Nagising ako nang makarinig ng mga ingay at kaluskos sa aking paligid. Dahil doon ay biglang napabangon ako sa higaan saka maalertong inilibot ang tingin sa aking paligod. Dahil sa takot na may mga tauhan ing facility na balak akong kuhanin para dalhin sa laboratoryo. Ngunit nang tignan ko ang pinagmumulan ng mga ingay iyon ay napag-alaman ko na mga kasamahan ko lang pala ang pinagmumulan 'nun. Mga nakabilog na nakaupo sila sa sahig at tila nagtataka na napalingon sa aking gawi. Unti unti naman na nagpakawala ako ng malalim na hininga nang malaman na ligtas pala ako at mali lang ang akala. "Oh Vana, gising ka na!" nakangiting pagbati sa akin ni Ace saka kumaway sa akin. Doon ay naisipan ko na ring bumangon at lumapit sa kanilang inuupuan. "Kanina pa ba kayo mga gising?" tanong ko sa

