RC-20

1412 Words

  20. At Zcia's home. "Tita! Si Zcia po?" tanong ko agad. "Nasa kwarto. Gisingin mo na nga at tinanghali na naman." 10:00 na nga tulog pa. "Baka nakalock yung pinto tita." "Hindi yon." Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakadapa si Zcia. "Gumising ka na daw. Hoy." Yugyog ko sa kanya. "Wala ka nang itutulog mamaya!" Umayos naman siya ng higa. Yakap-yakap ang unan pero hindi pa din nagmumulat. "Bakit ka ba nandito?" "Wala. Gusto ko lang gumala. Tara. Gala tayo." Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Hindi ka na nga umuwi sa bahay mo kagabi. Gagala ka. Let me guess. Wala kang mapagkwentuhan ng home date niyo ni Vivian?" I smiled. "Paano mo alam? Ha ha! Grabe. Katabi ko siya matulog. Hindi nga ako nakatulog oh." Turo ko sa mga mata ko. "Eyabags ko anglaki." Tinalikuran niya ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD