Chapter 6 Our Love Story

3587 Words
Our Love Story I feel cold. Masyadong malakas ang aircon. I moved a bit pero nakapatong ang kaniyang kamay sa akin. Nakatagilid ako at ganoon din siya habang yakap ako. “Mmm--- hon maaga pa.” ang sabi niya ng maramdaman niya akong gumalaw. Dinahan-dahan ko kasi ang pag-angat sa kaniyang kamay papalayo sa akin. Muli niya ako ikinulong sa mga braso niya. Ayaw ako lumayo sa kaniya. Ang lamig ng katawan niya. Lalo tuloy ako natutulak na kumalas sa kaniya. “Hon? Ang lamig-lamig mo kasi.” Ang sabi ko sa kaniya. Hindi ko kayang tagalan ang lamig ng balat niya. “Stay there, hon. Gusto ko ang init ng katawan mo. Ang sarap matulog na yakap ka.” Ang sabi niya. Halatang antok pa ang boses niya. Naninindig ang balahibo ko sa bawat pagdikit ng balat niya sa balat ko. Ano ba naman ito parang nababalot ako sa yelo. Paano ako makakatulog? Huminga ako ng malalim. Hinablot ko na lang ang kumot at itinaas hanggang balikat ko upang mabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Ilang sandal pa ay narinig ko na naghihilik na siya. Ang bilis niya matulog. Samantalang ako hindi na dinadalaw ng antok. Dilat na dilat na ang mga mata ko. Kung kaya naman ay yumakap na lang din ako sa kaniya sa pagbabasakali na humupa ang lamig sa kaniyang katawan dala ng mainit ko’ng temperatura. Ilang sandali pa ay nakasisiguro na ako na mahimbing na nga ang tulog niya. Kung kaya ay iniangat ko ng dahan-dahan ang braso niya at bumangon. Wala nga pala ako’ng saplot. Hindi ko na nagawa pang magsuot dahil tuluyan na bumagsak kami pareho sa pagod. Inabot ko ang robe ko na nasa upuan sa tabi ng bed namin. Isinuot ko iyon upang matakpan ang katawan ko. Nakakaramdam ako ng pananakit sa balakang ko. Kaya naman ay naupo ako at kinuha ang remote ng aircon at ibinaba ang temperature nito. Napansin ko ang phone niya na nag-ilaw matapos ko mailapag ang remote control. Sinilip ko kung ano ang meron. Nagflash sa screen niya ang reminder. Binasa ko iyon. [Book airline ticket] Napangiti ako dahil baka ito na ang tungkol sa plano namin magtravel together. Sumandal ako sa upuan at pinagmasdan siyang mahimbing ang tulog. Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga panahon na magkalayo kaming dalawa sa isa’t-isa. Hindi biro ang apat na taon na kami ay naging magkarelasyon. Ako ay nasa dubai at siya naman ay nasa karagatan. Pareho kaming may mga goals na nais maabot kung kaya ay tiniis naming pareho ang distansiya kahit nasasabik sa isa’t-isa. I remember kung paano kami unang nagkita muli matapos ang mahabang panahon na kami ay nawalay sa isa’t-isa. It was summer dito sa Pinas. Pauwi ako from Dubai para magbakasyon ng fifteen days. Oo fifteen days talaga. Iyan lang ang allowed sa akin na bakasyon. Mahaba na iyan kumpara sa ilang mga kasama ko na ten days lang ang ibinibigay na panahon para magbakasyon. Hindi ako pwede magtagal dahil longer vacation days means more expenses to expect. Nasa airport ako, kakarating ko lang ng Pilipinas. Ang daming tao sa paligid. Kagaya ko na sabik makauwi sa pamilya. Kaniya-kaniya ng reaksiyon. May nakangiti sa sabik na nakauwi. May mukhang pagod dahil siguro sa haba ng biyahe. Ang iba ay isang pamilya na magkakasama. Ang iba naman ay magkasintahan o mag-asawa. Mayroon naman na mag-isa lang, kagaya