Nagising na lang si Flare mula sa kanyang mahimbing na pagtulog nang may bumuhos na tubig sa kanyang mukha. Inaantok na inilibot muna niya ang tingin sa kanyang paligid hanggang sa malaman na lang niya na mahigpit na nakatali siya sa isang upuan habang kaharap si Doktor Mark na tila kanina pa nakamasid sa kanya. Ito ang isang pagmumukha na hindi gugustuhin ng sinuman na makita nila sa kanilang paggising. Hanggang sa natuon ang kanyang paningin sa mga kamay ng doktor dahil balot na balot pa rin ito ng makakapal na yelo. Doon ay nakumpirma niya na hindi pa rin ito nagtagumpay na tunawin ang mga yelong iyon. Sabagay, hindi normal ang abilidad na mayroon sila kaya malamang ay hindi rin normal ang mga yelo na nagmula sa mga ice-type. "Buti naman ay nagising ka na..." nakasimangot at naiinip

