Ah" Miss. Deria sa susunod na linggo ay ipapakilala kita kay Mr. Reyes.!" Ikaw ang bahala sa lahat ng kailangan niya.!" At sa susunod na linggo din ay magkakaroon tayo ng photoshoot sa boracay ikaw din ang bahalang mag assist sa mga piling modelo.!" "Make sure" na hindi ka papalpak ah" dahil napakahalaga nitong project na to sa kompanya.!"
Mahabang lintanya sa kanya ni Drian. At sa bawat sinasabi nito ay isinaksak niya sa kanyang isipan.
" Opo sir ako na po ang bahala sa lahat!"
Buong loob na sagot ni rassy dito. At sisisiguraduhin niya na hindi siya papalpak. Baka sakaling ito ang maging daan para maging mabait na sa kanya ang amo na si Darius.
" Good!"
Hindi mapigilan ni rassy na mamangha sa ganda ng tanawin. Nandito na sila ngaun sa boracay ito na ang araw na hinihintay niya para makapagpakitang gilas sa kanyang amo na si Darius. Bago dumating ang araw na ito ay sinigurado niyang nasa maayos ang lahat. Magmula sa pinakamahalaga at sa pinakamaliit na detalye na kailangan sinigurado niyang nagawa niya. Mabuti na lamang at nakasundo niya si Mr. Reyes kaya hindi din siya nahirap bukod sa mabait ito. Ay gwapo din ito't may ipagmamalaki din kung sa laki ng katawan ang paguusapan. Naiingit nga sa kanya ang mga babaeng ka trabaho niya kase lagi daw nakasunod sa kanya si Mr. Reyes. Aba malamang siya lang naman kase ang kailangan nito para sa project na hawak nila. At sa ilang araw nilang laging magkasama naging magkaibigan na sila sa katunayan nga niyan pag sila lang dalawa nagtatawagan sila sa unang pangalan dahil ito naman ang gusto ng lalaki. Naalala niya pa ng una niya itong nkilala.
" Mr. Reyes this is Miss. Deria!" Siya ang bahala sayo lahat ng kailangan mo.!"
" And Miss. Deria" Ikaw na ang bahala kay" Mr. Reyes alam mo naman na ang dapat gawin hindi ba. So kayo ng bahala kung paano niyo magagawang maayos ang project na ito. At kung magkaron man ng problema sabihan mo lamang ako.!"
Pagpapakilala sa kanila ni darius. At kinuha naman ni Mr. Reyes ang kamay niya't hinalikan ito na kinagulat niya. Pakiramdam ni rassy sa mga oras na iyon ay matutunaw siya dahil sa dalawang pares nag matang nakatingin sa kanya. Kung nagagalit man ito oh natutuwa sa nasaksihan yun ang hindi niya alam dahil ganito naman talaga ang expression ng muka nito sa una palang.
" Miss. Deria nice to meet you. Hindi naman ako na inform na ganito pala kaganda at ka sexy ang makakasama ko sa ilang araw na pag stay ko dito sa pinas" Kung nalaman ko lamang sana ng maaga e'di sana humingi ako ng mas mahabang bakasyon.!"
Sabi nito't sinabayan pa ng mabilis na pag kindat sa kanya.
" a' kinagagalak ko din po kayo makilala sir.
Kinakabahan niyang sagot at unti-unting binawi ang kamay niya.
Naputol ang kanyang pagiisip ng may mabigat na bagay ang dumantay sa kanyang balikat. Paglingon niya sa mabigat na bagay na yon. Nakita niya si Mr. Reyes na umakbay pala sa kanya't binulugan siya.
" Rassy wag na kaya natin ituloy tong project na to. Parang ang sarap magliwaliw doon sa dagat oh" hahaha.!"
Tumatawa ito habang bumubulong sa akin na kinatawa ko din. Bahagya ko itong kinurot sa tagiliran at bumulong din dito na mas ikinatawa pa nito.
" Mahal ko ang trabaho ko athan. Kaya wag mo ko damay sa kalokohan mo kung ayaw mung lunurin kita hahaha!"
Sabay silang nagtawanan na parang sila lamang ang tao sa paligid. Hindi nila alam na may apat na pares na matang nakatingin sa kanila.
" Wow!" ang ganda naman ng kwartong ito. Mukang mapapasarap ang tulog ko nito mamayang gabi!."
Tumalon siya pahiga sa kanyang kama habang nakadipa ang kanyang dalawang kamay.
" Hay!" Siguro kung bakasyon lang ang pinunta ko dito sa boracay mas ma feel ko ang ganda ng lugar na ito."
Pinikit niya ang kanya mga mata. Para mas namnamin pa ang lambot ng kamang hinihigaan niya. Ilang sigundo din siya sa ganung ayos ng maisipan niya ng bumangon at maligo. Manananghalian na din kaya nakakaramdam na din siya ng gutom. Kaya naman nagmamadali na siyang maligo para makababa't makakain.
Highwaist maong short na kulay dark blue pang ibaba. Na pinarisan ng kulay puting crop top v-neck style blouse ang napili niya sootin. Ang kanyang mahabang buhok na lagpas sa kanyang pangupo ay pinili na lamang niyang nakalugay na mas lalong nagpaangat ng kanyang ganda. Napangiti siya ng matignan ang sarili sa salamin. Siyang-siya na nga itong muli. Ang sexy at magandang "Rassy Deria" na hinahangan nuon ng lahat. Nang makuntento sa sarili dinampot niya ang susi ng kanyang kawarto pati na din ang kanya maliit na bag na kasya lamang ang kanyang wallet at cellphone at lumabas na para bumababa at nagugutom na talaga siya.
Paglabas niya ng pintuan nagulat pa siya ng sabay na bumukas din ang pintong katapat ng pinto niya at iniluwa doon ang kanyang amo na si darius. Nakita niya na pinagmasdan siya nito mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang paa. At ng matapos siya nitong suyudin ay bumalik ang tingin nito sa kanyang muka. Naiilang siya sa klase ng tingin nito sa kanya hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganung eksena ng tumikhim ito.
" Sabihin mo sa akin Miss Deria. Gaano mo katagal balak tumitig lamang sa akin. Sa palagay ko nagugutom ka na din gaya ko." Pero gusto ko lamang sabihin sayo na hindi ako isang pagkain.
Sabi nito at tinalikuran na siya. Napapailing na napasunod siya dito papasok ng elevator. Alam niyang pulang pula ang kanyang muka sa pagkapahiya dahil sa sinabi nito sa kanya kanina.
" Ano bang nangyayari sayo rassy nakakhiya ka!" baka kung ano isipin sayo ng lalaking yan sayo.
Bulong niya sa sarili at sumakay na din siya ng elevator kasama nito.
SUNDAN.......