ko na mag-isa lang bumiyahe. Habang naglalakad ako palabas ng airport ay may umagaw ng atensiyon ko. Lalaking matangkad. Maputi at nakasuot ng itim na shades. He wears a shirt na dark green at black jacket. Maybe nag-shine lalo ang balat niya dahil sa kulay ng suot niya. Hindi ko maintindihan kung bakit sa puntong magkakalapit na kami habang nagtutulak ng carts namin ay bigla ako napahinto sa kaniyang harapan. Parang may kakaiba sa pintig ng puso ko. Ang mga mata ko ay nakapako lang sa itsura niya. He was close to me. I can smell his perfume. Hindi ko makalilimutan ang unang araw na iyon na kami ay nagkita. Ang pakiramdam ko nahumaling ako sa bango niya. Pero hindi pala iyon. Ngumiti siya sa akin. Ngiting nagpapirme sa akin sa kinatatayuan ko. He stepped closer at binitawan niya ang push cart na may laman ng kaniyang bagahe. “Lesley?” ang bungad niya. Ako naman na walang kaalam-alam kung sino siya ay napaawang ang bibig. Nanlaki ang mga mata at naramdaman ko na nag-init ang aking pisngi. Napakaweird ng feeling na iyon. Ngunit unti-unti ay kumunot ang aking noo. Nagtataka na ako kung bakit ako kilala nito. “Lesley!” ang siguradong sabi niya. “Kilala mo ako?” ang tanong ko sa kaniya. Tumango siya na may sigla. Nakangiti pa din siya sa akin. Inangat niya ang kamay niya at tinanggal nito ang suot niyang shades. Now he looks familiar. Klaro na ang lahat ng detalye ng itsura niya. Kilala ko siya pero hindi ako sure kung siya nga. Ang lapad ng dibdib na halatang nagkaroon na ng muscles. Ang braso naman ay halatang matitigas. Paano ko alam? Sa first class Fitness Gym ako nagtatrabaho kaya kabisado ko ang mga hubog ng katawan ng mga lalaki. “Hi! Sino ka ba?” ang unang tanong ko sa kaniya. “Hindi mo na baa ko natatandaan?” ang tanong niya. Umiling ako. Kunot-noo akong umiling bilang sagot sa tanong niya. “Sir---? Kung pwede mo magpakilala ka?” ang hiling ko sa kaniya. Inabot niya ang kamay niya sa akin. “Jeff Montemayor!” ang pagpapakilala niya. Napatakip ako ng bibig. Nanlaki ang mga mata at unti-unti ay lumiwanag ang aking mukha. Hindi ko mapigil ang mga ngiti na kumurba sa aking mga labi. Gusto ko tumili. Pero nakakahiya na para sa isang 25 years old na babaeng tulad ko. Kinagat ko ang labing natatakpan ng aking mga kamay. “Jeff? As in ikaw?” ang sabi ko sa kaniya. Hindi ko na nahawakan ang kamay niya dahil naexcite ako ng todo. Napalundag ako at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang na miss ko siya. Siya ang kalaro ko noong elementary. Siya ang ultimate crush ko. Pinagpapala akong talaga dahil sa tinagal-tagal na wala na kaming komunikasyon ay muli kami nagkitang dalawa. Yumakap din siya sa akin. Pero ramdam ko ang pagtapik ng kamay niya sa likod ko. Ngayon ko lang naalala ang ginagawa ko ay nakakahiya. Kumalas ako at ngumiti. “Saan ka papunta?” tiningnan niya ang bagahe ko. “Pauwi na ako. Bakasyon lang.” ang sabi ko sa kaniya. “Eh ikaw? Kamusta ka ba? Ang laki mo.” Ang sabi ko sa kaniya. “Kahit kailan talaga may kati ang dila mo.” Ang sabi niya. Madalas ko kasi siya matukso dati. Kaya siguro nasabi niya sa akin iyon. “Ayos lang ako. Pabalik na ako ng barko.” Ang sabi naman niya. “Ah---- flight mop ala ngayon?” ang tanong ko. Bigla naman ako nakaramdam ng lungkot dahil ako ay pauwi sa pamilya ko at siya naman