Ilang araw na ang lumipas mula nang manirahan sina Cecil at Gil sa bagong komunidad na itinayo ng kanilang gobyerno. Aaminin niya na naging mapayapa ang kanilang buhay sa lugar na ito. Nawala ang takot nila sa kumakalat na virus at naibalik kahit papaano sa dating buhay ang kanilang pamumuhay. Nakabase kasi ang bagong komunidad sa dating sistema ng bansa kung saan hindi pa kumakalat ang virus. Dito ay malaya sila nakakalabas, nakakahalubilo, nakakapagtrabaho o ano pang mga nakagawian nilang gawain noon. Iyon nga lang kung dati ay dating mayor si Gil ng kanilang bayan ay naging isa siyang normal na empleyado rito. Hindi naman nagreklamo sina Cecil at Gil. Dahil ayon sa kanila ay isang hakbang na ito para makapagsimula silang muli. "Cecil, magandang umaga sa iyo," nakangiting pagbati sa

