Linggo' pagtapos ng simba. Naisipang kumain muna ni rassy. Sunod ay namili siya ng mga kailangan niya sa pangaraw-araw. Katulad ng pagkain, at kung ano-ano pa. Tuwing linggo ganito ang palagi niyang ginagawa kahit magisang naninirahan sa kanyang condo si rassy. Nakasanayan niya ng ipagluto ang kanyang sarili. Sinisigurado niya kahit gaano pa siya ka busy at kapagod sa trabaho hindi niya pinababayaan ang kanyang pagkain. Araw-araw ay sinisigurado niyang masustansya pa rin ang kanyang kinakain. Pero syempre minsan pagbiglaan siyang nagutom at nasa labas siya doon lamang siya nagkakaroon ng pagkakataong kumain ng hindi lutong bahay na siya mismo ang nagluluto.
" Mukang wala naman na ata akong nakalimutan. Lahat na ata ng kailangan ay nabili ko na. Siguro ay uuwi na ako para maiayos ko na din lahat ng pinamili ko. At makapaglaba na din mamaya't may pasok na naman pala ako bukas.
Habang naglalakad tulak ang pushcart. Napahinto si rassy ng matapat siya sa isang eye clinic.
" Sa monday ayoko ng nakikitang suot mo yang salamin na yan. Sagabal sa trabaho yan.!
Parang sirang plakang paulit-ulit sa isip niya ang sinabing iyon sa kanya ng kanyang mayabang na amo. Naalala niya pa nung araw na halos kainin na siya ng lupa sa kahihiyang hindi naman siya ang may gawa. Nagpapasalamat pa din siya dahil may puso pa din kahit papano ang amo niya't pinauwi siya nito para makapagpalit ng damit at para na rin daw makapag pahinga.
" Okay kahit hindi ko alam kung ano ang issue mo sa salamin ko mr. DARIUS RAX. Para matigil ka na lamang cge gagawin ko ag gusto mo.
Muling naglakad si rassy. Balak niyang ilagay lahat ng kanyang pinamili sa sasakyan bago muli siya babalik dito at gawin ang palagay niyang makakapagpapatahimik sa mayabang niyang boss.
Hinihintay na lamang ni rassy na matapos ang pinagawang contact lens Rush na ang ginawa niya dito ng sa ganun e makuha na din agad. Yun nga lang may dagdag itong bayad
" Ma'am ito na po. Isukat niyo na din po para makita natin kung magiging koprtable kayo."
Kinuha niya ito't sinimulang ilapat sa kanyang mata.
" Okay naman na miss." Medjo naninibago lamang siguro ako pero makakasanayan ko din naman sa pagtagal.
Nakangiti niyang sabi sa babaeng nag assist sa kanya. At nagpaalam na din dito
" may point naman pala. Sa palagay ko mas nagugustuhan ko ng masuot ng contact lens. Pakiramdam ko ang gaan sa pakiramdam."
" VERONICA BEAUTY SALON "
Basa niya sa may kalakasang boses.
" Cge nga total andito na ako todo ko na to!"
" HELLO MA'AM GOODAFTERNOON!"
" Ano po ipapagawa!"
" Good afternoon a' e' pwede bang ikaw na ang bahala kung ano sa palagay mo ang babagay sa akin. Pero basta wag mo lang gugupitan ng maiksi ang buhok ko ah.
May pagaalalang sabi ni rassy sa baklang kaharap niya ngaun.
" Naku ma'am yung ganyang kagandang muka hindi mahirap pag-isipan. Lahat ay tiyak na babagay. Tara po dito kayo maupo!"
Nakangiting sagot naman nito sa kanya.
Limang oras din ang tinagal bago natapos ang kung ano-anong ginawa sa kanya. Mabuti na lamang ay nag enjoy siya walang katapusang kwento ni ruby at sese sa kanya. Baka kung hindi ay kanina pa siya umalis at umuwi na lamang. Pati kase footspa,Pedi,Medi ay ginawa sa kanya. Pati na rin ang kilay niya pinakelaman ng mga ito.
" Ohmaygad!!!! Bakit ang unfair ng mundo. Napaganda mo ma'am. Parang pang Hollywood ang ganda mo.!"
Tili ng dalawang baklang nagayos sa kanya.
" True sis ang kulang na lang dito kay maam magsuot ng sexy damit ay grabe ewan ko na lamang talaga kung hindi to pagkaguluhan sa boylet.!!!"
Sa naguguluhang expression ng muka. Humarap si rassy sa salamin at doon nga niya napagtantong lumutang muli ang gandang matagal niyang tinago sa mahabang panahon.
" I miss you. RASSY DERIA.!"
Tapos niya ng ayusin lahat ng pinamili niya. Nakapaglinis at nakapaligo na din siya ngaun ang mga damit naman na pina laundry niya ang aayusin nya. Nang matapos at maisalansan nya na ang mga ito sa damitan. Naisip niya ilabas ang kinatagotago niyang maleta. At binuksan niya ito.
" Matagal ng panahon ng magamit ko ang mga ito" Simula ng pinili kong magpakasubsob sa trabaho para sa mga pangarap ko. Pinili kong magpakamanang. At makuntento kung ano lang ang maging ayos sa sarili ko. Pero dahil sa lintik ng mayabang kong amo. Nagkaroon tuloy ng tulay para maibalik ko ang dating ako.!"
Napapailing si rassy habang kinakausap ang sarili. At natagpuan na lamang niya na inayos ang lahat ng gamit na matagal niya ng itinago at binalik sa mga dating kinalalagyan ng mga ito.
SUNDAN.........