NOSGEL POINT OF VIEW
Alas-nuwebe pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko parang kinain na ako ng printer. May apat na spreadsheet akong binubuksan sabay, tatlong email na sinasagot habang tumatawag si supplier number five na mali raw ang pinadala naming document. Habang sinasabi niya ‘yun, pinipilit kong ngumiti kahit gusto ko nang humiga sa sahig ng pantry at umiyak habang yakap ang water dispenser.
First week ko pa lang, pero parang ako na ang tumatayong assistant, analyst, scheduler, at tagakuha ng iced Americano ni Boss Lucifer. Hindi pa nga ako fully processed sa HR, pero lahat ng trabaho sinasalubong na ako nang bukas-palad. Literal na ako na lang ang kulang sa org chart.
“Sedruol,” boses niya biglang tumunog sa likod ko, parang soundtrack ng horror movie na may pa-zoom in.
Napalingon ako at napasinghap.
Wrong move.
“Did you just… sigh?” tanong niya, eyes narrowing like I just insulted his ancestors.
“Ah—sir, hindi po. I mean, accidental po. Baka hangin lang po,” sabi ko habang pinipilit ngumiti kahit nanlalamig ang batok ko. Hangin lang ‘yun, promise. Di ako buntong-hininga. Respiration lang.
“Don’t breathe like that in my office,” he said flatly. “Nakakadistract.”
Putek. Ngayon bawal na huminga.
“Yes, sir,” sagot ko, halos hindi gumagalaw ang labi ko. Nag-practice ako ng silent breathing technique gaya ng mga ninja.
Pagkaalis niya, tinapik ako ni Jilly sa ilalim ng table gamit ang sapatos niya. “Breathe sa CR,” sabi niya, sabay kindat.
Nag-type ako ulit, this time sobrang dahan-dahan parang baka sumabog ang keyboard. May deadline akong tatlong presentation na dapat tapusin by 1 PM, plus additional data validation sheet na ipinasa sa’kin ng senior staff na walang paalam. Sabi niya, “Konti na lang naman ‘yan eh, pakisalo.” Konti raw. Eh limang tab ang laman.
Isinumpa ko sa utak ko ang salitang “konti.”
Alas-dose kinse, naramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko. Tumunog pa siya—malakas. Yung tipong parang ringtone ng kahirapan. Napatingin ang seatmate ko, sabay tawa. “Girl, lunch ka na.”
Tumingin ako sa clock. May fifteen minutes ako bago ang susunod kong Zoom meeting. Pero guess what?
Wala akong baon. Hindi ako makalabas. Hindi ko kayang iwan ang desk ko kasi baka biglang magtanong si Lord Voldemort, este, si CEO.
Tumayo ako para kumuha sana ng crackers sa bag ko nang biglang...
“Sedruol.”
Tumigil ako. Dahan-dahan akong lumingon, parang ‘yung sa thriller movies na ‘pag bumaling ka may something nakatayo sa likod mo.
“Yes, sir?”
“Status update on the vendor sheets.”
“On it po, almost done.”
“Kelan ‘almost’? Give me exact minutes.”
“Ah, mga ten to fifteen minutes po, sir.”
“Make it eight.”
Kailangan kong i-reboot ang utak ko. Paano ko babawasan ng pitong minuto ang trabaho kung wala pa akong kinakain? Sa sobrang gutom ko, pakiramdam ko kahit stapler mukha nang french fries.
Balik ako sa desk. Tumitig sa screen. Tinype ko ang formulas with the speed of a caffeinated hamster. Wala na akong time mag-check ng grammar sa email. Basta ma-send. Basta matapos. Basta makahinga kahit kaunti. Kung may Diyos sa opisina, pakinggan mo naman ako ngayon. Give me lunch. Or death.
Alas-dose singkwenta, tapos na rin. Na-email ko na. Nakapagsend pa ako ng summary report. Sumandal ako sandali, isinara ang mga mata. Small wins, Nosgel. You’re surviving.
Biglang ding.
New email.
From: CEO Aethan Monteclaro
Subject: See me. Now.
Tangina.
Tumayo ako. Pinunasan ko ang pawis sa noo. Kinuha ko ang notepad at ballpen ko like a good, obedient employee-s***h-martyr. Tapos hinga ng malalim—ay, wait. Bawal huminga.
Pagkapasok ko sa office niya, hindi siya tumingin agad. Busy siya sa laptop. Tinuro lang niya ang upuan sa harap ng desk.
Umupo ako. Tahimik. Hindi ako gumagalaw. Parang isa akong contestant sa The Voice na hindi pa pinipindot ang buzzer.
“Presentation,” sabi niya finally.
Pinasa ko ang file. Tiningnan niya. Tahimik ulit. I counted: 21 seconds. Then he spoke.
“This is acceptable. But I expect better.”
Acceptable? Charot ka ba? Halos hindi na ako huminga para dyan tapos ‘acceptable’ lang?
“Understood, sir,” sagot ko, very respectful kahit sa utak ko ay naggugupit na ako ng picture niya para gawing voodoo doll.
Tahimik ulit. Tiningnan niya ako. “May tanong ka?”
“Yes po, uhm… I just want to ask—may template po ba tayo for the quarterly visuals or do I make my own?”
“Make your own. Hindi kita kinuha para mag-copy-paste lang. Use your brain.”
Suntok. Pak.
“Got it, sir. Salamat po.”
“‘Wag mo kong pasalamatan kung hindi mo pa nagagawa.”
Ouch. Okay. Sige. I-deserve ko yata ‘to kasi baka masama akong tao sa past life.
Pagkalabas ko ng opisina niya, naglakad ako pababa papunta sa CR. Hindi na ako naglakad—lumutang na lang. Ang tingin ng ibang empleyado sa akin, parang naka-receive ako ng death sentence.
Pagpasok ko sa CR, doon ko lang hinila nang malalim ang hininga ko. Ay puta. HANGIN. BLESSING.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pawisan. Mukhang stressed. Eyes ng isang taong naka-tatlong kape pero walang kain. Pero… buhay pa ako.
In fairness, buhay pa ako.
Pagbalik ko sa desk, may message si Jilly.
JILLY:
May dala akong empanada. Libre. You look like a pre-zombie.
NOSGEL:
You are God’s favorite soldier. I owe you my soul.
Habang kinakain ko ang empanada niya habang patagong nagta-type ng report, naisip ko: Ganito pala sa Monteclaro Group. Walang lunch. Walang pahinga. Just vibes and trauma.
Pero kahit gano’n, kahit parang office version ng Hunger Games ‘to, may isang parte sa akin na ayaw pang sumuko.
Siguro dahil gusto kong patunayan na kaya ko. Siguro dahil kahit isang linggo pa lang ako rito, gusto ko nang patunayan na hindi ako madaling palayasin.
At siguro rin—kahit hindi ko pa inaamin—may parte sa akin na curious.
Curious kung anong klase ng tao si Aethan Monteclaro.
Curious kung anong mangyayari kung isang araw… ako naman ang magpapaikot sa kanya.