Pagkatapos ng ilang oras namin na pananatili ay napakagulo na ng loob ng training room. Ibang iba na ito sa dati nitong itsura. Kung titignan pa nga ay tila dinadaanan ito ng malakas na bagyo dahil sa ilang ulit na pagtama ng iba't ibang abilidad naming mga survivor. Halo halo ang hiwa ng hangin, baging at halaman na nagkalat, mga makakapal na yelo, putik dahil sa pagbasa ng tubig sa lupa, at siyempre kaunting pagkasunog. Isa itong hindi normal na tanawin na makikita sa labas. "One, two, three!" malakas na pagbilang ni Ace habang nakatuon muli ang atensyon sa kanyang mga kamay. Tanging sina Ace at Devon lang ngayon ang nanguna sa amin na magsanay ng abilidad. Si Ace dahil sa na-praktis na niya kanina ang abilidad niya sa yelo at si Devon naman dahil sa siya lang ang may tanging abilid

