Nang tuluyan mailabas si Doktor Mark sa kwartong iyon ay muling hinarap kami ni Dr. Cisco. Kita pa ang labis na galit niya sa ginawang pag-eksena ng hangal na doktor sa gitna ng kanyang pananalita. Halata na nagsisisi siya na isinama pa niya si Doktor Mark sa pagharap sa aming lahat. Muling malakas na tumikhim pa si Dr. Cisco para kuhanin ang atensyon naming lahat. "Katulad ng aking sinabi kanina ay nahaharap sa malaking problema ang bansa..." pagpapatuloy niya ng kanyang sinasabi, "Nais namin ang buong kooperasyon niyo sa bagong proyekto na ito." Marami muli na mga survivor ang naghayag ng kani-kanilang pagtutol. Kulang na kulang naman kasi talaga ang impormasyon na binigay niya sa amin. Gusto nila sumuong kami sa labanan na hindi man lang naiitindihan ang buong sitwasyon at wala man la

