Isang beses pang muling tinignan ni rassy ang sarili sa salamin. Suot ang isang kulay asul na dress na may habang lumagpas lamang ng konti sa kayang hita. At sa pagkakayari nitong disensyo makikita mula sa dito kung gaano umaangat ang hubog ng katawan ni rassy. Hindi naman sa pagmamayabang kung may mga nilalang man sa mundong ito ang biniyayaan ng perpektong hubog ng katawan. Masasabing isa sa si rassy sa pinagpala mula sa malaki nitong dibdib pababa sa maliit nitong bewang sabay sa malaking balakang at malaking pangupo. Talaga namang masasabi na perpekto ang katawan nito.
Mula sa pagtitig sa kanyang sarili lumipat naman ang tingin ni rassy sa kanyang muka. Napatawa pa siya ng maalala ang dalawang bakla kahapon na manghang-mangha sa muka niya. Sabi pa nga ng mga ito sa pagkakatanda niya pang hollywood nga daw ang gandang meron siya. Na sadya namang totoo mula sa buhok na pinahaba niya hanggang ilalim ng pangupo na pinaayos niya pa kahapon para mas lumabas ang ganda nito. Sa kilay niyang akala mo ay sadyang hinulma sa perpekto nitong ayos na mas lumutang pa dahil nga sa pinakelaman din itong ayusin ni sese kahapon. Sa mga matang may pagkachinita at mahahaba't makakapala na pilik mata. Sa ilong na perpektong hinulma pati na rin sa kanyang natural at mapulang labi. Dagdag pa ang makinis at mamulamula niya ring balat. Talaga namang masasabing lubos siyang pinagpala.
Nang makuntento lumbas na din si rassy sa kanyang condo para pumasok.
" maam rassy?"
" Opo kuya king si rassy po ito!"
" Naku maam!" sabi ko na nga ba maam sa likod ng makapal mong salamin at malamanang na damit. Meron kang gandang itinatago. Grabe!" maam akala ko isang diwata ang nakita ko kanina nung papalapit ka.
Natatawa si rassy habang pinakikinggan ang papuri sa kanya ng kanilang guard na si kuya king.
" Grabe ka naman kuya king. Baka naman maniwala na po ako niya. " o sya papasok na po ako ah baka malate ako mapagalitan ako ng ating amo." Bye kuya king!"
Natatawang paalam niya dito. Nakarating si rassy sa kanyang opisina ng hindi nawawala ang ngiti sa labi. Paano ba naman lahat ng kanyang nakasalubong. Ay hindi siya nakilala. Meron pa nga sa mga ito na natulala pa sa kanya. Nakakatuwa lang na maramdaman niya ulit ang ganito ilang taon na ang nakakalipas. Simula nang namuhay siya manang ika nga ni kuya king.
Busy sa pagtipa si rassy sa kanyang laptop nang marinig niya ang pagbati ng mga katrabaho sa bagong dating na amo. Nang marinig niya ito tumayo siya at hinintay ang pagapasok nito mula sa pinto. Medyo nakaramdam pa siya ng kaba dahil sa ilang araw ng kanyang pag absent. Pakiramdam niya e magsisimula na naman siya sa umpisa kung kelan niya unang nakilala ito.
Nang bumukas ang pintuan
" Good morning Sir Darius!"
Halos nauutal niyang pagbati dito habang sinabayan niya pa ito ng pagyuko. Nagtaka pa siya na parang hindi ito gumalaw at parang nakatayo lamang ito sa pintuan. Nagulat pa siya at napatingin sa pintuan ng marinig niya ang isa pang pamilyar na boses.
" Anong problema kuya at hindi ka pa pumasok!" kung ayaw mo pumasok umalis ka diyan at padaanin ako marami pa akong trabaho!" kaya please ou-'...
Hindi nito natapos ang sasabihin ng mapatingin ito sa gawi ko. Sa pagkabigla nakabawi naman agad si rassy.
" Good morning din po sayo Sir Drian!"
Nakangiti niyang bati sa isa pa niyang amo na kasabay pala ng kapatid nito. Sa hindi malamang dahilan kung bakit ang weird ng mga taong kaharap. Tumikhim siya na naging dahilan para magulat ang mga ito at deretso ng pumasok sa pinto at dahan-dahan sinira ito.
" ehemm ah sir may problema po ba may nagawa po ba akong mali na hindi ko alam.
Kinakabahan niyang tanong sa dalawang lalaking kaharap niya ngaun.
" Ha!" Wala bakit yun naman ang naisip mo. Miss Deria hindi lamang kami makapaniwala na ganito kaganda at ka sexy ang maabutan namin ngaun dito sa opisina. " Well alam ko namang maganda ka talaga kahit sa simpleng ayos mo lang nung una kitang nakita. Pero hindi ko lang akalain na sobra pa sa expectation ang makikita ko ngaun sayo" Right kuya.!"
Nahihiyang napayuko si rassy habang pinupuri siya ng kanyang amo. Sa hiyang nararamdaman ngaun alam niya sobrang namumula na ang kanyang muka. Pero biglang nawala ang hiyang yun ng walang ganang nag salita ang boss niya si darius.
" Gawan mo kami ngaun na ng kape Miss Deria. At siguraduhin mo lang na hindi iiral ang katangahan mo na naman. Dahil hindi kana makakaulit na uuwi at magpapahinga sa condo mo sayang ang binabayad ng kompanya sayo." Naiintindihan mo ba!"
" a' opo sir naiintindihan ko po.!"
At mabilis na siyang tumalikod para makaalis sa harap ng amo. Dahil kung hindi pa siya aalis pakiramdam niya sa anomang oras bibigay ang tuhod niya dahil sa sobrang kaba.
" Ito na naman ang simula ng kalbaryo ko sa araw -araw na pagpasok ko ng trabaho." Hay!!! iisa lamang ang hulma ng muka at katawan ng magkapatid na RAX . Pero kung anong bait at palangiti nitong si Sir Drian. Kabaliktaran naman ng ugaling laging nakasigaw at simangot itong si Sir Darius.
Bulong niya sa sarili.
" Teka ano yung sinabi kanina ni Sir Drian. Kung tama ang pagkakaintindi magtatrabaho na din siya dito.?
SUNDAN........