ay palabas ng bansa. “Ganoon ba?” ang sabi ko. “Oo. Hinatid nga ako nila mama at ate. Baka maabutan mo pa sila kapag lumabas ka.” Ang sabi niya. “Talaga?” ang saya ko ng marinig ko iyon. Namimiss ko na din si Tita. Napamahal na din sa akin ang mama niya dahil alaga ako nito dati. “May email address ka? Bigyan mo naman ako.” Ang sabi niya. Tumango ako. “Pahingi ako.” Dagdag pa niya. “Sandali kuhanin ko muna ang phone ko sa bag.” Ang sabi ko sa kaniya. Kinuha ko iyon at binuksan para ibigay ang saktong detalye. Binigay ko sa kaniya upang makopya niya dahil dumukot din siya ng kaniyang cellphone. Kinuha naman niya iyon at kinopya. Bakas sa mukha niya ang tuwa. Ibinalik niya sa akin ang phone ko. Nakangiti pa din siya na nakatitig sa akin. “I message kita pagsampa ko ha. Send ko diyan ang account ko sa Friendster. I add moa ko. Okay?” ang sabi niya sa akin. Tumango lang din naman ako dahil syempre kailangan. Matapos ang usapang iyon ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Umuwi ako sa amin at siya naman ay sumampa ng barko. Doon nagsimula ang komunikasyon naming na nagtagal ng halos isang taon. Nasa Dubai ako at siya naman ay pabalik-balik ng barko. Naitawid naming ng isang taon ang pagkakaibigan. Hanggang sa dumating ang araw na humiling siya na kapag umuwi ako ng Pilipinas ay sabihin ko kung kailan. Nais niya na magkasama kami na uuwi. Itutuon ko daw ang bakasyon ko sa buwan na siya ay bababa ng barko. Natuwa naman ako dahil nais niya na magkasama kami. May halong kilig na sa panahon na iyon. Pero hindi pa naman siya nanliligaw. Tamang nag-uusap lang kami. Alam ko na hindi normal na araw-araw kami magkausap. Pero masaya lang palagi ang usapan namin. Wala siyang girlfriend at wala din akong boyfriend kung kaya ayos lang na igugol ko ang oras ko sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Noong dumating ang araw na uuwi na kami pareho ay hindi ko maitago ang sabik na aking naramdaman. Parang hinahalukay ang sistema ko na hindi ko din maintindihan. Ang alam ko sabik na sabik ako na magkita kaming muli. Nang pareho na kaming nasa Pinas ay naimbitahan niya ako na bumisita sa bahay nila. Nakasalo ko muli ang pamilya niya sa pagkain katulad ng dati. Masaya ang araw na iyon na unang pagtapak ko sa kanilang bahay. Masaya ang kwentuhan naming kasama ang mga magulang niya. Noong panahon na iyon ko lang din nakilala ang papa niya dahil wala ito sa piling nila noong maliliit pa kami. Sa Maynila na kasi siya nagtatrabaho noon. Matapos ako muling nakita ng pamilya niya ay niyaya na niya ako mag date. Oo iyong date na nanood ng sine, kumain at gumala kung saan-saan. Napakaromantiko pala niya. Doon ko lang nadiskubre ang kaniyang tinatagong galing magpakilig. Matagal na panahon akong walang kilig sa katawan matapos ang unang pag-ibig ko noong nasa high school ako. Iniwan lang din ako noon. Pero wala na akong balita sa ex ko. Ang huling araw ng bakasyon ko ay napakahalagang araw dahil birthday iyon ng tatay ko. May handaan sa bahay, syempre lilipad ako pabalik ng Dubai. Mayroong kantahan at inuman. Hindi ko inaasahan ang nakahandang surpresa ng gabing iyon. Ang akala ko kasi birthday iyon ni tatay. Nagkamali ako. Hindi lang araw para icelebrate ang birthday ni tatay kung ‘di ay araw ng pagpapahiwatig ni Jeff ng kaniyang