Abot abot ang aking kaba nang sunduin muli kami sa aming kwarto para dalhin sa training room. Kahit ang mga kasamahan ko ay kita ang takot sa kanilang mga mukha. Hindi kasi kami nakagawa ng magandang plano para hindi ko makuha ang mga atensyon ng mga doktor na kasapi sa proyektong ito. "Paano na ito?" bulong ko pa sa aking sarili habang kagat kagat ang kuko sa aking hinlalaki. Habang palapit kami nang palapit sa kinaroroonan ng training room ay siyang palakas na palakas na pagtibok ng puso ko. Kulang na lang ay kumawala ang puso ko sa aking dibdib. "K-Kalma ka lang, Vana. Kakayanin mo ito na malampasan," pagpapakalma ko pa sa aking sarili Hanggang sa hindi nagtagal ay naramdaman ko na lang ang pwersahan na pagpapasok sa amin sa pintuan ng training room. Nang ilibot ko ang tingin tila k

