Napatutop ng kamay sa kanyang bibig si Dax habang pinapanuod ang live footage sa ipinadala na link sa kanilang email ni Finnegan. Kitang kita niya sa buong video kung paano sunud sunod na pinaulanan ng mga missile at pinasabog ni Finnegan ang bawat sulok ng limang bansang sinakop ng mga EVOL virus survivor. Rinig pa niya ang nasasaktan at nagmamakaawang hiyawan ng mga citizen nito habang pilit na sinasalba ang kani-kanilang mga buhay. Ngunit para lang pumapatay at sumisira si Finnegan ng mga tirahan ng mga peste. Talagang pinulbos niya ang bawat sulok ng limang bansa na iyon at walang itinirang kahit isang buhay. Ngayon ay nagmukhang mga deserted land ang mga bansang iyon. Hindi ito makikitaan kahit anong katiting na d**o man lang. Nang matapos ang buong video ay agarang pinatay ito