totoong hangarin sa akin. May dalawang cake sa hapag. Hinila ako ng kapatid ko papunta sa gitna at hawak ang cake ay iniabot niya iyon kay Jeff. Sabi ko naman para saan ba at pinapunta ako sa gitna. Lahat ng sa pamilya ko ay nandoon at panauhin ko si Jeff. “Lesley---” ang bungad niya. Ang lahat ay nahinto sa ginagawa. Nakahawak pa sa microphone ang lokong ito. Kakanta ba siya ng happy birthday? Ang dami ko na naman iniisip. Wala ako kaide-ideya sa mga ginagawa nila. “Hold the box na nasa ibabaw ng cake.” Ang sabi niya. Nangunot ang noo ko at napanguso ako. Pero hindi ko mapigil ngumiti dahil kinakabahan ako sa mga nangyayaring ito. Ingingiti ko na lang ang suspense. Hinawakan ko ang box at hinila. Akala ko box lang siya na maliit na ipinatong may kasama pala itong mahabang rolyo ng papel na nabalot sa plastic. “Basahin mo ang bawat salitang makikita mo sa paghila mo. Dahan-dahanin mo lang.” Ang sabi niya. Nagtitilian ang mga kamag-anak ko lalo na ang mga kapatid ko. Nakakunot na nag noo ko. Nagtataka kung bakit ganito ang nangyayari. “Hoy? Ano ito?” ang sabi ko. Nagtitingin ako sa mga kapatid ko at kay tatay at nanay. Bakit kaya? Alam kaya nila kung bakit may ganito? Sa bawat pag-angat ko sa hawak ko ay humahaba ang rolyo nito na galing sa loob ng cake. Itinaas ko pa para mabasa ko ang nakasulat in vertical form. Binasa ko iyon ng marahan. “Nanliligaw na ako matagal na. Gusto kita maging girlfriend, papayag ka ba?” Naiwan sa ere ang kamay ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Biglang nanlamig ang kamay ko. Nanginig dahil bigla akong nakaramdam ng kaba. Nakakahiya ang eksena na ito. Bakit sa ganitong paraan pa? Iyon ang mga nasa isip ko. Tuluyan ko ngang binunot lahat ng bahagi noon. Napalingon ako sa mga kamag-anak ko. Lahat sila galak ang nakikita ko sa mga itsura. Hindi ko malaman kung dahil gusto nila ang nakita nila o pumapayag sila na magpaligaw ako? O maging girlfriend na ako nito? Nagsalita siya matapos kong mabasa ang laman ng roll sa cake. “Lesley matagal ko hinintay ang araw na magiging pormal ang aking panliligaw. Nagpapasalamat ako dahil pinaunlakan mo ang hiling ko na sumabay ka ng uwi sa pagtatapos ng kontrata ko. Thank you dahil sumama ka upang makilala ka ng pamilya ko. Thank sa mga panahon na sumama ka para samahan ako sa kung ano man ang gusto ko puntahan. Salamat sa mga gabi na nagpupuyat ka para lang makipag-usap. Salamat sa ligaya na dala mo sa buhay ko. Sa pagkakataong ito. May hihilingin ako.” Ang sabi niya. Ang bili ng mga nangyayari. Hindi ko inasahan ang lahat ng ito. Sa huling sinabi niya ay doon na yata lumapot ang pawis ko. Nag-iinit ang katawan ko. Ramdam ko ang pagtaas ng temperatura ng katawan ko. Gusto ko umalis sa kinatatayuan ko dahil sa kaba ngayon at nahihiya ako sa pamilya ko. Kinuha niya ang box na hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang laman noon. Lumapit ang kapatid ko at kinuha ang cake sa kamay ni Jeff. Muli ay binigkas niya ang tanong na nakalagay sa roll na binunot ko mula sa cake. “Lesley? Uulitin ko ang tanong. Gusto kitang maging girlfriend, okay lang ba?” Hindi ako nakapagpigil sa tuwa. Gusto ko lumundag sa saya. Ang narinig ko mula sa kaniya ay bumuhay sa dugo ko mula ulo hanggang paa. Tumango ako ng nakakagat sa aking labi. Hindi ko