Tumingin si Jeff sa akin. Nagkibit ng balikat niya na tila wala talagang alam. Kumuha siya ng yelo mula sa freezer at inilagay sa bucket. Tinitingnan ko ang ginagawa niya. Kumuha ako ng ilang nacho chips at nilagay sa bowl. Baka sakali lang na gusto kumain ni Danna. Tinikman ko ito. Tamang-tama lang ang lutong. Tumingin ko sa loob ng microwave oven kung may natitira pang ground beef. Gusto ko lagyan ng ground beef ang chips at ng dressing. Binuksan ko at mayroon nga. Kaya ni reheat ko muna upang mas maging malasa siya kapag hinalo sa chips. Sumandal ako sa lababo habang naghihintay na tumunog ang microwave oven. Ilang sandal pa ay tumunog na ang over. It’s done kaya pwede ko ng tanggalin sa loob. I sprinkled the ground beef sa bowl. Tapos na din magsalin ng yelo si Jeff. Bitbit ko ang

