16 Party! "Ayos hype ah. Parang in memory of lang yung tarp ninyo. Ha ha ha!" Homecoming ni Fretzie pero isinabay na din ang birthday ni Mhisty. Ah ewan sa mga to! Basta kainan! At may mga nasisipat akong chikas! Hehe tropa ni Fretzie na nararadar ko din. "Fretzie, anong pangalan nung nasa 2:00? Nakablack?" "Yna."sagot niya."Naku. Huwag ka nang aaligid diyan at pulis ang jowa niyan. Isang bala ka lang." Ha ha Takot! Inatupag ko nga ang pagmimix ng drinks. Papakitang gilas ako dito. "Sanay na sanay ah." Si tita Elva yan. Mama ni Fretzie. "Bakit umalis na yung girlfriend mo?" "Naku! Hindi ko pa siya girlfriend tita. Pinagreport ng boss e. Ayoko namang mamiss tong party. Ya know daming chics." Nailing si Tita pagkabigat ko ng drinks niya. "Sana naman sa susunod na party e may girlf

