Iniwan ako ng kapatid ko sa kwarto namin matapos akong pakainin upang mabawasan ang pagkahilo ko. Tamang mainit na soup lang para maibsan ang nararamdaman ko. Nasa kama ako. Nakapikit ang mga mata. Ang lamig ng aircon. Hindi ako makatulog sa kabila ng pagkalasing. Nahihilo ako pero walang antok na dumadalaw. Mag-alas diyes na ng gabi. Napatingin ako sa orasan na nasa wall sa gilid ko. Nag-aalala ako kung saan naroon ang asawa ko. Kung kaya ay bumangon ako at sumilip sa bintana. Wala pa din ang sasakyan niya sa ibaba. Kaya naman ay naupo ako sa wing chair na malapit sa bintana at sa harap ko ay isang round table na mayroong figurine na mayroong chinese jade figurine na bear. Sumandal ako sa upuan. It feels so comfy sa likod. Ilang sandal pa ay narinig ko na mayroong sasakyan na dumat

