ha. ‘Yung galit na may kasamang English, Tagalog, at subtle insults sa buong existence mo.
“This number is a joke! You expect me to show this to the board?! Do you want the board to laugh at my face?! Huh?!”
Hindi po sir, gusto lang po naming makakain ng lunch today.
“You!” turo niya kay Dave from finance. “You approved this?! Are you in finance or fantasy?!”
Oof. Sakit. Pero solid rhyme.
Tumingin siya kay HR. “And HR! Do you even screen who you hire? Kasi kung ito ang quality ng thinking nila, baka mas okay pang plants ang i-hire natin. At least they absorb CO2!”
Gusto ko na lang tumayo at lumabas ng bintana. Parang mas tahimik sa labas ng building kahit tumalon ako from 10th floor.
Habang nagsasalita siya, tuloy-tuloy ang mental curse words ko. Sa utak ko, minumura ko na siya sa Spanish, French, German, Mandarin, Elvish, Morse code, at kung anik-anik pa. May ganito bang klaseng boss sa Biblia? Kahit si Pontius Pilate baka mas chill pa rito.
“Sedruol.”
Putek, ako na naman?!
“Yes, sir?”
“Did you understand any of what I just said?”
Unfortunately, yes.
“Yes po, sir.”
“Then apply it. Fix your department’s report. I want a revised one in my inbox by 5 PM. Clear?”
“Yes, sir. Noted.”
Pagkaupo niya ulit, parang lahat kami huminga nang sabay. As in collective sigh of near-death experience. Si Benjo nag-abot ng tubig kay CEO pero ‘di man lang ininom. Mas gusto pa niya yatang uminom ng galit kaysa hydration.
Paglabas namin ng conference room, si Jilly hinila agad ako papunta sa hallway.
“Girl. What the actual fresh hell was that?”
“Team building,” sagot ko. “Kaso sa version ng horror movie.”
“Huy, may sumabog na sa accounting! Nag-walkout si Tita Mae!”
“Same. Walkout na rin ‘yung kaluluwa ko.”
Bumalik ako sa desk ko na feeling ko parang binugbog ng tatlong reality check. Binuksan ko ulit ang laptop, minumura sa isip ang report habang si CEO ay nasa office niya, calm ulit na parang walang nangyari. Ang kapal ng mukha. Nakakasigaw, tapos chill. Samantalang kami, nagkaka-trauma bonding sa group chat.
OFFICE GC:
“Guys, alive pa kayo?”
“Pano bang maging halaman?”
“Who has a copy of the Q3 budget sheet? May dugong tumulo sa keyboard ko.”
“Update: si Tita Mae nasa CR, umiiyak.”
“Update 2: si Dave din. Magka-bonding sila sa cubicle three.”
Nag-type ako ng sagot: “Update 3: Ako? Emotionally dead na. Physically blinking lang.”
Pero sa totoo lang, deep inside, nararamdaman ko ang unti-unting shift.
Hindi na lang siya basta-basta boss na nakakatakot.
Si Aethan Monteclaro, may epekto siya. Sa buong opisina. Sa mga tao. At oo, pati sa’kin.
Hindi siya ordinaryong galit lang. Para siyang walking typhoon na pinilit gawing tao. Pero sa bawat sigaw niya, may sense. Hindi lang basta ingay—may dating. May pangil. May paniniwala.
At eto ako, si Nosgel Sedruol, isang maliit na mortal na pilit niyang ginagawang matatag.
O baka iniisip ko lang ‘to para ma-justify ang psychological damage.
Either way, andito na ako. Sa gitna ng corporate warzone, kasama ang general na kala mo ay may PhD sa intimidation.
Pero guess what?
Challenge accepted.
Kasi kung gusto niyang sumigaw?
Eh ‘di sige.
Let’s see how long before he meets the real me.