maintindihan pero sobrang kasiyahan ang aking naramdaman ng gabing iyon. Binuksan niya ang box. Ang nasa loob nito ay isang kwentas na may pendant na JL. Tumawa ako ng makita ko iyon. Sobrang sigurado niya na oo ang sagot ko? Kasi nakahanda na ang initials ng pangalan namin na magkatabi sa isang kwentas. “Gusto ko marinig ang sagot mo.” Ang sabi niya. “Oo payag ako.” Ang sabi ko. Mabilis niya ako niyakap sa harap ng pamilya ko. Ang saya lang kasi lahat sila masaya para sa amin ni Jeff. Ang higpit ng yakap ko sa kaniya. Hindi ko napigil eh. Kumalas ako at isinuot niya sa leeg ko ang kwentas. Pagkatapos noon ay nagkasiyahan na ng tuluyan. Matapos ang revelation ay lungkot ang siyang yumakap sa akin. Bakit kung kailan ako ay paalis na ay doon naman siya nagparating ng pag-ibig niya? Ihahatid ko siya sa labas dahil uuwi siya. Nag-usap kami noon. Unang usap na magkasama bilang mag-girlfriend at boyfriend. Nakahawak ang kamay niya sa baywang ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na boyfriend ko na ang lalaking ito. “Lesley? Bukas na ang flight mo. Baka pwede sana ano—” ang sabi niya. “Kiss?” ang sabi ko. Mabilis talaga ang utak ko umandar kapag siya ang kasama ko. Tumawa siya at tumango. Para kaming mga paslit na nagpaalam pa talaga para lang makahalik. Nagkaharap kaming dalawa. Nagkatinginan. Nakakailang nga pero sayang ang moment. Babalik na ako sa work tapos pakyeme-kyeme pa ako? Napakagat na lang ako ng labi ko dahil napailing ako bigla sa titig niya. Nagbaba siya ng ulo niya ng dahan-dahan sa aking mukha habang hawak ng isang kamay niya ang aking baba. Parang napanood ko lang ito. Ngayon ay ginagawa ko na. I stand still because I want to taste this first kiss of ours. I want this so memorable and I will cherish this kahit magkalayo kami. He kissed me on my lips. I closed my fists. That feeling na ayoko matanggal ang mainit niyang labi sa labi ko. Gusto ko itry iyong may galawang halik. Pero— “Ate!” ang tawag ng kapatid kong si Kier. Ito ang sumunod sa akin. Bigla kaming nagkahiwalay ni Jeff. Nakakahiya baka nakita kami ni Kier. “Ano ba?” nairita ako. Halata iyon ni Jeff. “Wala po. Akala ko po sasama kayo kay kuya.” Ang sabi niya at tumakbo papasok ng bahay. Tumawa na lang si Jeff dahil naputol ang momentum naming dalawa. “I love you, baby.” Ang sabi niya. Ngumiti ako. Hindi ko mapigil. Ang saya-saya lang kasi boyfriend ko na siya. Tapos baby ang tawag sa akin. “I love you, too.” Ang sabi ko sa kaniya. Ibinulong ko dahil nahihiya akong lakasan. “Okay lang ban a baby?’ ang tanong niya. “Hindi na ako bata. Gusto ko iyong pangmatanda na tawag.” Sabay niyang tawa sa harap ko. “Okay-----” napaisip siya. Humawak siya sa pisngi ko at sinakmal ako ng halik. Diin na diin ang bibig niya sa bibig ko. Mas nagulat ako noong ipinasok niya ang dila niya sa loob. Natatawa ako kasi nakakakiliti sa pakiramdam na gumagalaw ito sa loob. Pero naisip ko na bakit hindi ko subukan din na igalaw ang dila ko at maikpaglaro sa kaniya. That was a real torrid kiss. First kiss na hindi natanggal sa isip ko. “I love you, hon!” ang sabi niya. “I love you.” Ang sabi ko naman. That was our last meeting bago ako nabalik ng Dubai. SA kakaisip ko ng nakaraan ay hindi ko namalayan na nakatitig na pala sa akin si Jeff. “Hon?” ang sabi niya. Napaayos