Hindi mapalagay si rassy habang lulan siya ng elevator. Nakayuko lamang siya habang pinaglalaruan ang kanyang mga darili. Halos mapatalon siya sa gulat ng magsalita ang kanyang amo na si darius na nasa kanyang tabi.
" Miss. Deria after ng photoshoot bukas. Magkakaroon tayo ng dinner party." At ang gusto ko ikaw ang magaisikaso nito. May mga ibibigay ako sayo mamaya para sa detalya.!"
Walang prenong sabi nito sa kanya.
" Opo cge po sir kahit ako na lamang po ang kukuha sa inyo mamaya para hindi na po kayo magabalang pumunta po sa lugar ko.!"
Tumango lamang ito sa kanya kasabay ng pagtunog ng elevator hudyat na huminto na ito. Sabay na naglakad sila papunta kung saan sila manananghalian kasabay ng mga kapwa empleyado. Naiilang siyang kasabay ang kanyang among si darius kaya naman medjo binagalan niya ang kanyang paglalakad ng sa ganun ay mauna na ito sa kanya. Nagulat na napasigaw si rassy ng bilang may isang kamay na yumakap sa bewang niya mula sa kanyang likod. At ang isang kamay nito ay itinakip sa kanyang mga mata.
" Hello beautiful grabe naman sa outfit parang ikaw ata ang bagay bukas na mag modelo.!"
Sabi ng lalaki sabay bitaw ng dahan-dahan sa kanya.
" Ano ka ba naman athan! bakit ka ba nangugulat alam mo bang kamuntikan na akong himatayin sa ginawa mo.!"
Sigaw ni rassy sa kanyang kaibigan na si Mr. Reyes.
" hahaha sorry na ikaw naman kase hindi ko alam kung anong nayayari sayo knina at parang wala ka sa sariling isip. Tinatawagn kita hindi mo ko pinapansin kaya ginulat kita.!"
Natigilan siya sa sinabi nito't na paisip siya.
" Teka ganun na ba ako kapraning kanina para makaiwas kay Sir Darius at hindi ko na napapansin ang paligid ko " Ay wait kung ganun kalakas ang sigaw ko malamang "
Sa kinakabahang isipin napalingon siya sa gawi kung saan patungo kanina ang kanyang among si darius . At ng mapagtantong tama ang kanyang iniisip. Nanginig bigla ang kanyang tuhod at napakapit sa kaibigang si athan. AKA Mr. Reyes.
" Maygosh!" Teka hindi ba napansin nitong athan na to na kasama ko kanina si Mr. Rax.!" Lagot na naman ako nito.
Napapikit siya habang pinipigilan ang pangiginig ng kanyang katawan.
" Anong nangyayari dito. " Athan? kelan pa kayo naging ganun ka close sa isa't-isa para tawagin mu siya sa kanyang pangalan ." Ha Miss Deria.!"
May diing sa pangalan pa nitong tanong sa kanya.
" a"... e" .... e" Kase kuwan po sir ano po kase!"
" Excuse me. Mr. Rax wala naman problema sa akin kung tawagin ako Miss. Deria"Rassy" sa aking pangalan. In fact ako ang may gusto na iyon ang itawag niya sa akin.!"
Halos yakapin niya sa tuwa si athan na ito ang sumangot para sa kanya.
" And actually Mr. Rax mabait at magaling na katrabaho nitong si rassy kaya naman ang sabi ko sa kanya maging magkaibigan kami. Siguro naman walang kaso sayo yon.!"
Sunod pa nitong sabi kay darius.
" Rassy, mabait, kaibigan ," MAGALING"! Mr. Reyes. Wala akong pakealam kung anong meron sa inyo ni Miss Deria. Pero Wag niyong kalimutan na nasa trabaho kayo at napapalibutan ng empleyado ko.!" Ayoko lang na magiging tampulan kayo ng chismis. Dahil panigurado madadamay ang pangalan ng kompanya ko.!"
Yun lamang ang sinabi nito at tumalikod na muli sa knila pero bago pa man ito tuluyang maglakad. Lumingo pa ito sa gawi ni rassy at nginisian na para bang sinasabing umayos ka.
" Hoy natulala ka na diyan.!"
Sa inis sa kaibigan na nagawa pa siyang gulatin ulit na para bang walang nangyari. Pasimple niya itong kinurot at binulungan.!"
" Ikaw pag hindi ka umayos diyan. At napagalitan ulit ako bukas na bukas hindi na kita papansinin pa.!"
Pagkasabi niya dito ay tumalikod na siya para sundan kung saan dumaan ang kanyang among si darius. Nagmamadaling naglakad pasunod siya dito dahil sa pakiramdam na lalo siyang ginutom sa nangyari kaninna lang.
" Rassy!" Este Miss. Deria sabay na tayong kumain.!"
Tumatawa namang sumunod sa kanya si Mr. Reyes.
Nandito siya ngaun sa harapan ng kwarto ni darius. Huminga muna siya bago siya naglakas loob na kumatok sa pintuan nito. Kailangan niya kase makuha ang detalye para sa party bukas kaya naman kahit ayaw niya sana dahil takot siya na baka galit pa ito sa kanya. Pero wala naman siyang choice. Muli siyang kumatok sa pangalawang pagkakataon at dito na bumukas ang pintuan nito. Nagulat pa siya ng pagbukas ng pintuan e' nakatapis lamang ito. Mukang kakaligo lang nito dahil sa basang buhok. Napatalikod siya bigla dahil sa hiyang naramdaman dahil halos h***d na ito sa kanyang harap.
" Pumasok ka Miss. Deria at hintayin mo ko sa sala't magbibihis lang ako.
Yun lang at narinig niya ang paglakad nito papalayo sa kanya. Humarap siya ng dahan-dahan ng makasiguradong wala na ito sa harap niya. Huminga siya ng malamin at pumasok na't sinara niya ang pinto. Umikot ang kanyang paningin sa kabuuan ng unit ng kanyang among si darius. Hindi niya maiwasang mamangha sa nakikitang desenyo nito.
" mmmm grabe yung unit ko masasabi ko ng maganda talaga. Pero kung ikukumpara itong unit na sa unit ko hindi hamak na mas maganda ito.!" At grabe sa bango ng lugar na to. Parang naiiwan sa loob ang amoy ni Sir Darius.
Sa naisip namula bigla ang kanyang muka. Binatukan niya ang kanyan sarili. Dahil sa kng ano-anong pumapasok sa isip niya.
" Nababaliw kana talaga rassy.!" Kung ano-anong iniisip mo. Kulang kana ata sa tulog. Kailangan makuha mo na ang kailangan mo dito at matulog kana para mawala yang kabaliwan mo.!"
Napalingon siya sa pintuang pinasukan ng kanyang amo kanina ng bumukas ito.
" Sh""t bakit napakagwapo nito kahit sa simpleng soot nito.!"
SUNDAN..........