NOSGEL POINT OF VIEW
Monday. 9:03 AM. Boardroom.
Kung dati, laptop, projector at quarterly reports ang bida tuwing executive meetings—ngayon may dagdag na holy guest sa mesa: isang leather-bound Bible with gold trimmings.
As in, nakapatong siya sa gitna ng mga financial forecasts. Katabi niyo, ang iced Americano ni Aethan, at ang cross necklace na pinatong niya as centerpiece. Parang sacrificial altar.
“Before we begin, I’d like to start with a short reflection,” malumanay na wika ni Aethan, habang bukas ang Bible at nakapikit siya, parang nasa misa.
Sa kanan ko, si Benjo hindi makapag-decide kung magta-type ng minutes o mag-amen. Sa kaliwa ko, si Eloisa, nangingiti na parang nasa spiritual date.
Ako?
Nakapulupot ang binti. Naka-red bodycon dress. Nakasuot ng six-inch stilettos. At nakamakeup na pang-miss universe.
Hindi ako nagbibiro. Pinlano ko ‘to.
Kung ayaw niyang ma-revive ang pagka-bosszilla niya, ako na ang magba-baptize sa kanya pabalik. With lust. And legs.
“Lord,” simula ni Aethan, eyes still closed. “Guide us as we navigate today’s business review. May we be stewards of excellence and humility.”
Tumikhim ako, sabay himas sa legs ko para obvious. Baka akalain ng langit wala akong contribution.
“Pwede bang i-append sa prayer na ‘yan ang... focus and desire for results?” sabay kagat-labi.
Tumingin siya sa akin. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.
Nagtaas siya ng kilay. Pero hindi siya nag-react sa cleavage kong mas maaga pang dumating kaysa sa ako sa meeting. Hindi siya tumingin sa legs kong parang nilangisan ng langis ng Nazareth.
No. The man nodded… and said:
“Noted. I’ll include that next prayer.”
Tangina talaga.
After the meeting, sa hallway, sinabayan ko siya.
“Babe,” malambing kong tawag, sabay dikit sa braso niya. “Don’t you think I look... sinful today?”
Napatingin siya. Eyes scanning me from head to toe. Pero walang kalibog-libog sa mata. Walang kilig. Wala. As in, zip. Nada. Cleanse level one hundred.
“You look... intense,” seryoso niyang sabi. “But we must not let the flesh overpower the soul.”
“Flesh?” ngumiti ako. “Well, this flesh was hoping for dinner and a little damnation.”
Ngumiti siya pabalik. “Fasting ako ngayon.”
Pumikit ako. Lord, baka puwede pong ako na lang i-fast forward.
“Babe,” sabi ko, pilit na sweet. “You’re a man. I’m a woman. These are facts. Scientific truth ‘to. So kahit amnesia ka... alam mo na ‘yun.”
Napatigil siya sa paglalakad. Tumitig siya sa akin, malalim.
“Gel, alam kong girlfriend kita... pero I feel called to something greater. I’m trying to fight temptation.”
Napanganga ako.
“Temptation? Ako? Temptation?”
“Hindi ko sinasabing ikaw ‘yun. Pero parang ikaw ‘yun.”
“Tangina salamat ah.”
“Gel—”
“Ako ba ang Eve sa Garden of Eden mo, Aethan? Gusto mong magtago ng mansanas? O gusto mong mag-pray over sa ex mo—aka power-hungry CEO self mo?!”
“Gel...”
“Wag mo akong Gel-Gel d’yan! This dress cost me more than your tithes!”
Tumalikod ako. Lumakad palayo, heels ko kumakalabog. Pero bago ako makarating sa elevator, may humabol.
Hindi si Aethan.
Si Jilly.
“Hoy!” tawag niya, hinila ako sa gilid. “Bakit para kang sinaniban ng demonyita ni Megan Fox?”
“HINDI KO NA KAYA, JILLY!” sigaw ko, hindi ko na na-control. “Ginawa ko na lahat. Nilantad ko na buong kagandahan ng katawan kong pinagpala. Alam mo anong sagot niya? PRAYER.”
Tumawa si Jilly. As in hagalpak.
“Girl, baka naman gusto niya talaga magpari?”
“Baka gusto ko siyang i-lay hands sa kama! Pero hindi! Gusto niya mag-reflect!”
Pinagpapawisan ako. Hindi dahil sa galit—well, okay, partly dahil doon—but mostly dahil... may parte sa akin na nasasaktan.
Bakit parang ako na ang nahuhulog sa isang taong ni hindi matandaan kung sino ako talaga?
Bakit parang ako na ang nalulunod sa sariling trap ko?
Sa office pantry, habang ako’y nagka-kape, dumating si Aethan. Bitbit ang Bible niya. Nakasuot ng cream polo shirt at slacks, parang seminarista on casual Friday.
“Gel,” bati niya. “I just finished reading about Joseph and temptation. Naiisip kita.”
“T-thanks?” sagot ko, confused.
“Kasi... like Joseph, kahit surrounded siya ng temptation, he chose righteousness. Gusto ko maging katulad niya.”
Napatingin ako sa Bible niya. Then sa kanya.
“Joseph,” ulit ko. “Yung... pinagbintangan sa Egypt?”
“Exactly.”
“Alam mo ba kung anong nangyari sa asawa ng boss ni Joseph?”
“Uh... napahiya?”
“Correct. Alam mo kung anong tawag sa kanya?”
“Hindi...”
“Homewrecker. Slithering seductress. Demon in heels.”
“Ha?”
“WALA AKONG PLANONG MAGING ‘YON, AETHAN!”
He blinked. “Okay...”
Napaupo ako sa upuan. Napahawak sa sentido ko.
He kneeled beside me.
“As much as I don’t remember the old me, I feel peace now, Gel. Maybe... I was never meant to live like before.”
“Maybe... you were never meant to be my fake boyfriend either.”
Tahimik.
“Totoo ba talaga ‘to?” tanong niya, mahinahon. “Tayo?”
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Here it is. The moment.
Kaya ko bang magsinungaling ulit?
Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niyang walang alam, pero punong-puno ng tiwala.
I opened my mouth...
And said:
“Oo. Tayo.”
BOOM. LIE COUNTER: +1,000,000.
Ngumiti siya.
At nagdasal.
Right then and there.
“Lord, salamat po sa girlfriend kong si Gel. Palakasin Niyo po ang puso niya, lalo na’t obvious pong sinusubok siya ng world.”
“Sinusubok talaga,” bulong ko, sabay inom ng kape.
As in, literal kong nilunok ang pride ko. And maybe… maybe a bit of hope na eventually, maaalala niya.
Or at least... ma-realize niyang kahit sa fake start namin, may real thing akong nararamdaman.
Pero ngayon?
Ako si Delilah sa kwento niyang Samson. Ako ang red dress sa puting rosaryo.
And he still prays after every seductive smile.
Tingnan natin, Aethan Monteclaro.
Let’s see how long you can resist the devil in heels.