Nakapasok na sa pintuan ang kanyang boss pero Ito pa rin sya't Hindi makagalaw.
Coffee"!
Halos mapatalon siya nang akalang dumertso na ang kanyang boss sa opisina nito. Kaya ganun na lamang ang pagkagulat niya ng muling bumukas ang pintuang pinasukan nito at pasigaw na kinuha ang atensyon niyang hindi nya din alam kung saan na nga ba pumunta.
ahhhh ehhh opo sir"!!
F***k stupid"!
Halos takbuhin nya ang pantry para lamang makapagtimpla nang kapeng inuutos nang sobrang sungit na amo.
My gosh wala pang sampong minuto ko nakaharap yung lalaking yon. Pero halos himatayin na ako sa sobrang kaba. Mukang may problema pa ata yon bago pumasok pero kung ganun nga. Bakit kailangan dalhin sa dito sa opisina tapos dito magsususngit.
Bulong niya sa kanyang sarili. Habang naglalakad papunta kung saan ang mismong opisina nito. At muli pa siyang humugot ng malalim na paghinga at naghanda ng isang matamis na ngiti't kumatok sa pintuan nito.
Nang walang sumagot dahan-dahan niyang pinihit ang pinto at nakita niyang abala itong nakatitig sa monitor na nasa harap nito at mukang may binabasa mula roon. Kaya naman bago pa siya magmukang tangang nakangiting magisa e. Inaalis na din niya yung ngiting inihanda nya sana para dito. At lumapit sa lamesa nito't inilapag ang kapeng hiningi nito sa kanya.
e" ehemm" ah sir ito na po ang coffee nyo.!
Sabi niya rito at hinintay ang reaksyon nito kung may uutos pa ba ito sa kanya. Nang mabigo siyang makatanggap ng salita mula dito. Nagpasya siya na siya na mismo ang unang mag offer ng pwede nitong iutos sa kanya.
Ah' eh' Sir Darius.... may mga report na po akong naihanda para po sa inyo alin po ba ang nais nyong unang dalhin ko dito para po maba-'....
Out"!
Walang kasing tigas at lamig na boses nitong pagpapalayas sa kanya.Agad siya tumalikod at dali-daling lumabas at halos madapa pa siya sa kagustuhang marating ang pintuan ng opisina nito. At nang sa wakas ay makakalabas na sana siya at bigla ulit itong nagsalita.
" Miss Deria. Next time antayin mo ako ang magutos or humingi sayo ng mga dapat kong malaman. Wag kang magmamagaling naiintindihan mo ba?!
Mariin siyang napapikit dahil sa galit na namumuo sa dibdib niya. Na anumang oras e maaring sumabog at mapatulan niya ang mayabang na lalaking ito. Kaya bago siya humarap dito at sagutin ang sinabi nito naghanda muna siya ng isang matamis na ngiti at sumagot dito.
" Opo sir makakaasa po kayo"!
At muling tumalikod at lalabas na sana ng muli na naman itong nagsalita.
" Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mag suot ng mga babae ng ganyang kalaking salamin sa mata. Kung malabo man ang mata madami namang paraan. Like contact lens. Magiging sagabal lang yan sa trabaho.
Nagulat man siya sa sinabi nito na hindi niya maintindihan kung anong pinaglalaban nito sa mga babaeng naka salamin ng malaki gaya niya. Na parang gusto niya pa sanang sumagot mas pinili na lamang ni rassy na lumabas sa opisina nito at doon nilabas ang inis na knina nya pa pinipigilan.
Napakayabang akala mo kung sino. Palibhasa gwapo"!! Pwes gwapo ka lang pero hindi kita type"!!! At anong problema sa salamin ko. Inggit lang ata ih. E di sana gumaya na lang hindi yong kung ano-ano pang nalalaman buwiset."!!! Nakakainis!
Bulong niya sa isip niya habang sinisipa niya ang lamesang nasa harapan niya. Para maibsan yung inis na nararamdaman niya. Pero hindi niya alam nakikita at napapanuod siya ng boss niya mula sa loob ng opisina nito. Dahil na din sa sekretong cctv. Na sila lang mismong pamilya ang nakakaalam.
Baliw na babae tsk! tsk!