RC 6 Hinintay ko siya sa sala. Nakakahiya daw kasi ang kwarto niya. Hindi pa daw niya nalilinisan at para na itong bodega. “Pasensya ka na ha? Dito ka na lang matulog.” Yakap-yakap niya ang unan, kumot at banig habang pababa ng hagdan. She looks so wife material with her floral daster. Simple pinay beauty. “Pasensya na talaga.”hingi uit niya ng tawad pagkalapag ng mga ito sa mahabang upuan. ”gusto mo ng kape bago matulog?” Ala-una na pagkakapehin pa niya ako? Gusto yata niya akong gawing guard talaga e. “Hindi na. Baka hindi ako makatulog.” “Sige. Ipagluluto na lang kita bukas ng breakfast.” “Ok.”tipid kong tugon. Ako na ang naglatag ng banig. Mukhang antok na antok na rin k

