Chapter 20 One Night Naupo ako sa wing chair na malapit sa bintana. Hinihintay ko ang asawa kong may kalandian kagabi. I am thinking kung ano ba ang pinakamabuting gawin nito dahil tiyak na hindi siya aamin na may babae siya. Kumukulo ang dugo ko. Nag-iinit ang buo kong katawan. Subalit hindi ako pwedeng padalos-dalos ngayon dahil nandito pa sina tatay at ang mga kapatid ko. Napapikit ako ng aking mga mata. Huminga ng malalim at binibilang ang oras. Ilang sandali pa ay may pumasok sa pintuan. Tiningnan ko kung sino. Siya na nga ito. I did not utter a word. Hinihintay ko na lumapit siya sa akin. He looks fine. Ako naman ay parang mangangain na. Lunukin ko to ng buhay eh. Sarap balatan ng paunti-unti kung tinatarantado ako. Tinungo niya ang banyo. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya

