KABANATA 10

1186 Words
NOSGEL POINT OF VIEW Pagpasok ko sa opisina, hindi ako sigurado kung nasa Monteclaro Headquarters pa ba ako o nasa retreat house na may Wi-Fi. May bagong painting ng “Last Supper” sa lounge. May scented candles sa conference room. At sa bulletin board, may sticky note na may nakasulat na: "Prayer Circle: 3 PM, led by Sir Aethan." Tangina. Nag-short circuit talaga utak ko. As in, full-on blackout sa rational thinking department. Para akong robot na tinamaan ng kidlat habang naglo-loading pa. “Gusto mo ba ng holy water?” tanong ni Jilly, sabay hawak sa bote ng alcohol at tawa ng tawa. “Hindi totoo ‘to. Hindi real life ‘to. Panaginip lang ‘to. Baka na-accident din ako,” bulong ko habang nakatitig sa welcome-back bouquet sa desk ni Aethan—na punong-puno ng white lilies at may kasamang rosary. “Baka kailangan mong mag-confess. Malapit na ang boss mo maging seminarista,” hirit pa ni Jilly, halos hindi makahinga sa kakatawa. “Jilly,” seryoso kong sambit. “This is not funny. Our revenge plot is disintegrating faster than my will to live.” “Baka ‘yan ang gusto ni Lord. Spiritual healing.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Tigil mo ‘yan. Hindi tayo close ng langit.” “Eh close ka na sa boss mo, ‘di ba? Girlfriend ka raw niya,” nakangising sagot niya. Napaupo ako sa swivel chair ko, bagsak ang balikat at ang puso ko parang nahulog sa drainage. Ang gulo. Wala sa script. Dapat evil CEO siya. Dapat ako ang nagma-martyr sa pag-aalaga sa kanya. Dapat siya ang nagsa-suffer. Pero no, ang nangyayari ngayon ay parang romcom na dinevelop sa chapel. At ako ang napilitang bidang kontrabida na hindi marunong magdasal ng maayos. Pumasok si Benjo, mukhang stressed gaya ng dati, pero mas may eyebags ngayon. "Nosgel, can I talk to you for a minute?" “Sure,” sagot ko, kahit gusto ko lang mag-disappear sa ere. Hinila niya ako papunta sa pantry, kung saan kami lang dalawa. “Anong nangyayari kay Sir Aethan? Bakit bigla siyang naging... mabait?” Nagkibit-balikat ako. “Amnesia. Tsaka siguro nakita niya ‘yung ilaw.” “Ilaw ng langit?” “O ilaw ng vending machine, hindi ko alam.” Tumitig si Benjo sa akin, nagdududa. “So... kayo talaga ni Sir? Totoo ba?” Gusto kong sabihin hindi. Gusto kong aminin na this is all a lie. Pero wala na akong choice. Ang dami nang nakakaalam. At kung bigla akong umatras, baka pati trabaho ko mawala. “Yeah,” sagot ko. “Magka-relationship kami. Totoong totoo.” Napatingin ako sa kisame. Sorry, Lord. Last lie na ‘to today, promise. Pagbalik ko sa desk ko, andun na si Eloisa, nagsusulat sa pink notebook niya at ngumingiti na parang kakapanood lang ng KDrama. “Hi Nosgel,” bati niya. “Kayo na pala ni Sir Aethan. Ang sweet.” Ngumiti ako ng pilit. “Yeah, destiny raw eh.” “Alam mo, bagay kayo. Ikaw ang earth, siya ang langit. Balance.” Hindi ko alam kung insulto ‘yon o compliment, pero hindi ko na sinagot. Napansin kong may ID pass si Eloisa na may bagong sticker: *#FaithOverFear* Tumingin ako kay Jilly. Nagkatinginan lang kami. Pareho kaming gusto nang sumigaw: PVTANGINA WHAT IS HAPPENING? Lunch break. Hindi ako makakain. Literal na nawala ang gana ko. Lalo na nang tumabi sa akin si Aethan sa cafeteria na may dalang salad at Bible verse na nakasulat sa tissue. "‘He who finds a wife finds what is good and receives favor from the Lord.’ Proverbs 18:22," basa niya, nakangiti. “Alam mo, parang ikaw ‘yon, Nosgel.” Nalaglag tinidor ko. “Ha?” “Wife. Ikaw. Parang… kahit wala akong maalala, parang ikaw talaga ang kapayapaan ko.” Tumingin siya sa cucumber sa salad. “Medyo naguguluhan pa rin ako kung favorite ko ba talaga ‘to. Pero since sinabi mong oo, sige, paninindigan ko na.” Habang sinubo niya ang cucumber, gusto ko nang umiyak. Wala na akong balak mag-sorry sa langit. Wala na akong balak aminin na peke ‘tong lahat. Pero habang tinitingnan ko siya, may guilt na unti-unting lumulubog sa dibdib ko. Kasi kahit peke ito—kahit kasing peke ng mga sale sa online shopping—parang naniniwala na si Aethan. At worse, ako na rin. Pagbalik sa opisina, may tawag si Aethan mula kay Father Carlos. “Father Carlos!” bati niya, tuwang-tuwa. “Yes, I’ve been reflecting on the homily you sent. Napakaganda. Baka po mabisita ko kayo this week.” Lumingon siya sa akin, ngumiti. “Gusto mo bang sumama?” “Saan?” tanong ko. “Sa parish niya sa Tagaytay. For discernment.” Tangina talaga. Sa sobrang fake ng relationship namin, baka ang ending nito ako ang maging madre. “No thanks,” sagot ko. “May trauma ako sa retreat.” Ngumiti lang siya. “I understand. But you’ll support me, right? Sa spiritual journey ko?” Tumingin ako sa kanya. Sa mga mata niya na wala na ‘yung dati kong boss na mahilig mang-insulto. Sa mga mata niyang punong-puno ng tiwala. Sa mata ng taong hindi ko inakalang matatakot akong saktan. “Oo naman,” sagot ko. “I’ll support you.” Pumasok si Jilly, bitbit ang folder. “HR matters lang po. Nosgel, pwede ka bang sumaglit?” Sumunod ako. Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga si Jilly. “Ano nang plano mo? Baka biglang maging pare talaga ‘yan, ikaw pa mag-sponsor ng ordination niya.” “Wala na akong plano,” sagot ko. “Short-circuit na ‘yung revenge plot. Hindi ko na alam kung anong tunay o hindi.” “Tsk. Fake jowa, real feelings. Classic.” Naglakad-lakad ako sa loob ng HR office. “Tapos lahat pa ng tao sa office, converted na. Parang ‘yung HR orientation naging Bible study. Nagkakagulo na sa emails. Si Eloisa nagpa-quote ng ‘Bible-themed love letters’.” “Gago,” tawa ni Jilly. “Alam mo ba si Benjo? May tanong kanina kung puwedeng may prayer breaks sa working hours.” Napahawak ako sa noo. “Tapos ako ang rason ng lahat ng to. Ako ang girlfriend ng spiritual awakening. Ako ang musa ng transformation.” Tumingin si Jilly sa akin. “So anong next move mo, girl?” Hindi ko masagot. Kasi for the first time in my life… hindi ko alam kung paano itutuloy ang isang planong ako rin ang may gawa—pero ako na rin ang nasasaktan. Paglabas ko sa HR, nakita ko si Aethan sa hallway. Nasa ilalim siya ng fluorescent light, nakaayos ang buhok, may hawak na Bible sa isang kamay, at may ngiti sa labi. “Gel!” tawag niya. “Gusto mo ba tayong dalawa mag-lead ng prayer circle mamaya?” Natigilan ako. Ngumiti ako. “Sure. Let’s make it... holy weird.” At tumuloy ako sa direksyon niya. Kasi kahit ang gulo-gulo ng lahat... ang weird ng simula... at ang fake ng relasyon naming ito... Hindi ko kayang iwan siya. Not yet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD