CHAPTER 1;

704 Words
CHAPTER 1; Sinag ng araw galing sa bintana ang gumising sa himbing na tulog ng rassy. "Goodmorning sunshine" Umiinat niyang bulong sa kanyang sarili. Habang may nakapaskil na ngiti sa kanyang natural at mapupulang labi. Na bigla din nawala nang biglang may naalala. " OMAYGAD! Napasigaw niya at dali-daling nilingon ang orasan na nakapatong sa lamesang kadikit ng kanya higaan. Habang nakahawak sa kanyang dibdib. Nakahinga sya ng maluwag ng makita mula rito na maaga pa pala. " Haaayyy salamat! Ngaung araw nga pala ang alis nila sir Darin Rax at maam Yhanna Rax papuntang america at doon na mga ito mamalagi. At ito na din nga pala ang araw na pagdating ng panganay na anak ng mga rax. Upang pumalit sa pwestong maiiwan ng ama nitong si Darin Rax. Ngaun pa lamang kinakabahan na sya. Lalo't usap-usapan sa kanilang opisina kung gaano daw kaistrikto at sungit ang panganay na anak ng mga rax " Haaaay bahala na...... Napa buntong-hininga nya. Habang iniisip ang nalalapit na pag-alis ng kanyang naka-sanayang boss. At ng bagong magiging boss simula mamaya. Tumayo na sya't dumeretso na sa kanyang banyo upang maligo. 8:00am. Saktong alis ni rassy upang pumasok ng trabaho. Pagkatapos damputin ang kanyang bag at malaking salamin sa mata't isinuot ito. Ay napatitig pa sya sa kanyang muka na halos matakpan sa laki nito. Nang makuntento kinuha nya na ang susi na nakapatong sa kanyang lamesa at lumabas na ng kanyang condo. Habang naglalakad si rassy sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang sasakayan muling lumalim ang kanyang pagiisip. Four years ganun na pala ako katagal ng tatrabaho sa (D&R Company) At sa apat na taong pagtatrabaho ko doon bilang sekretarya ni sir Darin. Marami na din naman ako napatunayan sa aking sarili. At natutuwa ako dahil marami na din ako.na invest. " Kagaya na lamang ng sasakyan kong ito! Sabi nya sa kanyang sarili habang binubukasan ang pinto ng kanyang sasakyan at paandarin na ito. " GOOD MORNING MAAM RASSY! " GOOD MORNING KUYA KING! Balik bati ni rassy kay kuya guard na may tamis na ngiti sa kanyang labi. At deretsong sumakay na sya sa elevator. Habang hinihintay huminto ang elevator sa palapag na pinindo nya. Napangiti sya't na isip na apat na taon na ganito ang araw-araw ang ganap sa buhay niya. Boring sa iba pero sa kanya kontento na sya dahil ito naman ang gusto nya. Tahimik na buhay mag-isa. " GOOD MORNING! Balik bati ni rassy sa lahat ng nakakasalubong niya. Saktong bubuksan na lamang sana ni rassy ang pintuan ng kanyang opisina. Balak pa niya sanang umpisahan ng maaga ang kanyang trabaho. Dahil hindi nya alam kung ano ang ipaguutos ng kanyang bagong boss. Kaya gusto niya na buong isip nya ay tutok lang ngaung araw sa mga ipapagawa nito sa kanya. Pero hindi nya ata ito magagawa dahil sa maaga din pala itong pumasok ngaun. " GOOD MORNING SIR DARIUS! Napalingon sya ng marinig ang boses ni daisy na nasa gilid nya. MATANGKAD! MAKISIG! GWAPO! Hindi sya basta gwapo lang! As in sobrang "GWAPO! Tao ba ito bakit ganito ka perfect! Sigaw ni rassy sa kanyang isip. Napasinghap pa siya ng lumingon ito sa kanya. At makita ang asul na mga mata nito. Hindi nya alam kung gaano katagal siyang nakatingin dito. Nang matauhan siya ng kinalabit sya ni daisy. " Ah... e... " GOOD MORNING SIR! Napalakas pa ata niyang pagbati sa bagong dating na boss. At halos mabilaukan pa sya sa sarili niyang laway dahil sa pagkakabulol niya.Ano bang nangyayari sayo RASSY. Nakakahiya ka baka kung ano isipin nitong lalaking nasa harapan mo ngaun. Napapikit niyang bulong sa isip at muling napatingin sa nakahintong lalaki sa harap niya. " Papasok ka ba miss Deria. Oh tatanga ka lamang diyan! Nanlamig siya nang magsalita ito. Habang matalim na nakatingin sa kamay niya. Na hindi pa pala niya naiaalis sa hawakang pintuan ng opisina nila ng kanyang amo. At bigla siya napabitaw dito. Oo nga pala bakit ba niya nakalimutan na ang opisina niya din ang daanan papunta sa opisina ng kanyang amo. Sinadyang ipinagawa ito nang mga rax dahil ayaw ng mga ito na kapag tinatawag ang sekretarya nila. At hindi agad nakakarating ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD