Walang umimik na niisa sa amin hanggang sa tuluyan na makabalik kami sa loob ng aming kwarto. Samantala, pakaladkad na dinala ng mga gwardiya palayo ang nakaposas na sina Devon at Flare. Kaya nag-aalala na nagbalik balik ako ng lakad habang kagat kagat ang kuko ng aking hinalalaki. Dahil sa oras na ito ay labis labis ang pag-alala ko sa dalawang binata. Wala akong ideya kung anong klaseng mga kaparusahan ang ibibigay sa kanila dahil dito. "Aba'y nahihilo kami sa iyo, Vana! Pwede ba maupo ka muna rito at mapirmi?!" taas kilay na suway naman sa akin ni Teddy at tinapik ang espasyo sa kanyang tabi. Ngunit kapag naupo ako ay hindi rin ako mapapanatag. Talagang natatakot ako para sa dalawang binata. Baka mamaya ay kung ano na ang ginawa ng mga tauhan ng facility sa kanila. Napatapal na lang