ako ng upo. “Bakit?” ang tanong ko. “Halika dito.” Ang sabi niya. “Okay. Magbanyo lang ako saglit. Babalik ako sa tabi mo.” Ang sabi ko. Kaya pumasok ako sa banyo upang umihi at magsipilyo dahil gising na siya. Nakakahiya kung may mangyayari ulit sa amin. Mabuti na iyong malinis na ako. Nakakasabik siyang kasama sa totoo lang. Matapos ako sa banyo ay lumabas ako tumungo sa bed. Naupo ako sa tabi niya. Dumikit siya sa sa katawan ko at nagsimula na naman na maglakbay ang bibig niya sa kamay ko. Sabi ko na ng aba may kasunod ang adventure namin kanina. Good choice talaga ako na naglinis ng sarili bago bumalik. “Hon? Matulog kaya muna tayo.” Ang sabi ko sa kaniya. “Bakit pa matutulog? Gising na gising na ako. Mamaya na. Hindi ba aalis tayo?” ang sabi niya. “Ha? Aalis ba?” ang tanong ko. Habang ang kamay naman niya ay naglalaro na sa gitna ng hita ko. Hindi ko mapigil ang namnamin ang ginagawa niya. Kung kaya ay gumalaw na ako ng kusa at pumatong sa ibabaw niya. “Woow! Sigurado ka ba niyan?” ang tanong niya sa akin. Tumawa naman ako. Alam niya na wala akong kaalam-alam sa ganito. Pero nasa isip ko bakit hindi subukan. Nagkatinginan kaming dalawa. “Hindi ako sure. Pero hindi ba ikaw naman magtuturo kung paano?” ang sabi ko kahit nakakahiya. Tumango siya at halatang gustong-gusto niya. Nagbaba ako ng sarili ko sa bibig niya. Ako ngayon ang nasa ibabaw kaya ako na ang kusa na gumawa ng paraan upang simulant ang mga pangyayari. We kissed and played with our selves. Ang sarap sa pakiramdam na naglalaro ang mga bibig naming at nilalaro niya din ang mga dibdib ko hanggang sa ibaba niya sa gitna ng hita ko. Napapakapit ako ng mahigpit sa ulo niya sa bawat hagod ng daliri niya sa loob nito. Binitawan niya ang bibig ko at nagsalita. “Do me a favor, hon.” Ang malambing niyang tinig ay pumukaw talaga sa atensiyon ko. “Ano yan?” ang tanong ko naman. “Isubo mo.” Ang sabi niya. “Ano?” tinanong ko kasi baka mali ang pagkadinig ko sa sinabi niyang isubo ko daw. “Ano ang isusubo, hon?” ang napakainosente kong tanong. Wala kaming kakainin dito ano ang isusubo ko? Tumingin siya sa mga mata ko. Dinukot niya ang daliri niya sa ilalim at humawak sa ulo ko. He was pushing me down. Oo. Ibinababa niya ang ulo ko papunta sa kaniya. Nagulat naman ako ng tumambad ang nagyayabang na iyon. Ang laki nito, ito ba ang isusubo ko? Natulala ako sa parte na nasa harap ko na tapos hinihintay niya na gawin ko. Nagtaas ang ng tingin mula sa pagkakayuko. Nangunot ang noo ko. Hindi ako sure sa gusto niya kung kaya ako. Nakakadiri naman kung isusubo ko ito. He looked at me. “Please?” ang sabi niya. Hindi ko maayawan. Nakakaawa naman kung aayawan. Sabi ko sa sarili ko. Sige, give it a try para naman mapasaya mo siya. Asawa mo naman ‘yan kaya okay lang. Tiningnan ko ulit ang mayabang na parang kandilang nakatirik. Binuka ko ang bibig ko. Tila hindi kakasya pero subukan ko na lang. Ipinasok ko pero nagulat ako ng bigla niya diniin ang ulo ko. Saka ko naramdaman na nasa loob na lahat. Pero mabilis kong binawi ang ulo ko at umalis sa kinalalagyan ko. Tumakbo ako sa banyo dahil hindi ko kinaya. Nasusuka ako. Pakiramdam ko umabot talaga lagpas sa ngala-ngala ko. Bakit naman siya ganoon? Hindi ako sanay sa ganitong gawain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD